NAPANGITI si Maryey habang pinagmamasdan ang suot-suot sa kanyang palasingsingan na Infinity Ring. Iyon ang singsing na ginamit nila sa kasal ni Sergio. Singsing na pinaka-regalo sa kanila ni Daizuke Niwa. Hindi lang iyon basta singsing dahil kapag suot niya iyon ay maraming siyang benefits na puwedeng makuha sa UHB Leisure Club kahit hindi naman siya ang member doon. Sa pamamagitan ng singsing na iyon ay mayroon din siyang access sa UHB Leisure Club kahit hindi niya kasama si Sergio. Hindi lahat ng member ay nagkakaroon ng ganoon, maliban na lang sa mga nag-asawa na. May naka-engrave pa sa loob ng singsing na UHB. The best wedding ring. “Matunaw ‘yan, hon,” ani Sergio na tinabihan sa kama si Maryey. Nakangiti pa rin nang pagmasdan niya si Sergio. Asawa na niya ito ngayon. Hindi pa rin s