NANG tumunog ang buzzer ay tila huminto ang paligid sa mga mata ni Ibañez. Nakatingin na lamang siya sa mga nagsitakbuhang players ng CISA papunta sa loob ng court at kitang-kita niya kung gaano kasaya ang mga ito. Bumuntong-hininga na lamang siya at marahang naglakad. Sumagi sa isip niya ang unang taon niya sa CBL. Ginulat niya ang marami sa kanyang galing sa paglalaro at nagawa nga niyang pagkampeonin ang CU kahit rookie pa lamang siya noon. Sa ikalawang taon ay ganoon pa rin ang nangyari. Dahil nga sa pagsikat niya kaya nilamon din siya nito at kung ano-ano na ang kanyang nagawa, lalo na pagdating sa mga babae. Akala niya ay walang makakatalo sa kanila… Hanggang sa ikaapat niyang taon sa CU, isang player ang biglang makikita niya. Nanood lang siya ng practice game noon ng winless team