Kabanata Eleven

3035 Words
Kabanata Eleven Dan POV Expected ko ng susugurin ako ng kapatid ko sa oras na malaman nyang minamanipula ko lahat ng ginagawa nyang paghahanap kay Belle sa makalipas na limang taon at alam ko din na hindi sya titigil hanggang hindi nya nakukuha ang sagot sakin kung bakit ko yon ginawa pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yon dahil nangako ako kay Belle na walang makakaalam na ako ang tumutulong sa kanya hanggang hindi pa sya bumabalik kaya kahit masakit sakin bilang kapatid ni Jd wala akong magawa kung hindi ang maging matigas sa kanya at hayaan sya. Kailangang buksan ni Jd ang isip nya na hindi na babalik si Belle sa kanya, sa limang taon na nawala si Belle kung gusto nyang bumalik at mahal pa nya si Jd pagpapakita sya at hindi na nya kailangang magpahanap pa pero limang taon na ang nakalipas wala pa din syang planong bumalik at kahit na si Jace at Rogi hindi sya makumbinsi na bumalik o kahit man lang kausapin ang pamilya nya kaya paano pa si Jd na dati nyang minahal, noong umalis si Belle alam kong tinapos na nya ang lahat sa kanila ni Jd sadyang hindi lang matanggap ng kapatid ko na tapos na sila ni Belle dahil ramdam kong nagsisi pa din sya ngayon sa mga nasabi at nagawa nya kay Belle noong sila pa at noong pinaghihinalaan nya si Belle na may iba pero ang totoo naman wala dahil kapatid ni Belle si Mark. Ang komplikado ng sitwasyon nilang dalawa noon at lalo na ngayon dahil hindi magawang bitawan ni JD si Belle. Gusto kong ipaintindi kay Jd na dapat na syang sumuko kasi sya lang din ang masasaktan sa huli kung ipagpapatuloy nya pa to. Walang kasiguraduhan kung sya pa din ang mahal ni Belle sa nakalipas na limang taon saka hiwalay na silang dalawa noong umalis si Belle kaya tama na ang limang taon na ginugol nya para sa paghahanap kay Belle kaya kung may gagawin man si Lolo na hakbang wala na kong magagawa kung hindi hayaan si lolo sa gusto nya, napigilan ko na si lolo ng limang taon para hindi pakielamanan si Jd sa ginagawa nya pero ngayon hahayaan ko na silang lahat dahil may pamilya din akong dapat ayusin at hindi ko hayaan na masayang lang ang ginawa ni Belle para samin ni Devlin. Hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon kung paano ako tinawagan ni Belle para humingi ng tulong at kung ano ang pinagdaanan nya noong umalis sya at hindi ko din nakakalimutan ang malalim nyang dahilan kaya sya umalis at iniwan ang mga taong mahal nya, kasama na don si Jd. Sana lang tigilan na ni Jd ang ginagawa nya na to para kay Belle dahil kahit bumalik man si Belle wala na syang lugar sa puso nito dahil noong oras na nakipaghiwalay si Belle kay Jd binitawan na nya ang pagmamahal nya sa kapatid ko.  Flashback Kasalukuyan kong sinusuyo si Devlin dahil nag away kaming dalawa dahil sa kagaguhan ko “Devlin kausapin mo naman ako” sabi ko sa kanya kasi hanggang ngayon ayaw nya kong kausapin simula noong itinakas ko sya para ilayo sa lahat “Dan I need to go back” sabi nya sakin pero umiling ako “Hindi kita ibabalik hanggang hindi tayo nagkakaayos na dalawa, nagsinungaling ako sa kanila kasi ayokong mag alala pa sila satin kaya please lang Devlin patawarin mo ko” sabi ko sa kanya “Dan ayokong makipag argue sayo ngayon dahil nakatanggap lang ako ng tawag galing kay Grace na nawawala daw si Belle kaya kailangan mo kong ibalik dahil kailangan ako ng kapatid ko” sabi nya sakin “Okay” sabi ko sa kanya at inalalayan ko sya para sumakay sa kotse ko. Asa isang private resort sila ngayon dahil balak sana nilang doon kami pagbatiin ni Devlin pero hindi kami don dumiretso dahil gusto ko na masolo ko lang sya at iniisip ko na pwede nilang magamit ang inihanda nila para kay Belle at JD pero mukang hindi maganda ang kinalabasan kasi nawawala si Belle “Dan bilisan mo” sabi sakin at halata sa kanya ang pag aalala kay Belle “Devlin kumalma ka dahil makakasama yan sa baby natin, kaya ni Belle ang sarili nya wag kang mag alala” sabi ko sa kanya “Alam kong kaya ni