PAGBABA mula sa sasakyan ay hindi agad pumasok sa kanilang bahay si Tere. Emosyonal na pinagmasdan niya ang kabuuan niyon. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwalang nakabalik na siya roon, sa kaniyang pamilya, at sa buhay niya bilang si Tere. Akala niya noon ay habambuhay na siyang magiging si Dannah, at makukulong sa buhay na puno ng kasinungalingan. Eksaktong naramdaman na ni Tere ang pag-iinit ng bawat sulok ng kaniyang mga mata nang maramdaman niyang may yumakap mula sa likuran niya. "Totoo ba ang lahat ng ito, hubby? Nakabalik na ako rito sa bahay natin?" Naglalambing na ipinatong ni Liam ang baba nito sa kaniyang balikat. "Yes, baby. Nandito ka na sa mansiyon natin at wala na sa Paraiso." Lalo lang naging emosyonal si Tere nang marinig ang lugar na iyon; na dala