TATLONG buwan ang mabilis na lumipas. Tuluyan nang nahatulan ng kaso ang mga nahuling tauhan ng Dark Eagle na may kinalaman sa pagkawala noon ni Tere; kabilang na sina Roxie, Juancho, at Harald. Halos lahat din ng mga miyembro na nakasulat sa Blue Book na isiniwalat nina Tere at Harald ay nahuli na rin at nakulong. Kasalukuyan na ring tinutugis ng INTERPOL, sa pamumuno ni Nicolo, si Claude at ang iba pang miyembro ng Dark Eagle sa iba't ibang panig ng mundo. Sa wakas ay nabawi na rin ni Tere ang lahat ng ari-arian ni Don Amado. Pati ang driver ng truck na bumangga sa kotse nito ay nakakulong na rin. At iyon ay sa pamamagitan ng tulong ni Attorney Buenavista at ng iba pang mga fake buyers na tinakot at ginamit noon ni Claude. Dahil pumayag silang mag-state witness kaya naabsuwelto ang mg