Unang araw ko sa restaurant ng Isla Verde. Sumama pa si Atlas sa bangka para ihatid ako sa isla. Nahihiya tuloy ako sa mga kasabay namin sa bangka. Imagine? Iyong Mayor nila, hinahatid ako sa Isla Verde? "Atlas, pakiramdam ko ngayon, para akong grade school na unang araw na papasok sa eskwelahan. Hinatid mo pa talaga ako," nakanguso kong sabi kay Atlas na katabi ko. "Dapat lang. Ako yata ang nagsisilbing guardian mo dito sa Trinidad, kaya kargo kita." "Sus! Ako nga dapat ang mahiya sa 'yo kasi marami ka nang nagawa para sa akin. At saka dun sa makulit na si Amethyst." "Eto na naman po kami... baka magka-iyakan pa tayo dito sa bangka, ha..." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Seriously, sobra-sobra iyong mga nagawa mo para sa akin. Ang hiiningi ko lang naman sa iyo, bigyan mo ako ng