Life without them was pure torment and I struggled to survive each day. Kung wala lang si Rejil na p’wede kong masandalan anumang oras, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. “Gusto kong bumalik sa probinsya,” sabi ko sa kanya habang kumakain kami ng almusal. “At ano naman ang gagawin mo doon, Kylie? Magmukmok sa kalungkutan? Dito ka na lang muna,” sagot niya. Umiling ako kasi gusto kong makitang muli ang mga gamit ng anak ko. Gusto kong maamoy iyong mga naisuot na niyang damit. “Hindi mo kasi ako maintindihan kasi wala ka pang anak. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magtatagal doon, eh.” “Baka mas lalo ka lang masasaktan kapag bumalik ka doon,” sabi niya. Ngumiti lang ako dahil may mas masakit pa ba sa pagkawala ni Marian at Karla? Wala ng hihigit pa doon! “Pagbigyan mo na ako ka