Belle ang sarili nya pero hindi naman ako mag aalala ng ganito kung hindi ko alam ang sitwasyon ng kapatid ko” sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Belle is suffering from heart disease kaya nag aalala ako sa kanya dahil hindi sya pwedeng mawala, nagbabalak na nga silang umalis ni Mark para magpagamot sa ibang bansa” sabi nya sakin “Teka bakit si Mark ang kasama nya?” tanong ko sa kanya “He is Belle’s real brother, hindi ko totoong kapatid si Belle at si Mark ang totoo nyang kapatid” sabi nya sakin pero naguguluhan pa din ako sa mga sinasabi nya “Linawin mo ang sinasabi mo Devlin” sabi ko sa kanya “Hindi totoong Co si Belle dahil hindi nya totoong mga magulan sila mommy at daddy, ang tunay na magulang ni Belle ay sina Tito Miguel at Tita Issabela” sabi nya sakin “So all this time pinagseselosan ni Jd ang kapatid ni Belle” sabi ko sa kanya at napatango sya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila at sa palagay ko sobrang lalim ng naging dahilan ng Belle para umalis na lang at iwan ang lahat. Mabilis naming narating ang kinaroroonan nila Jd at nakita namin sila Thunder na may inaabangan, pagkahinto ko ng sasakyan ko bumaba agad si Devlin at nilapitan sila Thunder kaya sumunod agad ako sa kanya “Anong nangyari?” tanong ni Devlin sa kanila “Bigla na lang syang umalis ate Devlin pagkatapos ng pag-uusap nila ni Jd” sabi ni Kate kay Devlin “Asan si Jd ngayon?” tanong ko sa kanila “Andon po sa kwarto ni Belle kasama sila Mark, iniintay lang namin kayo kaya kami andito” sabi sakin ni Kate kaya tumango ako sa kanya “Tara na don” sabi ni Devlin kaya naglakad na kami papunta don at inalalayan ko si Devlin. Nang makarating kami don naabutan naming nagsasagutan si Jd at Mark kaya napailing ako “Kasalanan mo kaya nawala ang kapatid ko, pag may nangyaring masama sa kanya JD hindi ko alam ang magagawa ko sayo” sabi ni Mark kay JD “Kung hindi nyo lang nilihim sakin ang mga to hindi sana mawawala si Belle” sabi naman ni JD “Wag na kayong magsisihan dahil wala namang may gustong mangyari to” sabi ni Rogi sa kanila kaya pumasok na kami sa loob “Mark anong balita?” tanong ni Devlin kaya napatingin sila samin “Ate Devlin” tawag sa kanya ni Grace at nilapitan sya saka pinaupo “Anong nangyari sa kapatid ko?” tanong ni Devlin sa kanila at tiningnan sila “Bigla na lang syang umalis ng hindi nagpapaalam pagkatapos nyang makausap si Jd at makipaghiwalay dito” sabi ni Rogi samin kaya napabuntong hininga ako “Anong pinag-usapan nyo JD?” tanong ko sa kapatid ko “Nakipaghiwalay sya sakin at dahil yon kay Lolo” sabi ni Jd sakin “Sigurado ka bang dahil kay lolo o dahil din sayo?” tanong ko sa kanya “Kuya alam mong kung hindi dahil kay lolo hindi mangyayari to!” sabi nya sakin kaya napailing na lang ako “Alam na ba nila Tito Miguel to?” tanong ni Devlin kay Mark “I already told them at gumagawa na sila ng paraan para mahanap si Belle ngayon “Tinawagan nyo na ba?” tanong ko sa kanila “Out of coverage area na sya kuya pagkatapos nya kong kausapin at magbilin hindi ko na sya ma-kontak” sagot sakin ni Rogi kaya napabuntong hininga ako. Paano namin hahanapin ngayon nyan si Belle, mukang desidido na talaga sya sa ginawa nya “Lalabas lang ako para may tawagan na baka makatulong satin” sabi ko sa kanila at lumabas para humanap ng tulong na makita si Belle. Sa sitwasyon ni Belle ngayon sigurado akong hindi sya lalayo lalo na kung may sakit sya unless may tumulong sa kanya. May isang taong pumasok sa isip ko na baka asa likod ng nangyayari na to kaya tinawagan ko sya “Anong kailangan at tinawagan mo ko?” tanong nya sakin “Anong ginawa nyo kay Belle?” tanong ko sa kanya “Nahahawa ka na din sa kapatid mo na tuwing may nangyayari sa inyo ako ang una nyong sinisisi” sabi nya sakin “Hindi ba dapat lang lolo dahil ikaw naman ang may pakana ng lahat ng to kaya nga kami nag away ni Devlin at kaya naghiwalay si Belle at Jd” sabi ko sa kanya “Wag mong isisi sakin ang kagagawan ng kapatid mo, wala akong kinalaman