Sinamaan ko ng tingin si Atlas. Paano, kanina pa siya tawa nang tawa nang sinabi ko na na-promote ako bilang Cashier. "Ano bang nakakatawa dun?" inis na tanong ko sa kanya. Sakay ako ng sasakyan niya ngayon. Sinundo niya kasi ako sa pantalan. "Wala lang. Ang galing ko, di ba? Nahulaan ko kaninang umaga na mapo-promote ka?" sagot sa akin ni Atlas. Nilingon ko siya at saka sinamaan ng tingin. "May kinalaman ka ba dun?" sita ko sa kanya. Biglang napahinto sa pagtawa si Atlas. "Wala, ah! Ni hindi ko pa nakikita at nakikilala ang boss mo, paano ko naman gagawin 'yun?" Inirapan ko siya. "Hmp! Kapag nalaman ko lang na may kinalaman ka dun... humanda ka sa akin." "Wala nga." "Hmp! Tingnan natin..." pagbabanta ko pa sa kanya. NAKA-ISANG buwan ako sa Isla Verde. Inaamin ko, nag-en