Kabanata Twelve

2865 Words
Kabanata Twelve Josh Dale POV Kahit pa anong sabihin nila sakin hindi ko isusuko si Belle pwera na lang kung sya mismo ang magsabi sakin na bitawan ko na sya. Limang taon akong nagdudusa sa pagkawala nya at ngayong malapit ko ng malaman kung asaan ba talaga sya hindi na ko titigil kahit anong gawin ni lolo dahil malapit ko ng makita ang babaeng mahal ko. Lumabas ako ng opisina ni Lolo at ang sumalubong sakin ay si lolo kaya tiningnan ko sya at napabuntong hininga sya ng makita ako “Yan ba talaga ang gusto mong mangyari Jd?” tanong nya sakin “Lola malapit ko na syang makita” sabi ko sa kanya at nilapitan nya ko “Ramdam ko nga pero isipin mo din ang sinabi ng lolo mo sayo, hindi kaya dahil ayaw magpakita ni Belle kasi masaya na sya ng wala ka sa buhay nya. Limang taon na Jd, limang taon mo ng ikinulong ang sarili mo sa pag gugol at pag hahanap sa babaeng mahal mo pero mahal ka pa ba nya kung sakaling mahanap mo sya? Hindi mo ba sinasayang na lang ang buhay mo sa kanya?” tanong sakin ni Lola kaya natigilan ako “Lola” sambit ko sa kanya “Hindi ko sinasabing sumuko ka pero apo limang taon na ang lumipas at madami ka ng nasayang na oras para sa kanya, kahit pa niligaw ka ng kapatid mo kung gusto kang makita ni Belle magpapakita sya. Buksan mo ang isip mo apo dahil madaming bagay ang sinasayang mo para sa paghahanap mo kay Belle” sabi nya sakin at tinalikuran na ko. Hindi ko alam kung sino ang pakikinggan ko pero ngayong malapit na ko sa puntong mahanap sya hindi na ko susuko pa, umalis na ko sa mansyon at pinuntahan ko si Mark sa opisina na dahil kailangan nyang malaman na malapit ko ng mahanap ang kapatid nya. Nag drive ako papunta sa Montes Corporation kung saan andon si Mark ngayon, nang makarating ako don pumasok agad ako sa loob at umakyat sa opisina ni Mark ang unang sumalubong sakin ay ang secretary nya “Sir Jd ano pong ginagawa nyo dito?” tanong nya sakin “Andyan ba si Mark sa loob?” tanong ko sa kanya “Yes po” sabi nya sakin at tumango ako saka pumasok sa loob “Mark” tawag ko sa kanya kaya nag angat sya ng tingin sakin “anong kailangan mo at napadpad ka dito ng ganyang ang itsura mo” sabi nya sakin dahil magulo ang damit ko at dumudugo ang kamay ko “May sasabihin ako sayo” sabi ko sa kanya at nilapitan nya ko saka pinaupo sa couch “Anong sasabihin mo at hindi mo muna inayos ang sarili mo bago ka pumunta dito” sabi nya sakin at inabot ang first aid kit nya kaya naman ginamot ko ang sukat sa kamay ko “Malapit ko ng mahanap ang kapatid mo” sabi ko sa kanya “Hanggang ngayon ba naman Jd hindi ka pa din tumitigil?” tanong nya sakin kaya nag angat ako ng tingin sa kanya at tinigilan ang ginagawa ko “Hindi ka ba masaya na makikita ko na si Belle?” tanong ko sa kanya “Ayoko na lang umasa Jd dahil sa loob ng limang taon na paghahanap natin sa kanya wala tayong nakuhang lead kung asaan ba sya at kung meron man bumabalik lang tayo sa simula” sabi nya sakin “Sigurado na ko dito Mark” sabi ko sa kanya “Limang taon mo ng sinasabing sigurado ka Jd pero wala pa din nangyayari” sabi nya sakin “susukuan nyo na lang ba talaga si Belle?” tanong ko sa kanya “Hindi ko sinusukuan ang kapatid ko, alam mong ilang buwan lang namin syang nakasama bilang parte ng pamilya namin tapos bigla syang nawala pero ang punto ko dito kung gusto nyang magpakita sana noon pa nya ginawa pero limang taon na natin syang hinahanap hindi pa din natin sya makita, kung saan-saan na tayo nakarating para lang mahanap sya pero hindi natin sya makita. Napakahirap hanapin ng isang taong ayaw naman magpakita sa simula pa lang, para tayong nakikipaglaro ng tagu-taguan sa isang taong magaling magtago kaya inabot na tayo ng limang taon pero hindi pa din natin sya nakikita” sabi nya sakin at sa mga sinabi nya sumuko na nga sya sa paghahanap kay Belle “Mark kung sumusuko ka wala na kong magagawa pero hindi ko susukuan ang kapatid mo” sabi ko sa kanya at napabuntong hininga sya sa sinabi ko “Jd hindi ko sinusukuan ang kapatid ko, iniintindi ko na lang ang sitwasyon na sa loob ng limang taon na paghahanap natin sa kanya wala talaga syang balak na bumalik. Ayoko na lang na umabot sa punto na makikita nga natin sya pero ipagtatabuyan naman nya tayo ulit kaya hinayaan ko na lang sya sa gusto nyang mangyari kaya sana Jd maintindihan mo din ang mga sinasabi ko” sabi nya sakin at tinapik ako sa balikat. Wala na kong magagawa kung susuko sya pero wala ng makakapigil pa sakin kung malapit ko ng mahanap si Belle “Kung yan ang gusto mo Mark wala na kong magagawa pero kung gusto mong makita ang kapatid mo sasabihin ko agad sayo kung asaan sya sa oras na makita ko sya” sabi ko sa kanya kaya tumango sya “Maiba lang ako Jd kamusta kayo ni Krystal?” tanong nya sakin “She won’t stop pestering me kahit na ipagtabuyan ko sya” sabi ko sa kanya “Bakit kasi hindi mo subukan na kausapin sya ng maayos” sabi nya sakin “Anong punto mo Mark?” tanong ko sa kanya “Hindi sa ipinagtutulakan kita kay Krystal pero naawa lang ako sa tao dahil simula noong umalis si Belle sya ang andyan sa tabi mo” sabi nya sakin kaya napailing ako “Mark andyan sya sa tabi ko dahil kay lolo at gusto nilang sirain ang buhay ko” sabi ko sa kanya at napasandal na lang ako sa upuan “Hindi yon ang nakikita ko sa kanya Jd dahil kung gusto talaga ni Krystal na sirain ang buhay mo hindi sya nag aalala sayo tuwing halos mawala ka sa sarili mo dahil sa kapatid ko” sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Tuwing nalalasing ka kapag nabibigo tayo sa paghahanap kay Belle si Krystal ang laging umaalalay sayo at lahat kami saksi kung paano sya umiyak tuwing si Belle ang hinahanap mo kahit na sya ang asa tabi mo. Hindi masamang tao si Krystal tulad ng iniisip mo Jd, oo nga isa siguro sya sa naging dahilan ng kapatid ko kaya sya umalis pero sa ginagawa nya sayo nakikita kong mahalaga ka sa kanya kahit na ipagtabuyan mo sya at magmuka ka na syang tanga mahalaga ka pa din sa kanya” sabi nya sakin pero umiling ako “Mark umaarte lang yon at wag kayong mag padala sa arte nya dahil kilala ko si Krystal, gusto nya lang makuha ang gusto nya pero hindi ako tanga para bumalik pa sa kanya pagkatapos ng ginawa nya sakin” sabi ko sa kanya “So kung babalikan ka ng kapatid ka tanga sya kasi magagawa ka nyang patawarin pagkatapos din ng ginawa mo sa kanya?” tanong nya sakin kaya tiningnan ko sya “Mark magkaiba ang nangyari samin ni Belle” sabi ko sa kanya pero umiling sya “Parehas lang din yon Jd dahil noong kayo ng kapatid ko alam kong nakagawa ka din ng kasalanan sa kanya tulad ng ginawa ni Krystal sayo, isipin mong mabuti ang lahat Jd kasi si Belle alam ko kaya ka nyang patawarin sa ginawa mo sa kanya kaya sana matuto ka din sanang magpatawad sa mga taong may ginawang kasalanan sayo kasi ako kahit na sinaktan mo ang kapatid ko pinatawad pa din kita kahit na saksi ako sa naging paghihirap nya habang minamahal ka nya kasi nakita ko na nagsisi ka at yon ang nakikita ko ka Krystal” sabi nya sakin at tinapik ako sa balikat “Ano pang sasabihin mo sakin Mark?” tanong ko sa kanya dahil pakiramdam ko may gusto pa syang sabihin “Wala na Jd dahil nasabi ko na sayo ang dapat kong sabihin, mag isip ka bago mo harapin ang kapatid