Kabanata Ten

2844 Words
Kabanata Ten Her POV Pagkapos ng naging pag-uusap namin ni Rogi bumalik na ko sa kwarto ko para maghanda para sa dinner celebration ng birthday ni Tita at ng makapag ayos ako bumaba na ko at nakisalamuha sa kanila, naging maayos naman nag celebration ng birthday ni tita pero wala lang talaga ako sa mood ko dahil tumatakbo pa din sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Rogi kasi sa totoo lang may punto naman sya at lahat ng sinabi nya sakin ay tama pero hindi ko lang magawa kasi natatakot ako pero kung ang mananaig sakin ay ang takot ko walang mangyayari sakin at mas ikinukulong ko lang ang sarili ko sa mahirap na sitwasyon. "Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo" sabi sakin ni Tristan ng kaming dalawa na lang "I'm fine Tristan, wag kang masyadong mag alala sakin." Sabi nya sakin at ipinalupot nya ang braso nya sa bewang ko "You can't stop me okay from worrying, alam mo naman na ayokong may mangyaring hindi maganda sayo” sabi nya sakin "Thanks for that but I'm really fine" sabi ko sa kanya at ngumiti "Hey love birds paghihiwalayin ko muna kayong dalawa saglit” sabi ni kuya samin at hinila si Tristan para kausapin ang isa nilang business colleagues kaya hinayaan ko na sya at pumunta na lang ako sa may gazebo at nakita kong wala naman masyadong tao dito kaya namalagi na lang ako dito pansamantala "Nag aalala talaga sayo si Tristan at mahal na mahal ka nya” sabi sakin ng kakadating lang na si Rogi at umupo sa tabi ko “Alam ko at mahal na mahal ko din sya kaya nga natatakot ako na mawala sya sakin” sabi ko sa kanya "Kelan mo balak sabihin kay Tristan ang totoo?" tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako kasi sa totoo lang hindi ko alam kung kelan ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa sitwasyon ko, para akong isang krimenal na may tinatagong krimen kay Tristan kasi hindi ko masabi sa kanya ang sitwasyon ko “Kapag handa na ko sasabihin ko sa kanya pero hindi pa ngayon” sabi ko sa kanya kaya napatango sya “I’m sorry about earlier, alam kong napagtaasan kita ng boses” sabi nya sakin “Okay lang at least natauhan ako sa ilang mga bagay na tama ka nga, hindi ko na dapat ikulong ang sarili ko dito” sabi ko sa kanya kaya napangiti sya "I'm glad that you’re learning to accept my explanation and your making decision wisely” sabi nya sakin at hinaplos ang buhok ko “Kasi kung hindi ko pag iisipan lahat at kung hindi ko iintindihin lahat ng sinasabi mo sakin baka mahirapan lang ako at mawala sakin ang taong mahal ko, iba talaga pag nagmahal ka kasi lagi mong naiisip ung taong mahal mo” sabi ko sa kanya kaya tumango sya “Naiintindihan ko ang punto mo at alam ko naman na mahal mo talaga si Tristan higit pa sa naging pagmamahal mo kay Jd kasi kay Tristan mas nag grow ka pero Belle love is a silent killer and keept that in mind. Traytor minsan ang pag-ibig dahil hindi natin alam kung ung taong mahal ba natin ngayon ang makakasama natin panghabang buhay” sabi nya sakin kaya tumango ako, alam ko naman yon. “I know Rogi and I experience it with JD, but I don't want to experience that again with Tristan. He is so important to me and I don't want to lose him kaya I'm getting ready to explain and tell him the truth kung sino nga ba talaga ko at kung bakit ako andito dahil I know I can't hide anymore. I'm tired of running away and thank you for pushing me to talk to my mom I know one of these day pati si Daddy makakausap ko na din, nakakapagod na din kasi talagang takbuhan ang mga taong mahalaga sakin kaya kahit medyo nahihirapan ako unti unti ko na silang haharapin” sabi ko sa kanya at napangiti sya “You’ve really grown a lot Belle, hindi na ikaw ung Belle na nakilala ko dati na basta na lang gumagawa ng mga desisyon at plano nya sa buhay. Masaya ko na ngayon pinag-iisipan mo na lahat at iniisip mo na kung ano ba ang makakabuti sayo pati na din sa mga taong mahal mo” sabi nya sakin at tama sya, nag iba na nga ako sa dating ako kasi kung ako pa din ung dati baka hindi ko sya pinakikinggan at hindi ko iniintindi lahat ng sinasabi nya sakin at baka umalis na lang ulit ako para magpakalayo pero ngayon kasi mas nag matured na ko at unti-unti ko ng tinatanggap sa sarili ko na tama na nga ung limang taong pagkawala ko. "Well I learn and napag isipan ko lahat ng sinabi mo kanina and your right Rogi, tama na lahat ng mag ginawa ko. Oras na para magpakita ko sa kanila at oras na para ipaalam ko sa taong mahal ko kung sino ba talaga ko at kung ano ba ang pagkatao ko kasi sa lahat ng tao dito ikaw lang ang nakakaalam kung sino nga ba talaga ko” sabi ko sa kanya at ngumiti sya "That you are Isabelle Claire Montes ang nawawalang anak ni Mr. Miguel at Mrs. Issabela Montes na kapatid ni Mark Montes, the only daughter and heiress of the Montes Corporation who was dominating the US right now” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako, ngayon ko lang narinig ulit ang buong pangalan ko. “Hindi pa naman Rogi, hindi pa sa ngayon” sabi ko sa kanya “Hindi pa nga pero pagbalik mo ng Pilipinas yan ka at yan talaga ang pagkatao mo dahil isa kang Montes, Your brother did well on handling your company” sabi nya sakin at hindi na ako nagsalita pa kaya tiningnan nya ko “Do you want me to continue?” tanong nya sakin kaya tumango ako “Your brother did his best para mas mapalago pa ang negosyo nyo simula noong umalis ka at ipinakita nya sa lahat kung ano ba ang kaya nyang gawin, ikaw na lang ang kulang Belle sa pamilya nyo para makumpleto kayo. Saksi ako sa naging paghihirap ni Mark noong mga nalaman namin na may nawawala syang kapatid at saksi din kami kung gaano sya naging masaya ng makilala ka nya pero nawala ka naman” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako, sobrang dami ko ng atraso sa kapatid ko “Soon Rogi makakauwi din ako pero sa ngayon mag iipon muna ko ng lakas ng loob pero wag kang mag alala dahil hindi ako aabutin ng ilang taon bago umuwi” sabi ko sa kanya at ngumiti. Malayo na nga ang narating ng kapatid ko at proud ako sa kanya dahil don kasi kahit na nawala ako hindi pa din nya napabayaan ang kompanya namin at pati na din ang mga magulang ko. Sana lang sa pagbalik ko may babalikan pa kong kaibigan bukod sa pamilya ko kasi sa totoo lang noong nagplano akong umalis hindi ko na naisip na babalik pa ko sa kanila dahil ayoko ng makita pa nila ko pero sa mga sinabi ni Rogi sakin nakapag-isip ako na kailangan ko nga talagang bumalik na. Josh Dale POV Hindi ko maintindihan si Kuya kung bakit nya nagawa sakin to! Ilang taon kong hinahanap si Belle pero tuwing malapit ko ng malaman kung asaan sya lagi na lang mali ang mga impormasyon un pala sinasadya ng maging kong kapatid na iligaw kami at paasahin ako. Mabilis akong umalis sa kompanya at nagpunta sa condo ni kuya kung saan sya nakatira ngayon, wala akong pakielam kung may trabaho pa ko dahil ang mahalaga sakin ngayon ay makausap ko ang kapatid ko at maging malinaw sakin lahat ng ginawa nya. Nang makarating ako sa condo ng kapatid ko agad ko syang pinasok sa loob “Jd anong ginagawa mo dito?” tanong nya sakin at hindi na ako nakapagpigil pa at sinapak ko sya “Traydor ka kuya!” galit na sigaw ko sa kanya “Ano bang problema mo?” tanong nya sakin at tinulak ako “Ikaw ang problema ko kuya! Pinagkatiwalaan kita pero ginago mo lang ako” galita na galit na sabi ko sa kanya “Hindi kita maintindihan Jd” sabi nya sakin kaya