NAGULAT si Maryey sa naging transformation niya nang mga sandaling iyon. Saka lang siya pinaharap sa salamin nang matapos siyang maayusan mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang buhok na bahagyang kinulot at inayos. May nilagay ring flower crown sa kanyang buhok. Para siyang Diyosa nang mga sandaling iyon. Kahit siya ay gandang-ganda sa kanyang nakikitang ayos niya. “Wow,” sambit pa ni Paige nang makita ang ayos niya. Katatapos lang din nitong ayusan. “You look stunning, Maryey.” “Thank you, Ate Paige. Ikaw rin.” “I think, this one will fit on you,” ani Paige na iginiya siya palapit sa isang princess inspired white gown na naka-hanger. Mahaba ang laylayan niyon. Kitang-kita rin ang likuran dahil backless iyon na may pagka V-line ang design. Isusuot ba niya iyon? Seryoso si Paige? “I