ko dahil kung makikita mo sya sana wala ng galit dyan sa puso mo” sabi ko nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Aalis na ko” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin kaya lumabas na ko ng opisina nya at naabutan ko sa labas si Carla “I heard everything Jd at sana nga makita na si Belle pero may punto din si Mark sa sinabi nya” sabi nya sakin at ngumiti saka pumasok sa loob para puntahan si Mark. Nagpatuloy lang ako sa pag alis sa opisna ni Mark, wala na kong balak na bumalik sa kompanya namin ngayon kaya dumiretso ako sa bar para uminom at doon naabutan ko si Max at Nathan “Ang aga mo naman pumunta dito Jd” sabi sakin ni Max ng makita nya ko “Bakit kayo andito?” tanong ko sa kanila “Kami may ari nito malamang andito kami for the inventory” sabi ni Nathan samin kaya napatango ako “Ikaw anong ginagawa mo dito ng ganitong oras sarado pa tong bar namin” sabi Max sakin at inabutan ako ng alak kaya kinuha ko yon at ininom “Mukang may problema ka na naman” sabi ni Nathan sakin “Gusto ko lang uminom” sabi ko sa kanila “Nag away na naman kayo ng lolo mo?” tanong nila sakin at tiningnan ang kamay kong may sugat “Si kuya ang kaaway ko” sabi ko sa kanila “Bakit?” tanong ni Max sakin “Si kuya ang may kagagawan kung bakit lahat ng impormasyon kung asaan si Belle ay mali” sabi ko sa kanila “Bakit ginawa ni kuya Dan yon?” tanong sakin ni Nathan at nagkibit balikat ako “hindi ko din alam, ayaw nyang sabihin sakin” sabi ko sa kanila “ung lolo mo hindi mo ba tinanong?” tanong sakin ni Max “Sumugod na nga ako sa bahay para kausapin sya pero wala akong napala at pinagbataan nya lang ako” sabi ko sa kanila “Anong sabi ni Mark?” tanong naman sakin ni Nathan “He already give up, kung gusto daw magpakita ni Belle noon pa lang nagpakita na sya at lahat sila yan ang sinabi sakin kahit na si Lola” sabi ko sa kanila kaya nagkatinginan silang dalawa “May punto silang lahat” sabi ni Max sakin “Pati ba naman ikaw yan ang sasabihin sakin?” tanong ko sa kanya “Sinasabi ko lang naman na punto sila kasi limang taon na nag ginugol mo para mahanap si Belle at kahit nga iniligaw ka ni Kuya Dan kung si Belle mismo ang may gustong bumalik hindi mo na sya kailangang hanapin pa dahil magpapakita sya sayo kung gusto nyang bumalik” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako at inubos ang alak sa baso ko “Hoy wag kang magpakalasing dahil aalis pa kayo ni Thunder bukas papuntang US” sabi sakin ni Max “Hindi ako magpapakalasing gusto ko lang kalimutan ang sinabi ni Mark sakin tungkol kay Krystal” sabi ko sa kanila “So sinabi na pala ni Mark sayo” sabi sakin ni Nathan kaya nag angat ako ng tingin sa kanya “Alam mo?” tanong ko sa kanya “Saksi kaming lahat na kaibigan mo JD, ayaw lang namin magsalita dahil alam namin na sarado yang isip mo pagdating kay Krystal pero sa totoo lang naawa na kami sa kanya sa lahat ng ginagawa mo sa kanya” sabi sakin ni Nathan kaya napabuntong hininga ako “Wala akong pakielam sa kanya dahil si Belle lang ang mahalaga sakin” sabi ko sa kanila “alam namin yon Jd pero may gusto akong itanong sayo” sabi sakin ni Max kaya sa kanya naman ako tumingin “Ano yon?” tanong ko sa kanya “Bakit mo ba hinahanap si Belle hanggang ngayon?” tanong nya sakin “Kasi gusto ko syang makita dahil mahal ko sya” sagot ko sa kanya “Dahil lang don?” tanong nya sakin “Ano bang tanong yan Max? alam nyo kung bakit ko hinahanap si Belle” sabi ko sa kanya “Oo nga alam namin at alam din namin na halos sayangin mo ang limang taon mo sa paghahanap sa kanya” sabi sakin ni Max “Jd wag kang magagalit sakin pero napansin ko lang to