NASURPRESA si Maryey nang maging bisita niya kinahapunan si Zafrina. Hindi ito nag-iisa dahil kasama nito sina Paige, Xhena at Micah. May dala pang fruit basket ang mga ito. “Kumusta na ang buntis?” ani Micah. “Heto, sa awa ni Lord, buntis pa rin,” sagot niya. Napatingin si Maryey kay Sergio nang lapitan siya nito. “Punta muna ako sa labas, hon. May kasama ka naman dito,” paalam pa nito sa kanya. “Sige,” pagpayag niya. “Kami muna ang bahala kay Maryey,” assurance ni Xhena kay Sergio. “Okay. Maiwan ko muna kayo. Magpapa-deliver na lang ako ng puwede ninyong kainin,” ani Sergio na hinalikan muna si Maryey sa labi bago umalis. Nahatid pa ni Maryey ng tingin ang asawa. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay ibinalik niya ang tingin sa mga bisita na mga nagkanya-kanya na ng upo sa may so