MARIRINIG lalo sa loob ng Calapan Coliseum ang malakas na cheer ng crowd para sa CU. Ito ay dahil nga sa magandang first quarter ng Ballers kaya makikitang mas lalong nangibabaw ang ingay na nililikha ng mga ito. Naroon pa rin naman ang mga CISA supporters na hindi pa rin nawawalan ng pag-asa, nagkataon nga lang na mas malakas ang maririnig mula sa kalaban. Nang ipasok nga ni Coach Wesley ang kanyang mga players ay napaseryoso si Coach Erik dahil nasa line-up pa rin nito si Ibañez. Mukha ngang walang balak na pagpahingahin ito ng Ballers na alam naman din niyang matagal nang strategy nito dahil kaya naman ng kanilang ace player na maglaro ng buong 48 minutes. Ang problema nga lang sa CISA ay kailangan niyang pagpahingahin ang mga starting players niya para maging handa mamaya. Napating