CHAPTER 28 SPG

4689 Words
AYVEE’S POV: Kaagad na bumaba si Lucas nang malaman niyang dumating na ang bunso nilang kapatid na si Trevor. Siya na lang ang hindi ko pa nakikita sa personal at tanging sa picture ko lang siya nakita noon sa bahay ni Lucas. Ang sabi niya ay medyo maloko raw ‘yon kaya binalaan niya akong huwag masyadong maglalapit sa kaniya kapag nandito siya. Binalaan niya pa ako maloko rin naman siya. Ay hindi lang pala! Saksakan pa ng manyakis! Kulang na lang mapudpod ang tete niya sa kakabira at hindi ka no’n titigilan hangga’t nakakalakad ka pa. Naligo muna ako at nagsuot lang ng simpleng white t-shirt at hindi naman kaigsiang short. Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong bumaba. Dumeretso kaagad ako sa kusina at naghanap nang makakain. Tulad ng dati ay tahimik pa rin ang malaki nilang bahay at siguro ay lumabas ang magkakapatid dahil kahit anino nila ay hindi ko makita rito. Magsasandok na sana ako ng pagkain nang marinig ko ang tinig ni Lucas. Nakabalik na siya! Ewan ko ba pero bigla akong naexcite at iniwan ko na lang ang plato ko sa lamesa at patakbo kong tinungo ang labas ng kusina. Pagkarating ko sa sala ay napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko na hindi pala siya nag-iisa. Magkakasama silang magkakapatid at napanganga na lang ako nang gulat silang napatitig din sa akin. TInaasan pa ako ng kilay ni Lucas nang mapadako ang tingin niya sa aking dibdib. Napapikit na lang ako nang mapagtanto ko na wala nga pala akong suot na bra. Mabilis kong niyakap ang sarili ko at mariin ko namang kinagat ang ibabang labi ko. Kahit hindi sabihin ni Lucas ay nakikita ko sa ekspresyon ng pagmumukha niya na nagmumura na siya sa kaniyang isipan. Kaagad naman siyang lumapit sa akin at pinasuot niya pa sa’kin ang black leather jacket niya at narinig ko pa ang mahinang pagbuntong hininga niya. Napalabi ako at nahihiya ko naman siyang tiningala sa aking tabi. Nang balingan ko ang mga kapatid niya ay nangingiti naman silang nakamasid lang kay Lucas. Napabaling ang tingin ko sa katabi ni Roco at ito na siguro ang bunsong kapatid nilang si Trevor. Nakangiti ito sa’kin at pasimple niya pa akong kinindatan. Oh s**t ang guwapo! Hindi ko akalain na mas may iguguwapo pa pala siya sa personal. Magkakamukha naman sila pero parang mas malakas ang dating ng isang ito. At mas mukhang babaero kaysa kay Lucas. Nagulat ako nang hapitin ako ni Lucas palapit sa kaniya at mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Trevor. “Iyang mata mo,” mariing bulong niya sa’kin. Napatikhim na lang ako at umiwas na lang nang tingin sa kapatid niya. Masama bang maguwapuhan sa kapatid niya? If I know tumitingin din siya sa ibang babae. Marami rin kayang magaganda rito sa Quezon at lalo na sa bayan. Huwag niyang sabihin hindi siya na-aattract sa iba kun’di puputulin ko ang tete niya! “HI Ayvee! I’m Trevor, bunso sa magkakapatid,” pagpapakilala niya at inilahad niya pa sa’kin ang palad niya. Kukunin ko na sana ito nang ibaba naman ni Lucas ang kamay ko kaya tiningala ko naman siya. Nakatitig lang siya sa kapatid niya na walang emosyon at mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa aking baywang. Ano bang problema ng manyakol na ito? Pinagseselosan niya ba ang kapatid niya? Kala mo hindi niya kapatid ang kaharap niya kung umasta siya. “Why are you being so sensitive Lucas? I just want to say hi to your wife.” Nginisian niya pa si Lucas na tila nang-aasar. Lucas lang tawag niya hindi kuya? At ganoon din si Lucas sa nakatatanda niyang kapatid. “Because you have an evil eye,” sagot niya pa na ikinakunot ng noo ng kapatid niya. “Let’s go.” Napatingin pa ako sa kaniya na akala ko ay ako ang sinasabihan niya. Inakbayan na siya si Lucas patalikod sa’kin at nilingon pa ako ni Trevor. “I’ll talk to you later Ayvee!” “Come on!” Konti na lang ay parang sasakalin na siya ni Lucas sa klase ng pagkakaakbay niya rito. Bumalik ako sa kuwarto namin at nagsuot ng bra. Bakit naman kasi nakalimutan kong magbra gayong lalabas ako ng kuwarto? Puti pa naman ang suot kong damit at bakat na bakat ang holen ko. Napaisip tuloy akong bigla sa sinabi ko kanina at napatapik na lang ako sa aking noo. Mukhang masusubo at mahihigop ko nga ang chico ni Lucas. Lintek kasi itong si Badiday kung anu-ano ang tinuturo niya sa’kin! Virgin pa rin naman siya pero kung magsalita akala mo expert na. Inabala ko ang sarili ko at nagbasa-basa muna ako ng kahit anong librong mahawakan ko. At nang magsawa ako ay binuksan ko naman ang t.v. Walang magandang palabas kaya pinatay ko na ito at pabagsak naman akong nahiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame at malalim naman akong napahinga sa hangin. Naboboring na ako at wala naman si mama rito sa bahay dahil nagsabi siya kahapon na pupunta sa ospital dahil may dialysis siya ngayon. Gustuhin ko mang dumalaw sa amin ay hindi pupuwede dahil galit sa akin si mommy at hindi ako puwedeng umuwi roon hangga’t hindi ko hinihiwalayan si Lucas. Napabangon ako sa aking pagkakahiga at inisip ang mga sinabi ni mommy sa’kin. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagtutol ni mommy nang malaman niyang asawa ko si Lucas although matalik naman niyang kaibigan ang mama nito. Ayaw kong dumating ang araw na papiliin niya ako kung si Lucas ba o siya. Pero kung mawawala naman sa’kin ang nag-iisang magulang ko ay mas mabuti pang isuko ko na lang ang nararamdaman ko para kay Lucas. Hindi ko kayang mawala si mommy at siya na lang ang itinuturing kong magulang ngayon at dalawa na lang kaming magkakampi. Siguro ay kung nabubuhay pa ang kapatid ko ay hindi mangyayari sa amin ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tanggap nila lolo at lola na siyang nagpalaki sa kapatid ko at tumayong magulang sa kaniya. Nasasaktan ako pero wala akong magagawa kun’di lunukin ang sakit na ‘yon. Hindi lang karangyaan ang nawala sa’kin kun’di ang buo at masayang pamilya. Pero mukhang mangayayari ulit sa’kin ang mawalan nang kaligayahan at ngayon pa lang ay itutuwid ko na ito para hindi mabali. Mabilis akong tumayo sa kama at nagpalit ng aking damit. Nagsuot ako ng faded jeans na may konting butas sa bandang hita at nagsuot ng white rubber shoes. Tulad ng dati ay hindi ko pa rin ginagamit ang kotseng binigay ni Lucas at sumakay pa rin ako ng tricycle. Medyo nasasanay na rin naman ako sa ganitong buhay na walang kung anong materyal na bagay. Nang makarating na ako sa amin ay nakatayo lang ako sa harapan ng bahay at iniisip kung tutuloy pa ba ako. Ilang minuto pa akong nagtagal na nakatayo sa harapan ay nagpasya akong bumalik na lang sa susunod at hahayaan ko na muna si mommy. Gusto kong patunayan sa kaniya na hindi gano’ng tao si Lucas. Iyong nakita niya ay alam kong pinoprotekhana lang niya ako at hindi siya masamang tao. Akmang tatalikod na ako nang lumabas naman si mommy ng bahay at may bitbit itong pananim niyang mga bulaklak. Nakabukas ang malaki naming gate kaya tanaw na tanaw ko siya mula sa aking kinatatayuan. Masayang hawak ni mommy ang mga bulaklak na itatanim niya at katuwang naman niya si Badiday. Nakangiti naman akong pinagmamasdan sila at kahit na wala ako sa tabi niya may kaibigan naman akong maaasahan sa lahat ng oras. Napadako ang tingin ni mommy sa aking kinaroroonan at base sa itsura niya ay kinikilala niya ako. Mapait akong ngumiti sa kaniya pero sa kasamaang palad ay mabilis niya akong tinalikuran. Napayuko na lang ako at mahinang nagpakawala ng hangin. Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa aking pisngi at bagsak naman ang balikat kong lumayo sa aming bahay. Nakatulala naman ako habang nakasakay sa tricycle pauwi sa mansyon at hindi ko mapigilang mapaiyak. I’ll let my mom hate me. Pero papatunayan ko sa kaniya na mali ang iniisip niya na hindi ganoong klase ang pamilya ni Lucas. Noong una ay ganoon din ako at takot ako sa kaniya lalo na sa mga kapatid niya pero nakita ko kung paano nila ako ipangtanggol noong nasa panganib ako. Natitiyak kong hindi siya mamamatay tao tulad noong mga lalaking nakaharap nila. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng mansyon at kanina pa ako kinakausap ng driver. Malungkot akong bumaba ng tricycle at napahinto ako nang maabutan ko si Lucas na may kausap sa kaniyang telepono at galit na galit ito. “Dammit! Kapag hindi niyo siya nakita gigilitan ko kayo ng leeg!” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko sa kaniya. Pumihit siya paharap sa’kin at gulat na gulat siyang napatitig sa akin. Kaagad niya akong nilapitan at mabilis na niyakap. Kahit nagtataka man ay gumanti na rin ako nang yakap sa kaniya. Humiwalay siya sa’kin at sinuri pa ang aking sarili na ikinataka ko rin. “Where have you been? I’ve been calling you many times!” sigaw pa nito sa’kin. Nakatingala lang ako sa kaniya at habol pa niya ang kaniyang paghinga. “Ayvee, are you listening?” Doon lang ako napabalik sa huwisyo at nagbaba ako nang tingin sa kaniya. Marahan akong tumango at inangat naman niya ang aking mukha. Kalmado na ang mga mata niya na hindi tulad kanina na tila nag-aapoy sa galit. “I’m sorry, I’m just…I’m just worried. I thought that__” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang yakapin niya akong muli. Ramdam ko ang pagtibok ng puso niya at para itong musika sa aking pandinig. Sandali kong ipinikit ang mga mata ko at pinakinggan ang bawat t***k nito. Inilayo niya ako sa kaniya at pagkuwan ay hinawakan ako sa magkabilang balikat. “I don’t want to lose you Ayvee, not this time. So, please sabihin mo naman sa’kin kung saan ka nagpupunta.” Imbes na sagutin siya ay hinalikan ko na lang siya sa kaniyang mga labi. Ipinulupot ko pa ang mga braso ko sa kaniyang leeg at ang mga palad niya ay malayang humahaplos sa aking baywang at likod. Kapwa kami hinihingal nang maghiwalay ang aming mga labi. Idinikit pa niya ang noo niya sa aking noo at naaamoy ko pa ang mabangong hininga niya na kahit yata isang linggong hindi magtootbrush ay nananatili pa rin itong mabango. “Galing ako sa bahay namin. And I saw my mom.” Marahan siyang lumayo sa’kin at mapungay naman ang mga mata niyang nakatingin sa’kin. “Pero hindi ko siya nakausap” “You don’t have to worry about that, ako na ang bahala ro’n” “P-pero__” “Get inside, may pupuntahan lang ako sandali” “Saan ka naman pupunta?” Hinalikan niya lang ako sa aking noo at sumakay na rin sa kaniyang sasakyan. Nakapamewang akong hinabol na lang siya nang tingin habang papalayo sa kinaroroonan ko. “Nakakainis naman! Bakit sa noo lang? dapat sa lips eh!” Padabog akong pumasok sa loob ng mansyon at dumeresto kaagad ako sa kuwarto. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam nang pagod kahit naman wala akong masyadong ginawa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at naalimpungatan lang ako nang maramdaman ko ang lamig dito sa loob ng kuwarto. Napatingin ako sa may bintana at bahagya pala itong nakabukas kaya pumapasok ang malamig na simoy ng hangin. Namilog ang mga mata ko na madilim na sa labas at matagal din pala akong nakatulog. Tiningnan ko ang telepono ko at alas-syete na pala ng gabi. It means apat na oras akong nakatulog. Kumalam bigla ang tyan ko at napagtanto ko na wala pa pala akong kinakain kahit na ano. Bumaba ako at magtutungo na sana sa kusina nang makasalubong ko naman si Trevor na kapapasok lang ng bahay. Nakasuot siya ng Black leather jacket na katulad din ng suot kanina ni Lucas at itim ang kaniyang pantalon na medyo hapit sa kaniya at itim din ang suot nitong boots. Kulay puti naman ang suot nitong t-shirt na naka-tuck in pa. Lumapit pa siya sa’kin na nakapamulsa at ipinilig niya pa ang kaniyang ulo. “It was nice to meet you my sister-in-law.” Nakangiti siya pero mababakas sa kaniya ang pagka-seryoso. “Are you ready to know him better?” Tukoy niya kay Lucas. Napalunok ako sa sinabi ni Trevor at halo-halong kaba ang nararamdaman ko ngayon. “I’m about to know him right now,” sagot ko naman sa kabila ng matinding kaba ko. Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at mataman akong pinagmasdan na para bang sinusuri ako. Umiwas ako sa kaniya nang tingin at ramdam ko ang malakas na pagtambol ng aking dibdib. Hindi ko alam pero may kung ano siyang ibig ipahiwatig na hindi ko maintindihan kaya ganito na lang ang kabang nararamdaman ko. “If you’re ready to love him, you must accept who he is.” Mabilis akong napatingin sa kaniya at kumunot pa ang aking noo. “You are the reason why he became a totally monster” A-ano? Ano ba ang pinupunto niya? Nakita ko na ang totoong siya at aaminin kong natakot talaga ako pero alam kong para sa kaligtasan ko lang ang lahat ng iyon. Mas lalo akong kinabahan sa mga binitawan niyang salita. “Is he?” Nasabi ko na lang. Yumukod pa siya para magpantay kami. “I’m not warning you Ayvee. He is now a monster and it is because of you” Nakaalis na siya sa harapan ko pero tulala pa rin ako sa kawalan. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi naman siguro niya sinisiraan ang kapatid niya at isa pa kung ganoon man nga ay anong dahilan niya? Biglang sumagi sa isip ko si Giselle at alam kong marami siyang alam kay Lucas dahil matalik niya itong kaibigan at mas higit na nakakakilala sa kaniya. Kaagad kong dinial ang number niya dahil siya rin naman ang nagsave nito sa telepono ko kapag may kailangan daw ako ay tawagan ko lang daw siya. Nang hindi niya ito sinasagot ay ibababa ko na sana nang bigla naman niya itong sagutin. Medyo maingay sa paligid niya at hindi ko siya maintindihan. Nainis naman ako kaya pinutol ko na lang ang tawag. Aakyat na sana ako sa kuwarto nang tumunog ang telepono ko at nakita kong nagtext si Giselle. Laking gulat ko nang mabasa ang text niya at dali-dali naman akong lumabas ng bahay. Ginamit ko na rin ang sasakyan na binigay sa’kin ni Lucas dahil wala na rin namang bumabyaheng tricycle dito. Nagpunta ako kung saang address ang binigay sa’kin ni Giselle at medyo malayo-layo rin ito sa bayan. Bago ako bumaba ng aking sasakyan ay tiningan ko muna ang labas ng bar at napanganga na lang ako dahil hindi ko akalaing magpupunta rito si Lucas. May mga babaeng pumapasok sa loob at karamihan sa mga ito ay mga dalaga pa. “Anong ginagawa ng hinayupak kong asawa rito?” Gigil kong sambit habang nakatitig sa labas ng bar. Inis akong bumaba ng sasakyan at dali-dali naman akong pumasok sa nasabing bar. Marami-rami ring customer ang nandito at mas marami ang babae kaysa sa lalaki. Hinanap naman ng mga mata ko si Lucas sa bawat lamesa at baka may ka-table na itong babae. Bwisit siya pagkatapos kong umamin sa kaniya mambababae na kaagad! May pa I don’t want to lose you pa siyang nalalaman tapos sa ganitong lugar ko siya matatagpuan?! Lalong nag-init ang dugo ko sa mga naiisip ko at mas kumulo pa ito nang marinig ko ang usapan ng mga dalaga sa aking likuran. Napataas ang isang kilay kong napatitig sa kanila at para silang kiti-kiting ang sarap hampasin dahil narinig ko ang apelyido ni Lucas mula sa kanila. Lapapitan ko sana sila ng may biglang tumawag sa’kin. At ang bwisit na Giselle na ito kung maka-kaway akala mo BFF kami! Nakasimangot ako nang lapitan ko siya at iginiya naman niya ako sa isa sa mga upuan dito. Padaskol akong humarap sa kaniya at humalumbaba naman siya sa’kin. “Nasaan si Lucas?!” galit kong turan sa kaniya. “Relax Ayvee, hindi mo naman kailangang magalit sa’kin,” irap niya pa sa’kin. Letseng babae ‘to! Kung hindi lang talaga siya kaibigan ni Lucas kinalbo ko na siya. “E nasaan nga siya? Bakit pinapunta mo pa ako rito kung wala rin naman pala siya rito?” Inis akong sumandal sa kinauupuan ko at pinagkrus ko naman ang mga binti ko. “There he is.” Ngumuso siya sa bandang kaliwa ko kaya napatingin naman ako roon. Napaayos ako ng aking upo nang makitang naka-topless lang siya at medyo fitted ang suot niyang pantalon. Nakalabas din ang Garter ng brief niya kaya nabasa ko ang brand na nakasulat doon. Nagseserve siya ng mga alak sa mga customer at ang mga malalanding babaeng pinagsisilbihan niya ay tuwang-tuwa pa sa nakikita nila. Walang kangiti-ngiti naman si Lucas kahit na nagmukha siyang santo dahil sa kakahimas ng mga walangyang malalanding babae na ‘yon! Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang hilahin ni Giselle ang braso ko at masama ko siyang tinitigan. “Hayaan mo lang siya.” Pinandilatan ko siya at nakapamewang akong hinarap siya. “Diyos ko naman Giselle anong ginawa mo sa asawa ko?! Kita mo kulang na lang papakin siya ng mga babaeng ‘yon! ‘Yong abs niya dapat ako lang ang nakakakita no’n eh!” Maktol ko pa. Tumingin pa ako sa kinaroroonan niya at naikuyom ko na lang ang palad ko nang hawakan ng isang babae ang kamay ni Lucas. Mariin akong napapikit dahil sa labis na inis at naikuyom ko na lang ang palad ko. Pakiramdam ko tuloy ay tumaas ang dugo ko at malapit ng kumulo. “May pustahan kasi kami na sabi ko hihiramin ko siya ng isang gabi para maging alipin ko.” Napabaling ang tingin ko kay Giselle na ngayon ay kumakain na ng mani. “Anong pustahan?” “Na nagseselos ka at may gusto ka rin sa kaniya” “What?!” gulat kong sigaw sa kaniya. “Bakit hindi ba? Halata naman sa mukha mo o! Pulang-pula na ‘yang mukha mo sa sobrang inis” Kung hindi lang talaga ako marunong magtimpi kanina ko pa binigwasan ang babaeng ito. Parang iniinis niya pa ako ng sobra at tuwang-tuwa naman siya sa nakikita niya. Inalok niya ako nang maiinom at hindi naman ako tumanggi habang pinagmamasdan ko si Lucas na nagseserve sa mga customer. Nandito kami nakaupo ni Giselle sa tagong puwesto at mas lalo pa yatang dumami ang mga customer niya na panay babae naman o ‘di kaya ay bakla. Naku Lucas humanda ka sa’kin mamaya pupudpurin ko ‘yang t**i mong malaki hanggang sa mawalan ‘yan ng balat! Ala-una na ng madaling araw at pinatigil na rin niya si Lucas. Kanina ko pa kasi kinukulit si Giselle na kapag hindi niya pinatigil si Lucas ay maglalasing ako at alam kong ayaw na niyang mangyari ‘yon dahil naikuwento niya sa’kin ang nangyari noong nakaraang gabi. At syempre ayoko na rin namang maglasing dahil baka kung anong katarantaduhan pa ang magawa ko rito. Nawala na rin sa isip ko kung ano man ang pakay ko kay Giselle. Hinintay ko na lang si Lucas sa labas at nakasandal naman ako sa pintuan ng driver seat. Nagkatinginan pa kami paglabas niya at halata sa mga mata niya ang pagkagulat. “Get in.” Binuksan ko na ang kotse at sumakay sa driver seat. Umikot naman siya at umupo sa passenger seat. Padabog akong humarap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Bakit nakahubad ka kanina? Proud na proud ka pang ipakita ‘yang pandesal mo! Kulang na lang ilako mo ‘yan sa mga babae kanina! Hindi dapat nila nakikita ‘yan ako lang ang dapat na nakakakita niyan Lucas!” Hindi ko na napigilang sigawan siya dahil kanina pa ‘ko napipikon sa kaniya. Mas lalo naman akong nainis dahil nginisian lang niya ako at mukhang tuwang-tuwa pa dahil nagagalit ako sa kaniya. Sarap lang batukan pero mas masarap siya. “How did you get here?” Hindi pa rin mawala ang mga ngiti niya sa mga labi na mas lalo akong nabwisit. “Malamang nagkotse! Are you blind?” sarkastikong saad ko. “I know. What I mean is, did Giselle tell you that I’m here?” “Bakit bawal ba? Para hindi ko makita ‘yong panghihipo sa’yo ng mga lintek na ‘yon?” “You’re cute when you’re jealous.” Natatawa niya pang turan. Aba’y lintek na ito. Naku kung hindi ka lang masarap tatadtarin na kita ng pino hanggang sa mamatay ka. “Patingin nga niyan.” Napatingin ako sa ibabang bahagi niya. “Nang alin?” kunot-noo niya pang tanong. “Syempre ng t**i mo! Titingnan ko kung buo pa” “What? Seriously?!” “Bakit ayaw mo?” Sandali siyang napatitig sa’kin at napabuntong hininga na lang. “Ito na ilalabas na.” Kinalas naman niya ang sinturon niya at ibinaba ang zipper ng pantalon. Hindi pa man ito naninigas pero malaki na agad. Napalunok ako at tumingin na lang ako sa harapan at mahigpit akong napahawak sa manibela. “Good boy.” Napangiti ako at pinaandar ko na ang sasakyan. It was past 2 in the morning when we got home. Nasa walk in closet ako at nagpalit ng pantulog. Napadako ang paningin ko sa isang nakahiwalay na kulay itim kong damit. Kinuha ko iyon at ito ang binigay sa’kin ni mama noong kasal namin. May gumuhit na ngiti sa mga labi ko at hinubad ko naman ang suot kong pantulog at ipinalit ang kulay itim na bra at lacey panty. Kinuha ko ang nakasabit na gold and black masquerade at isinuot iyon. Lumabas ako sa walk in closet at nakatalikod si Lucas sa’kin at may kausap siya sa kaniyang telepono. Kahit mahina ay naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila at tungkol ito sa kaniyang trabaho sa opisina. Pinasadahan ko nang tingin ang malapad niyang likod at huminto ang titig ko sa kaniyag puwet. Naka-boxer shorts lang siya at umbok na umbok ito. Mariin pa akong napakagat sa aking labi dahil sa kasexyhan niyang taglay. Ngayon ko lang gagawin ito dahil sa sinabi ni Badiday malay mo naman effective pala. Nakataas ang isang braso ko at nakatagilid naman akong nakasandal sa hamba ng pintuan habang hinihintay siyang matapos sa kausap niya. Nang maibaba na niya ang tawag ay tila hinahanap niya ako at nang mapadako ang tingin niya sa’kin ay napangisi ako at marahan akong lumapit sa kaniya. Taka siyang nakatitig sa’kin at hinawakan ko naman ang matigas niyang dibdib pababa sa kaniyang puson. Napapikit pa siya at mabigat ang kaniyang paghinga. Napangiti ako at hinawakan ko naman siya sa kaniyang batok at nagmulat naman siya. Akmang hahalikan ko siya nang umiwas naman siya sa’kin. Nangunot ang noo ko na para bang napahiya ako. Ibababa ko na sana ang kamay ko nang hawakan niya ito. Muli niya akong tinitigan at pinasadahan niya pa ng kaniyang dila ang ibabang labi niya. “’Wag,” mahinang sabi niya. “Anong ‘wag?” “Huwag mong tigilan.” Ibinaba niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang dibdib at dinala iyon sa kaniyang ibaba. Matigas na iyon at anumang oras ay manunuklaw na lang. Tinulak ko siya sa malambot na sofa kaya napaupo siyang kaagad doon. Umupo ako sa kandungan niya at hinawakan naman niya ako sa aking baywang. Tinanggal ko ang mga kamay niya at isinandal sa sandalan nitong sofa. “I command you, don’t move and don’t touch me until I say so understood?” Para naman siyang bata na tumango lang sa sinabi ko. “Good boy. Should I start?” Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita nang pumwesto ako sa kaniyang gitna at hinila ang suot niyang boxer short. Kahit medyo madilim dito sa kuwarto namin ay halata na agad ang kaumbukan niya at konti na lang ay lalabas na ito sa kaniyang brief. Hinubad ko na rin ito at tumalbog pa ito na parang bola. Hinawakan ko ‘yon ng dalawang kamay at halos nangalahati yata ‘yon sa braso ko. I put my tongue on his balls and lick it upside. Napaungol siya at napasabunot sa aking buhok. Napahinto ako at tinaggal ang kamay niya na nakahawak sa aking buhok. “I said don’t move. Moan all you want and let me take my part.” Tumango lang siya at hindi pa kami gaanong nag-uumpisa pero habol na niya ang kaniyang paghinga. I lick his balls and sucked it like what Badiday told me to do. Wala naman talaga akong balak na gawin ito pero syempre gusto ko rin naman ma-experience ang ganito ang kumain ng buhay na kabute na mas malaki pa sa braso ko. Dinilaan ko iyon pataas hanggang sa marating ko ang ulo noon. Narinig ko pa ang sunud-sunod niyang pagmura at taas-baba naman ang ulo ko sa pagsubo noon. Hanggang kalahati lang ang kaya ko dahil pakiramdam ko ay mabibilaukan na ako dahil ba naman sa haba at taba noon. Pinaikot ko ang dila ko sa ulo noon at napasinghap ako nang hawakan niya ako sa balikat at ihiga. “f**k! I can’t take it anymore. My turn, my binibini.” Nagulat pa ako nang haklitin niya ang panty ko at nasira na ito. Itinapon niya lang ito sa kung saan at ibinuka na niya ang mga hita ko. Napaangat ako ng aking balakang nang dumampi ang labi niya sa aking gitna. Sinipsip niya pa ‘yon at dinig ko ang tunog ng pagsipsip niya sa aking hiyas. Pinasok niya pa ang dila niya kaya mas lalo akong nabaliw sa ginagawa niyang iyon. Nag-angat na siya at pumaibabaw sa akin at pareho naman kaming titig na titig sa isa’t-isa. Hinawakan niya pa ang basang-basang hiyas ko at ginitara niya pa iyon ng kaniyang mahahabang daliri. Halos magdugo naman ang labi ko sa mariin kong pagkagat at hindi ko na malaman kung saan ko ibabaling ang aking ulo. Sinumulan na niyang itutok ang sandata niya papasok sa aking kuweba at isinampay niya pa ang isang hita ko sa kaniyang balikat. Mariin niya itong ibinaon at umawang naman ang aking bibig. “Aaah, Lucas faster! No, harder!” utos ko sa kaniya. Sinunod naman niya ang gusto ko at mas lalo pa siyang bumilis. Harder nga ang ginawa niya dahil halos masisira na yata ang sofa dahil sa paglangitngit nito. Ibinaon niyang maigi ang kahabaan niya at mas malakas pa yata siyang umungol kaysa sa akin. “I want to f**k you all day my wife,” saad niya pa habang mariing binabaon ang kaniyang kahabaan. “Ito na lang ba ang gagawin natin maghapon?” “Of course hanggang sa makabuo tayo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakapit na lang ako sa magkabilang braso niya nang maramdaman ko ang kakaibang kiliti na kumuryete sa buo kong katawan. Napadapa siya sa akin at pareho naman naming habol ang aming paghinga. Sandali lang pala siyang nagpahinga at mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya sa’kin. Kahit saang sulok yata ng kuwartong ito ay dinala na niya ako at walang sawa niya akong inangkin hanggang sa pumutok na ang araw at saka lang din siya nakaramdam ng pagod. Sa sofa kami nakahiga at siniksik lang din niya ang kaniyang sarili. Nakahilig siya sa aking dibdib at ang isang kamay niya pa ay nakapatong doon. Bahagya akong tumagilid para makita ang guwapo niyang mukha. HInawakan ko ang mapupula niyang labi at hinaplos naman ang makinis niyang pisngi. Hindi mapaghahalataang taga-rito siya sa probinsya dahil sa magandang kutis niya at ganoon din ang mga kapatid niya. Bigla kong naisip ang mga sinabi sa’kin ng kapatid niyang si Trevor at hindi ko maiwasang kabahan. Gusto kong malaman ang tungkol sa kaniya para kahit papaano ay masabi ko kay mommy na nagkamali siya nang pagkakakilala sa taong gusto ko nang makasama habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD