Ikadalawampu At Limang Basket

1674 Words

DAHIL sa ginawa ni Ricky ay tila napasubo ang kambal sa kalokohan nito. Nang marinig nga nila ang sinabi ng kanilang kuya na bukas ay maglalaro sila kalaban ito ay napalunok na lamang sila ng laway. Hindi nila kayang talunin ang kapatid nila sa basketball, kaya paano sila mananalo? Napatingin nga si Trey kay Ricky at nakita niyang nakangiti lang ito kahit wala man lang tanong na ginawa sa kanila. Kung wala lang daw sana si Anna ay baka tumanggi na sila, pero wala silang pagtutol na nagawa sa bagay na ito kaya nga napaseryoso sila ng tingin kay Mendez. Hinintay na lamang nilang tumingin ito sa kanilang dalawa para ipakitang hindi sila pabor sa naisipan nito. “Ano na naman itong ginawa mo Mendez? Hindi na ako natutuwa sa iyo,” sabi na lang ni Trey sa sarili niya at nang tumingin na nga sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD