MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Tere habang nagtatago, at hinihintay na magkita sina Liam at Harald. Panay pa rin ang sigaw ng huli sa kaniyang pangalan. Galit na galit. Marahil ay nagtaka ito kung bakit bigla na lang siyang nawala. Nang dumating kasi ito kanina ay kaagad siyang sumibat papunta rito sa gubat para balaan si Liam. Hindi na muna inintindi ni Tere ang takot at pagkabalisa na napansin niya kay Harald nang dumating ito. "Tarantad* ka! Sabi na nga ba, eh. Ikaw ang nagdala ng panganib sa islang ito!" Malakas na napakislot si Tere nang makita si Harald na papalapit na kay Liam. Naghalo ang takot at pag-aalala na naramdaman niya nang marinig ang huli nitong sabi. "Ikaw ang magpapahamak sa Paraiso, Harald. Dahil dito mo itinago ang asawa ko!" ubod ng tapang na sigaw din ni