NANG makita ni Mika na tumingin si Ricky sa direksyon kung nasaan siya ay naramdaman niyang sa kanya ito nakatingin. Nakita niya ang ginawang play ni Mendez at hindi siya makapaniwalang ngayon ay napakagaling na nito. Hindi ganito si Ricky noong napasok pa siya sa CISA. Ibig-sabihin lang nito ay ang laki na ng improvement ng binata magmula noon. “Ang galing mo Ricky…” nasambit na lang ni Mika sa sarili at isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya. “Galingan mo…” 12-9 ang score at lamang ng tatlo ang CISA nang oras na iyon. Anim na minuto na rin ang nakalipas sa unang quarter at makikita sa laban na kapwa ayaw magpatalo ng dalawang team sa larong ito. Pero ang nakakahanga pa rin sa marami ay kung paanong ang defending champion ay tila napapantayan ng CISA na hindi nila naramdaman no