sa mga nagdaan na taon, hindi kaya hinahanap mo si Belle kasi kinakain ka ng pagsisi o ng guilt mo sa ginawa mo sa kanya noong kayo pa, you hurt her so much at ngayon nagsisi ka sa mga ginawa mo kaya hindi mo sya kayang pakawalan pero hindi mo na sya mahal” sabi sakin ni Nathan “Mahal ko sya Nathan at oo nagsisi ako sa ginawa ko sa kanya pero mahal ko sya” sabi ko sa kanya “Mahal mo sya kasi nagsisi ka sa ginawa mo o mahal mo sya kasi yon ang sinasabi ng isip mo?” tanong sakin ni Max “Hindi ko sasagutin yang tanong mo” sabi ko sa kanya “Wala akong sinabing sagutin mo Jd pero pag-isipan mo” sabi nya sakin at tinapik ako sa balikat. Hindi ko na lang sila pinansin ni Nathan at nagpatuloy na lang ako sa pag-inom ko hanggang sa naramdaman ko ng kailangan ko ng tumigil kaya tumayo na ko “I’ll transfer the p*****t to your account” sabi ko kay Nathan kaya tumango sya sakin at lumabas na ko ng bar nila. Sumakay na ko sa kotse ko at nag drive pauwi sa condo ko, simula noong umalis si Belle bumalik na ko sa condo ko dahil walang saysay kung titira pa ko sa mansyon kasama nila kung ginawa naman ulit ang ginawa nila sakin noon, nang makarating ako sa building ng condo unit ko pumasok agad ako sa loob pagkaparada ko ng koste ko. Mag aayos pa ko ng gamit ko para bukas at maaga pa ang flight namin nila Thunder, kasama dapat namin si Rogi pero umalis sya dahil may aasikasuhin pa daw sya sa business nila sa UK, hindi ko alam kung ilang beses ng nagpapabalik balik don si Rogi. Nagdududa na ko noon sa kanya pero wala nawala din ang pagdududa ko ng subukan namin hanapin don si Belle pero nabigo kami kaya paniguradong negosyo nga lang talaga ang ipinupunta don ni Rogi kasi kung meron pang iba malalaman ko din naman yon saka may iniiwasan ako sa bansa na yon. Pumasok na ko sa loob ng unit ko at natigilan ako ng may tao akong nakita don “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya ng makita ko sya “I’m helping you to pack your things” sabi nya sakin “I don’t need your help, you can leave” sabi ko sa kanya at nilagpasan sya pero hinawakan nya ko sa braso ko kaya tiningnan ko sya at inalis ang kamay nyang nakahawak sakin “Jd hanggang kelan ka ba magiging ganyan sakin” sabi ko sa kanya “Hanggang hindi ka nawawala sa buhay ko, hanggang hindi bumabalik si Belle sakin” sabi ko sa kanya “Jd limang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ka pa din binabalikan ni Belle, sumuko ka na” sabi nya sakin kaya tiningnan ko sya ng masama “Wala ka sa lugar para sabihin sakin yan” sabi ko sa kanya “Alam ko Jd pero sana itatak mo dyan sa isip mo na ung taong hinahanap mo hindi na babalik sayo dahil matagal na kayong hiwalay na dalawa! Sumuko na sya sa simula pa lang kaya sumuko ka na din kasi hindi na sya babalik kahit kailan” sabi nya sakin kaya hindi ako nakapagpigil at mahigpit kong syang hinawakan sa braso sya “Wala kang karapatan para sabihin sakin yan at kung hindi man bumalik si Belle wag kang umasa na magkakabalikan pa tayo dahil wala akong balak na balikan ka pa kaya yan ang itatak mo sa isip mo, kahit kailan hindi na kita mamahalin” sabi ko sa kanya at itinulak sya saka ako pumasok sa kwarto ko at galit na isinara ang pinto nito. Wala syang karapatan para sabihin sakin ang mga bagay na yon dahil hanggang ngayon naaalala ko pa din ang ginawa nya sakin noon, pasalamat sya nagpipigil pa ko para hindi ko sya masaktan kasi sa totoo lang kinamumuhian ko sya hanggang ngayon dahil sa mga ginawa nya sakin at kung paano nya ko pinaniwala na sa lahat ng kasinungalingan na ginawa nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD