“KAPAG nasa ere ka na, pakiramdaman mo ang pulso mo. Mula sa ibaba, dalhin mo ang pwersa papunta sa mga kamay mo. Kapag alam mong nasa pinakamataas ka nang talon sa jumpshot mo… Doon mo bitawan ang bola.” “Eh kuya, paano ko malalaman kung papasok iyon?” tanong ni Kim sa kanyang kapatid. “Malalaman mo iyan dahil palagi tayong naglalaro. Mararamdaman mong tama ang bitaw mo kapag ang isang kamay mo lang ang tumulak at ang kabila ay siya namang naging suporta. Iyan ang tandaan mo bilang isang shooter.” “E, pang-ilalim ako kuya. Lagi akong nasa ilalim kasi nga matangkad ako.” “Iyan ang advantage mo ngayon sa kanila Kim. Sa oras na magkaroon ka ng outside shooting, lalapitan ka ng bantay mo at iyon ang pangontra mo sa malalakas na team na inside game ang galawan. Bubutasin ng out