"AKO na ang bahalang magpatulog mamaya sa mga bata. Magpahinga ka na lang dito. Baka mapagod ka." Inayos ni Liam ang mga unan ni Tere at inalalayan siya sa paghiga. "Hubby, pakiabot nga pala muna ako ng nail cutter. Medyo mahaba na ang mga kuko ko, eh," paglalambing ni Tere sa asawa bago humiga. Hindi niya ugaling magpa-manicure at pedicure kapag nagbubuntis siya. Ayaw niya ng amoy ng nail polish. "Baka magkaroon ako ng stretch mark kapag nagkamot ako." Tumalima naman si Liam. At nang bumalik ay umupo sa tabi niya. "Ako na ang magugupit ng kuko mo," mausyo nitong sabi at inabot ang kaniyang kamay. Hindi na nakatanggi si Tere. Sanay na siya sa extra care na ipinapakita ng asawa simula nang magbuntis siya. Ganito rin naman kasi ito noong ipinagbubuntis pa lang niya ang kambal. Kulang na