kung asaan man si Belle ngayon. Kung nawawala sya o umalis sya desisyon nya yon” sabi nya sakin at pinatay ang tawag kaya napabuntong hininga ako. Kung walang kinalaman si Lolo sa pagkawala ni Belle sino ang gumawa ng paraan para makaalis sya at hindi pa namin sya mahanap ngayon. Habang nag iisip ako nakatanggap ako ng isang tawag pero unregistered number sya kaya kahit hindi ko kilala ang tumatawag sinagot ko pa din “Hello” sabi ko ng masagot ko ang tawag “Kuya Dan I need your help” sabi nya sakin at sa boses nya pa lang kilala ko na kung sino to “Belle asan ka? Mababaliw na silang lahat sa paghahanap sayo kaya asan ka?” tanong ko sa kanya “Kuya please tulungan mo, hindi nila pwedeng malaman na tinatawagan kita at nanghihingi ako ng tulong sayo, please kuya Dan I need your help” sabi nya sakin kaya tiningnan ko sila Max na medyo malayo sakin kaya naglakad pa ko palayo “Belle ano bang sinasabi mo dyan?” tanong ko sa kanya “Kuya gusto kong lumayo sa lahat at kailangan ko ng tulong mo para hindi nila ko mahanap” sabi nya sakin “Belle bakit mo to ginagawa?” tanong ko sa kanya “Kuya kailangan ko to kasi ayokong may maapektuhan pa kung mananatili ako dyan saka may dahilan ako kung bakit ako aalis” sabi nya sakin “Belle hindi ka ba naawa sa kanila na naghahanap sayo ngayon, ang ate Devlin mo hinahanap ka din ngayon” sabi nya sakin “Alam kong hahanapin nila ko pero Kuya Dan mas mahihirapan kayo pag hindi ako umalis saka mas masasaktan lang ako kung hindi ko to gagawin” sabi nya sakin “Hindi ka pa ba nasasaktan Belle at kung tungkol to kay Lolo pwede nyo naman ipaglaban ni Jd ang pagmamahalan nyong dalawa at susuportahan namin kayo” sabi ko sa kanya at pilit na ipinapaintindi sa kanya na hindi sya dapat umalis “Kuya Dan just help me please, gusto kong mangyari to at ikaw lang ang makakatulong sakin. Nagmamakaawa ako sayo kuya Dan dahil ikaw lang ang alam kong malalapitan na hindi nila paghihinalaan kaya please kuay Dan tulungan mo ko kasi hindi ko na talaga kayang manatili pa at patuloy na makita kayong nasasaktan dahil sakin, oo nga at mahal ko si Jd pero hindi porket mahal ko sya kami na talaga ang para sa isa’t isa Kuya Dan kaya sana naiintindihan mo ko” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Belle delikado kung aalis ka, alam mong may sakit ka at kahit pa naiintindihan ko ang sinasabi mo mahirap ang gusto mong gawin ko” sabi ko sa kanya “Nagmamakaawa ako sayo kuya Dan” sabi nya sakin kaya napapikit na lang ako, hindi ko alam pero gusto kong tulungan si Belle. Tininganan ko sila muna sa kinatatayuan ko at naawa ako sa kanila kasi ung taong hinahanap nila ayaw ng magpakita pa sa kanila “Okay tutulungan kita” sabi ko sa kanya “Thank you Kuya pero kailangan walang makaalam nito” sabi nya sakin “Alam ko dahil pagnalaman nilang tutulungan kita hindi ko alam kung anong pwedeng gawin sakin ng kapatid ko pati na din nilang lahat” sabi ko sa kanya “Sorry kuya kung malalagay ka sa alanganing posisyon pero kailangan ko talaga ng tulong mo” sabi nya sakin “Alam ko, just text me the address and I will go there tomorrow dahil hindi ako pwedeng umalis ngayon” sabi ko sa kanya “Okay kuya, salamat” sabi nya sakin at ibinaba ko na ang tawag. Tutulungan ko si Belle hindi dahil para tigilan kami ni Lolo kung hindi dahil gusto kong hindi na sya masaktan, base sa mga binitawan nyang salita may malalim syang dahilan kaya nya iiwan ang mga taong mahal nya. Tuluyan na yang binibitawan si Jd simula ngayon at sana lang matanggap yon ng kapatid ko dahil ramdam ko kay Belle na kahit mahal nya si Jd ipinapaubaya na nya to kay Krystal. Bumalik na ko sa kanila para makibalita tungkol kay Belle kahit na alam ko naman na ang lagay nya pero kailangan kong malaman kung kailangan ko na ba silang iligaw para hindi nila mahanap si Belle, gagawin ko to tulad ng pakiusap nya kahit ayokong nakikitang nahihirapan silang lahat pero si Belle naman ang mahihirapan kung hindi ko to gagawin. “Hindi kaya andito lang sa malapit si Belle” biglan sabi ni Trixie kaya napatingin kami sa kanya “Paano mo nasabi yan?” tanong ko sa kanya “Kasi Kuya Dan hindi naman makakaalis si Belle ng ganong kabilis lalo na ngayon na lahat tayo naghahanap at saka lahat ng kailangan nya para makaalis ng bansa asa atin kaya hindi sya makakalayo. Isipin nyo lahat tayo hinahanap sya pero puro malalayong lugar ang tumatakbo sa isip natin, kilala natin si Belle at alam natin syang mag-isip kaya pakiramdam ko talaga andito lang sya sa malapit” sabi ni Trixie at bigla naman akong nakatanggap ng message galing kay Belle at hindi nga nagkakamali si Trixie sa sinabi nya dahil ng tingnan ko ang message sakin ni Belle kung asaan sya tama lang ang sinabi ni Trixie na asa malapit si Belle dahil asa laguna lang sya ngayon which is a few hours away in our location. “May punto ka sa sinabi mo Trixie pero alam din ni Belle na maiisip natin yan saka kung asa malapit lang sya edi sana nakita na talaga natin sya agad dahil hindi naman sya makakalayo kung sya lang mag-isa” sabi ko sa kanila “May punto din naman si Kuya Dan” sabi saki ni Grace “Hindi naman umalis si Belle ng sya lang, may kasama syang iba” sabi ni Rogi samin “Kilala mo kung sino?” tanong ko sa kanya at umiling sya “Kuya hindi kaya tauhan ni lolo?” tanong sakin ni Jd pero umiling ako sa kanya “I already talk to him at wala talaga syang alam kaya wag mo ng ipilit Jd na si lolo ang may kagagawan nito” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya, patawarin nyo ko sa ginagawa ko pero para to kay Belle. Nagpatuloy lang sila sa paghahanap kay Belle at wala pa din silang nakikitang lead hanggang sa mag check out na kami sa resort kinabukasan “Devlin you need to rest, iuuwi na kita kila Tita Beatrix dahil hindi ka pwedeng ma-stress” sabi ko sa kanya pero umiling sya “Dan I need to find my sister” sabi nya sakin “Hinahanap natin sya pero kailangan mong magpahinga, wag kang mag alala dahil hindi din ako titigil hanggang hindi ko sya nahahanap kaya wag ka ng mag alala” sabi ko sa kanya at napabuntong hininga sya. Isinakay ko na sya sa kotse ko at inuwi sa bahay nila, kailangan nyang magpahinga at hindi pwedeng wala syang kasama kaya kailangan kong iuwi sya sa kanila. Ilang oras din ang naging byahe namin hanggang sa nakarating kami bahay nila, agad kaming pumasok sa loob at sinalubong kami nila tito at tita “Did you fine Belle?” tanong sakin ni Tito pero umiling ako “I will ask for help para makita sya” sabi ni tito at niyakap si Devlin saka si Tita “Iiwan ko po muna si Devlin dito dahil tutulong po ako sa paghahanap kay Belle” sabi ko sa kanila “Sige, balitaan mo agad kami” sabi sakin ni tita kaya tumango ako sa kanya at umalis na. Kailangan kong pumunta ng laguna para makausap si Belle pero hindi namin kakayanin ng kami lang kaya tinawagan ko si Rogi “Kuya Dan anong kailangan mo?” tanong nya sakin “Alam kong alam mo ang kailangan ko Rogi” sabi ko sa kanya dahil nahuli ko sya kagabi sa mga tingin nya sakin “Send me the address and don’t worry I won’t tell them that I know” sabi nya sakin kaya ibinigay ko sa kanya ang address kung asaan si Belle at don na nagsimula ang lahat. Saksi kaming tatlo nila Jace kung paano nahirapan si Belle sa sitwasyon na pinili nya, alam ko kung paano sya nasasaktan at umiiyak ng patago tuwing napag-uusapan namin ang mga taong iiwan nya hanggang sa umabot na kami sa puntong kailangan na nyang umalis ng bansa. Ginawa ko ang lahat para manipulahin ang impormasyon na natatanggap nila at alam ko kung gaano kasakit tuwing nakikita silang nabibigo pero ang kapalit naman nito ay ang kalayaan ni Belle. END OF FLASHBACK Alam ko ang naging sitwasyon ni Belle simula noong nakarating sya sa US at doon nagpagaling pero naputol ang koneksyon namin dalawa noong umalis sya sa US at hindi ko na kahit kailan pa tinanong si Rogi kung asaan si Belle ngayon kasi alam kong dadating ang araw na to na malalaman ni Jd na may alam ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD