"TOTOONG lumapit noon sa black market ang ama mo para maghanap ng heart donor mo, hija. But he was just so desperate then. Ayaw niyang mawala ka sa kaniya, katulad nang nangyari sa Mama mo," paliwanag ni Attorney Buenavista nang kausapin ito ni Tere tungkol sa mga nalaman niya kay Roxie. "Nawawalan na siya noon ng pag-asa dahil habang tumatagal ay palala nang palala ang kalagayan mo. Hindi niya kayang makita kang nahihirapan araw-araw." Sa wakas ay nagkalakas na rin ng loob ang abogado na bumalik sa Pilipinas pagkatapos na kontakin nina Liam at Nicolo. Pati si Don Peter ay tumulong din. Hindi na rin daw ito natatakot sa Dark Eagle. Hindi na raw kaya ng konsensiya ni Attorney Buenavista na patuloy na lokohin ang pamilyang ilang taong bumuhay rito. Mas lalong hindi na raw nito kaya na tulu