"Manang Sol, ikaw na muna ang bahala sa prinsesa kong makulit pero maganda, ha..." nakangiting sabi ko kay Manang Sol, nang pagbuksan ko siya ng pinto. "Naku, okay lang. Mabait naman 'yang si Amethyst. Matabil lang kasi matalino. Maraming sinasabing mga naoobserbahan niya." Napakunot-noo ako. "Ano naman ho ang mga sinasabi ng batang 'yun?" tanong ko, sabay lingon ko kay Amethyst na kakulitan ni Atlas ngayon. "Naku, eh... tinatanong ako kung bakit hindi n'yo kasama ang Dada niya dito sa bahay n'yo. Eh, siyempre... wala naman ako sa posisyon para magpaliwanag sa kanya. Kaya ang sabi ko na lang, malayo itong bahay ninyo sa munisipyo, kung saan araw-araw pumapasok ang Dada niya." Bahay din ng mga Vergara itong bahay na tinutuluyan namin ni Amethyst. Nung dumating ako dito sa Trinidad, d