natawa ako “Limang taon akong nagdurusa para hanapin lang ang babaeng mahal ko pero putang ina kuya bakit mo kami nililigaw?” tanong ko sa kanya “Jd may dahilan ako” sabi nya sakin “Anong dahilan mo?” tanong ko sa kanya pero hindi sya nagsalita “Kapatid mo ko kuya at ikaw ang unang taong alam kong hindi ako lolokohin pero ginago mo ko kuya! Dahil ba to kay Lolo? Inustos ba to ni lolo sayo na iligaw ako sa paghahanap sa babaeng mahal ko?” tanong ko sa kanya “Walang kinalaman si Lolo dito dahil simula noong umalis si Belle tumigil na sya” sabi nya sakin pero umiling ako “Kung tumigil na talaga sya bakit nakikielam pa sya sa buhay ko at bakit mo yon ginawa?” tanong ko sa kanya pero hindi sya kumibo kaya napailing na lang ako “Wala ka ba talagang sasabihin kuya?” tanong ko sa kanya “I’m sorry JD pero hindi ko sayo pwedeng sabihin ang dahilan ko, wag kang mag aalala dahil hindi ko naman na pinapakielaman lahat ng ginagawa mong paghahanap kay Belle ngayon pero Jd mag isip ka din kasi kung gusto talagang bumalik ni Belle hindi mo na sya kailangang hanapin pa dahil babalik sya ng kusa kung gusto nya talagang magpakita sating lahat” sabi nya sakin “So sinasabi mo sakin na bitawan ko na sya at hayaan na lang ganon?” tanong ko sa kanya “Hindi yon ang punto ko Jd, sinasabi ko lang na sa limang taon na lumipas masyado mong ginugugol ang sarili mo sa paghahanap sa taong ayaw naman magpakita, kahit nga sila tito Miguel hindi makita si Belle kahit na sila Tito Damien ginawa na nila ang lahat pero hindi pa din nila makita kasi si Belle na mismo ang nagtatago. Buksan mo Jd ang isip mo dahil baka sa isang araw magising ka na lang na wala na pala ang lahat sayo dahil lang sa kakahanap mo kay Belle” sabi nya sakin kaya umiling ako “Ang dali kasi sayong sabihin yan kasi hindi ikaw ang iniwan ng babaeng mahal nya” sabi ko sa kanya “Jd iniwan din ako ni Devlin at naiintindihan kita pero Jd limang taon ng wala si Belle hindi mo ba naisip na kaya sya hindi nagpapakita kasi ayaw na nyang bumalik pa” sabi nya sakin “Wala kang alam kuya at hindi ikaw si Belle para sabihin yan sakin o baka naman kasi may alam ka talaga, kuya sabihin mo na sakin ngayon kung asaan ba si Belle para mapatwad kita sa ginawa mo” sabi ko sa kanya “Wala akong alam kung asaan sya, ang tanging ginawa ko lang ay ang baguhin ang impormasyon na ibinibigay sayo ng private investigator mo pero hindi ko alam kung asaan sya” sabi nya sakin “Kuya nagmamakaawa ako sayo sabihin mo na” sabi ko sa kanya “Jd wala akong alam” sabi nya sakin pero hindi ako naniniwala sa kanya “Hanggang ngayon ba kuya si lolo pa din ang kakampihan mo?” tanong ko sa kanya “Jd ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang kinalaman dito si lolo” sabi nya sakin “Pinagtatakpan mo lang sya kuya” sabi ko sa kanya “Ewan ko sayo Jd, buksan mo ang isip mo at intindihin lahat ng sinabi ko sayo kasi lahat yon totoo” sabi nya sakin at umalis. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Lahat na lang ng pamilya ko ginagago ako at pinagmumukang tanga! Kung ayaw sabihin sakin ni kuya ang nalalaman nya gagawa ako ng paraan para mahanap si Belle, hindi ako papayag na hindi ko sya makita. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa kanya dahil sa mga nagawa at nasabi ko sa kanya noon pero pinagsisihan ko na yon at sa oras na makita ko sya hinding hindi ko na sya papakawalan pa. Si Belle lang ang mahal ko sya lang walang iba. Umalis ako sa condo ni kuya at nagmaneho papunta sa mansyon para kausapin si Lolo, hindi ako naniniwala kay Kuya na walang kinalaman si lolo sa mga ginagawa nya kasi kung talagang tinigilan na nya ang pakikielam nya hindi nya sana ipinipilit si Krystal sakin. Nang makarating ako sa mansyon pumasok agad ako sa loob at hinanap si Lolo “Asan si lolo?” tanong ko sa kasambahay namin “Asa opisina ho” sagot nya sakin kaya agad akong umakyat sa taas at nakasalubong ko si Mommy “Jd bakit ang aga mong umuwi at bakit ganyang at itsura mo?” tanong nya sakin pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy na pumasok sa opisina ni lolo, naabutan ko syang naupo sa swivel chair nya kaya lumapit ako don “Ano pa bang kailangan kong gawin para tigilan mo na ang pakikielam sa buhay ko?” tanong ko sa kanya kaya tiningnan nya ko “Ano na naman ang problema mo Jd at anong ginawa ko sayo para sumugod ka dito ng ganyan?” tanong nya sakin “Magpapatay malisya na lang ba kayo lagi pag nahuhuli kayo sa ginagawa nyo?” tanong ko sa kanya kaya tiningnan nya ko ng seryoso “Hindi ko alam ang sinasabi mo at kung ano man yan wala akong kinalaman dyan” sabi nya sakin “Hindi na ko naniniwala sayo lolo kasi nakakasawa na! lalo na nag maging parte ng pamilya na to” sabi ko sa kanya kaya napatayo sya “anong gusto mong mangyari Jd?” tanong nya sakin “Pagod na pagod na ko lolo sa lahat ng laro mo, hindi na kita maintindihan sa mga gusto mong gawin sakin pati na din kay kuya. Ginagawa mo kaming laruan mo na gusto mong laging sumusuod sayo, una ang relasyon ko kay Krystal noon ginawa mo ang lahat para mapaghiwalay kami sinira mo din ang pagiging magpinsan namin ni Tristan dahil don tapos ngayong okay na ang lahat sana dahil kay Belle sya naman ang inilayo mo sakin at ginamit mo pa talaga si kuya para lang iligaw kami sa paghahanap sa kanya, alam mo naman lolo na may sakit sya pero dahil sayo mas pinili nyang lumayo sa pamilya nya dahil lang sa kagustohan mong lumayo sya sakin. Anong klase kayong lolo kung ung mga apo nyo naman isinusuklam na kayo sa mga ginagawa nyo” sumbat ko sa kanya at nakatanggap ako isang malakas na sampal hindi galing kay lolo kung hindi galing kay mommy “Jd hindi kita pinalaki ng ganyan para sumbatan ng ganyan ang lolo mo, dahil lang kay Belle nagkakaganyan ka na. Mag isip ka nga Jd kasi kung mahal ka talaga ni Belle ipaglalaban ka nya sa lolo mo kahit na anong gawin ng lolo mo sa kanya. Wag mong isisi lahat samin kung bakit ka iniwan ni Belle” sabi ni mommy sakin at umiiling na lumabas ng opisina ni lolo kaya tiningnan ko si lolo at umiling din sya sakin “Hindi ko kasalanan kung iniwan ka ni Belle, oo nga’t mahal nyo ang isa’t isa pero sana naisip mo na baka hindi talaga sapat ang pagmamahal nyo sa isa’t isa kaya ka nya iniwan. Hindi mo pwedeng isisi sakin ang lahat ng nangyayaring kapalpakan sa buhay mo Jd dahil ikaw ang gumagawa nyan sa buhay mo! Buksan mo ang isip mo dahil kung talagang gustong bumalik ni Belle babalik sya at kung mahal ka nya hanggang ngayon magpapakita sya sayo at hindi ka nya matitiis at maniwala ka man o hindi wala akong ginagawa para iligaw ka sa paghahanap mo sa kanya dahil si Belle na mismo ang gumawa ng paraan para hindi mo sya makita, ngayon lang ako makikielam sayo Jd kasi nakikitang nawawala ka na sa landas mo at wag mong intayin na gumawa pa ako ng paraan para tumino ka lang dahil hindi ko na gusto ang mga ginagawa mo simula noong iniwan ka ni Belle, madami ka ng pinapabayaan lalo na ang obligasyon mo sa kompanya. Hindi lang ako kumikibo Jd pero puro kapalpakan na lang ang ginagawa kaya hanggang nagtitimpi pa ako ayusin mo na ang buhay mo” sabi nya sakin at lumabas na sya ng opisina nya kaya naiwan na lang akong mag isa dito. Napayukom ako sa kamao ko at hindi ko napigilan suntukin ang pader sa galit ko! Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko at kung ano ang dapat kong gawin lahat wala ng tiwala sakin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD