CHAPTER 29

4012 Words
AYVEE’S POV: Ibinuka kong maigi ang aking mga braso para makapag-unat at dumapa pa ako at ipinikit muli ang aking mga mata. Kinapa ko ng aking kamay ang malawak na higaan at muli akong napadilat. Nasa kama na ako at may kumot na sa aking katawan. Siguro ay si Lucas ang naglipat sa akin at hindi ko na ito namalayan dahil sa sobrang pagod at puyat ko. Tiningnan ko ang wall clock na nasa kanang bahagi ko at alas-dyes na rin ng umaga. Papasikat na rin ang araw kanina nang makaramdam ako nang antok. Marahan akong tumayo sa kama at bahagya akong nakaramdam ng hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Napahilamos na lang ako sa aking mukha ng maalala ko ang mga naganap sa’min ni Lucas at hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong inangkin. Medyo masasakit din ang katawan ko lalo na ang aking dibdib. Dahan-dahan akong tumayo sa kama at napansin ko ang mga nakahain na pagkain sa lamesa na katapat lang nitong kama. Nilapitan ko iyon at natakam ako sa mga pagkaing nakikita ko. Napansin ko naman ang isang maliit na papel sa gitna at binasa iyon. Eat well my binibini. I’ll see you around. Don’t miss me too much we’re not done yet. Napangiti na lang ako sa sulat niya at muling binalingan ang mga pagkain na hinanda niya. Kaagad ko iyong nilantakan at sa sobrang gutom ko ay naubos ko ang lahat ng iyon. Nag-ayos muna ako ng aking sarili bago ako bumaba at tutulungan ko naman si mama sa kaniyang pagtatanim sa garden. Pareho rin sila ng hilig ni mommy at hindi ko na naman maiwasang mag-alala sa kaniya. Pagkarating ko sa garden ay naabutan ko nga si mama na abala sa pagtatanim ng iba’t-ibang klaseng bulaklak. Masigla akong lumapit sa kaniya at naupo naman sa kaniyang tabi. Matamis siyang ngumiti sa akin at kahit na walang anumang kolorete sa kaniyang mukha ay maganda pa rin siyang tingnan. “Oh hija, mukhang maganda yata ang gising mo,” bati niya sa’kin habang nagbubungkal ng lupa. “Halata po ba?” Nakangiti pa rin ako habang pinapanuod siya, Huminto siya sa kaniyang ginagawa at hinarap ako. “Nagpadilig ka ba?” Biglang namula ang mukha ko at umiwas sa kaniya nang tingin. Napahalakhak naman si mama kaya napakamot na lang ako sa aking noo. Seryoso akong tumingin sa kaniya at hindi ko alam kung tama bang magtanong sa kaniya ng tungkol sa kanila ni mommy. Gusto kong malaman sa kaniya kung ano ang dahilan ng galit ni mommy sa pamilya nila. “M-mama,” nauutal kong tawag sa kaniya. “Yes, hija?” wika naman niya ng hindi tumitingin sa’kin. Huminga muna ako ng malalim at mukhang napansin naman niya ito. Binitawan niya ang hawak niyang pangbungkal at tinanggal ang suot niyang gloves. Iginiya niya akong maupo at magkatapat naman kami. “May gusto ka bang sabihin Ayvee?” Napalunok pa ako ng laway at pinagsiklop ang aking mga kamay. “Ano pong nangyari sa inyo ni mommy?” deretsang tanong ko sa kaniya. Napayuko siya at biglang lumungkot ang kaniyang itsura. Alam kong alam niya ang nangyayari at gusto kong malaman ‘yon. Gusto kong malaman kung ano ang mabigat na dahilan at inaakusahan sila ni mommy ng hindi maganda sa pamilya nila. Nararamdaman kong hindi sila ganoong klaseng tao at maniniwala ako kung ano man ang sabihin sa’kin ni mama. “Dahil ang asawa ko ay miyembro ng isang organisasyon at hindi ito pangkaraniwan Ayvee.” Nagulat ako sa kaniyang sinabi na mas lalo kong hindi maintindihan. “He’s a Mafia Lord at marami siyang hawak na organisasyon hindi lang dito sa Pilipinas kun’di pati na rin sa ibang bansa at karamihan do’n ay pawang mga negosyante. Nang mamatay ang asawa ko ay si Roco at Gascon na ang namahala nito at nagtuloy” Umawang ang mga labi ko habang nakikinig sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa’kin at natitiyak ko na hindi sila mga ordinaryong tao lang. Kaya pala marami silang mga armas dito sa bahay at iba ang awra nilang magkakapatid. “Pumapatay po ba sila?” Hindi ko na maiwasang itanong iyon sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita at bumagsak ang balikat ko dahil parang alam ko na ang sagot. Kung gano’n ay totoo nga ang mga paratang ni mommy sa kanila. Nangigilid ang mga luha kong nakatitig sa kaniya at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Nanginginig ang mga kamay ko at dahan-dahan akong huminga para maibsan ang kaba ko sa aking dibdib. “You’re wrong, Ayvee.” Napabaling ang tingin ko sa kaniya at umupo naman siya sa tabi ko. Hinawakan niya pa ang dalawang kamay ko at marahang tinapik iyon. “Hindi sila basta-basta pumapatay. Tanging mga kalaban lang nila ang___” Hinila ko ang mga kamay ko at napatayo na lang bigla. Gulat siyang tiningala ako at pumatak naman ang aking mga luha. “Pero pumapatay pa rin po sila,” may diing saad ko. Tumayo na rin siya at hinarap naman ako. “Hija, makinig ka sa’kin. Hindi natin alam kung sino-sino ang mga kalaban natin. Natatandaan mo ba ‘yong mga lalaking sumugod dito? Hindi nila tatantanan sila Gascon.” Napatulala na lang ako sa kaniya at mariin kong nakagat ang mga labi ko. Hindi ko alam kung ano pa ang pakay ng mga ‘yon at sigurado akong babalikan kami at iyon ang kinakatakot ko na baka kung ano ang magawa ni Lucas sa mga ‘yon. Umalis na muna ako ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam ko ay parang kinapos ako ng hininga. Ang hirap paniwalaan kung totoo nga ang mga sinabi sa’kin ni mommy. Hindi ko lubos na kilala si Lucas pero nahulog na kaagad ako sa kaniya. Napahinto ako sa paglalakad ko ng may humintong kotse sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang isang lalaki at tinanggal niya pa ang suot niyang sunglasses. Tila nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang lumapit siya sa’kin at hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kaniya. “Can we talk?” Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya at nakakuyom ang isang palad ko. Muli niya akong hinarap at pansin ko ang panunubig ng mga mata niya. Napayuko siya at akmang hahawakan niya ang kamay ko nang mapaatras ako ng isang beses sa kaniya. “How did you know that I’m here?” Matigas na sabi ko sa kaniya. “Calixto.” Nagulat ako sa kaniya at sandaling napapikit. “Pinilit ko siyang sabihin sa’kin kung nasaan ka dahil gusto kitang makausap” “For what? For make me believe in your f*****g lies?!” sigaw ko sa kaniya. “I’m sorry, kahit ngayon lang pagbigyan mo ‘ko na makausap ka, please A.C. Aalis din akong kaagad gusto lang kitang makausap” Dahil sa pakiusap niya ay pinagbigyan ko na rin siya at nagpunta naman kami sa bayan. Sa pantalan kami nagpunta at pareho naman kaming nakaharap sa malawak na dagat. Nakahalukipkip ako at hindi ko siya tinitingnan at hinihintay ko lang ang sasabihin niya. “I’m sorry for what I’ve done.” Hindi ko siya binalingan nang tingin at nanatili pa rin akong nakamasid sa dagat. “Iyon lang ba ang sasabihin mo? Kung wala ka ng iba pang sasabihin aalis na ‘ko.” Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ako sa aking braso. Tinanggal ko ‘yon at mabilis akong humarap sa kaniya. Gusto ko siyang saktan nang paulit-ulit hanggang sa masira ang pagmumukha niya. Siya ng asawa niya ang sumira ng buhay ko kaya ako nagkaganito. Minahal ko siya pero pasakit ang sinukli niya sa'kin. “What do you want Rupert?! Hindi pa ba sapat na sinira mo na ‘ko? Ano pa bang gusto mo?!” Hindi ko na napigilang mapaiyak dahil akala ko ay okay na ‘ko kapag muli ko siyang nakita. Siya ang unang nanakit sa’kin bukod sa ama ko kaya hindi ko siya kayang patawarin. Ano pa bang ginagawa ng lalaking ito rito? Gusto ba niyang makita kung gaano na ako naghihirap ngayon? Gusto ba niyang ipamukha sa’kin na mas maayos ang napangasawa niya dahil binigay niya rito ang hindi ko naibigay sa kaniya? “Kung hindi ko sana sinunod ang daddy mo, hindi rin sana nasira ang buhay ko.” Natigilan ako sa sinabi niya at malakas siyang nagpakawala ng buntong hininga. “Dahil sa daddy mo kaya rin ako naghihirap ng ganito.” Hindi ko naman mahagilap ang sasabihin ko at naguluhan ako sa mga sinabi niya. Sadyang nakatitig lang ako sa mga mata niya at wala sa itsura niya ang nagsisinungaling. “A-anong ibig m-mong sabihin?” nanginginig ang boses kong tanong sa kaniya. “This is your father’s fault A.C. He ruined our life. Pinilit niya akong ipakasal kay Suzette kahit na alam niyang hindi sa akin ang dinadala niya dahil kung hindi mas lalo niyang pahihirapan ang mommy mo at ayokong mangyari ‘yon dahil alam kong mahalaga sa’yo si Tita Amalia. Kapag hindi ko siya sinunod baka pagsisihan ko ‘yon sa bandang huli” Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko habang nakatitig sa kaniya at umiling-iling ako dahil ayokong maniwala sa mga pinagsasabi niya. Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat at seryosong tumitig sa’kin at mamasa-masa ang kaniyang mga mata. “A.C., I’m sorry for not telling you this sooner. I’m just protecting you from Suzette and your stepmom. May binabalak silang masama sa’yo and I won’t let that to happen.” Mas lalo akong naguluhan sa kaniya at tinanggal ang mga kamay niya sa aking balikat. Anong nagawa kong kasalanan at pinapahirapan nila ako ng ganito? Hindi pa ba sapat na kinuha na nila ang lahat sa’kin? Tumalikod ako sa kaniya at sapo ko ang aking dibdib. Masakit isipin na may kinalaman ang sarili kong ama sa pagpapahirap sa’kin at hindi lang kay mommy. Anong nagawa kong pagkakamali sa kaniya at sinasaktan niya ako ng ganito? Anak niya ‘ko pero mas mahalaga pa sa kaniya ang babaeng napulot niya kung saan lang. Humarap ako kay Rupert na punong-puno ng luha ang aking mukha. “This is not true Rupert. Hindi ka pa ba sawang magsinungaling sa’kin?” galit kong turan sa kaniya. “Walang dahilan para magsinungaling pa ‘ko sa’yo” “Pero nagkaro’n ka ng dahilan para saktan ako!” “Because I don’t have a choice A.C.” Natigilan ako sa sinabi niya. “Mahal kita kaya sinugal ko ang kaligayahan ko para lang hindi ka mapahamak. Hindi ko hinihiling na balikan mo ‘ko o kaya mahalin mo ulit ako. Ang gusto ko lang makita kitang ligtas, iyon lang A.C. I’m sorry if I’m being a coward, natakot ako na baka nga may gawin silang hindi maganda sa’yo kaya mas pinili ko na lang na saktan ka kaysa sila ang manakit sa’yo.” Hindi ko na napigilan pang mapahagulgol at niyakap na lang niya ako. Ang hirap paniwalaan pero katulad ng sinabi ni Rupert ay walang dahilan para magsinungaling pa siya sa’kin. Hindi ako makapaniwalang ama ko ang nasa likod ng ito kung bakit naghihirap kami ng ganito. Nagpresinta siyang ihatid ako pero tumanggi na ako. Ayokong malaman niya ang tungkol sa mga Montealegre kung sino ang mga ito. Medyo madilim na nang makauwi ako at tiyak ay nandito na rin si Lucas. Dumeretso ako sa kuwarto namin at bago ko buksan ang pintuan ay huminga muna ako nang malalim at tiyak akong nandito na siya sa loob dahil kita ko ang liwanag nito sa awang ng pintuan sa ilalim. Marahan kong binuksan ito at kaagad kong nasilayan si Lucas na nakaharap sa may bintana. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at kulay abong jogger pants na hapit sa kaniya. Pansin ko na may hawak siyang isang basong may lamang alak. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil napaka-seryoso ng awra niyang iyon. “Where have you been?” mahina pero ramdam kong may kakaiba sa kaniya. “Sa bayan, may pinuntahan lang ako saglit.” Pinilit kong huwag mautal para maibsan ang aking kaba. Pumihit siya paharap sa’kin at walang kaemo-emosyon ang kaniyang itsura. Naikuyom ko ang aking palad dahil wala akong ideya kung bakit na lang siyang naging ganito kalamig. “Who’s with you?” Mahina niyang tanong pero sapat lang para marinig ko. Napalunok ako sa tanong niya at hindi ko naman maibuka ang aking bibig. “I’m asking you Ayvee, who’s with you?” muling tanong niya. “S-si Badi__” Nagulat ako nang ibato niya ang hawak niyang baso at mabilis siyang nakalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at mariing isinandal sa pader. Napaigik pa ako dahil sa sakit nang pagkakasandal niya sa’kin at mahigpit pa ang pagkakakapit niya sa aking braso. Napatingala ako sa kaniya at tila nag-aapoy naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin. “Are you f*****g telling lies?” may diing sambit niya. “L-lucas” Napapikit ako na akala ko ay sasaktan niya ako. Napamulat ako nang dumapo ang kamao niya sa salamin. Nakatingin pa rin siya sa’kin at dumako ang tingin ko sa kamao niya na nasa kaliwang bahagi ko. Tumutulo ang dugo roon at napatutop na lang ako sa aking bibig. Umalis na siya sa harapan ko at hahabulin ko pa sana siya kaso natakot ako na baka sa galit niya ay kung ano na ang gawin niya sa’kin. Nararamdaman kong alam niyang nagkita kami ni Rupert at hindi ko magawang makapagpaliwanag sa kaniya. Ang dami kong iniisip ngayon at hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Nakaupo ako sa sahig at sumandal sa dulong ibaba ng kama at matamang nag-iisip. Ang daming gumugulo sa isipan ko at gustuhin ko mang paniwalaan ang mga sinasabi ng mama ni Lucas ay mas nangingibabaw ang takot na baka mas malala pa ang ginagawa nila. Napatingin ako sa wall clock at alas-onse na ng gabi. Tumayo ako at balak kong kausapin si Lucas. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo sa kaniya. Gusto kong ipagpilitan na hindi siya ganoong klase ng tao dahil kung totoo man ‘yon ay ayoko nang ipagpatuloy pa ang nasimulan namin. Lumabas ako ng kuwarto at hinanap siya kung saan. Nagtungo ako sa labas at nakita ko siyang kausap ang mga kapatid niya. Nagulat pa ako dahil ang dami nilang tauhan na nandito at mukhang may ‘di magandang magyayari ngayon. “What’s your plan, Lucas?” tanong sa kaniya ni Gascon na may hawak na shotgun. “Linisin ang dapat linisin, walang dapat matira.” Napalunok ako sa sinabing iyon ni Lucas. “And how about your rival?” Si Roco naman ang nagtanong. Rival? Huwag niyang sabihing si Rupert ang tinutukoy nila? Hindi puwede, anong gagawin nila kay Rupert? “Akin siya, ako na ang bahala sa kaniya” Hindi na ako nakatiis nang lumapit ako sa kanila at napatingin naman silang lahat sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan si Lucas sa kaniyang braso. “L-lucas, sa’n ka pupunta?” kinakabahang sambit ko. Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at hinarap ako. “Why do you care?” “Kung ano man ang binabalak mo Lucas, please lang huwag mo nang ituloy” “At bakit hindi?” Kinasa niya ang hawak niyang baril at pagkuwan ay tinalikuran ako. Hahabulin ko pa sana siya pero hinarang na ako ng mga tauhan niya. “Lucas please! Huwag mong gawin ‘yan! Huwag mo siyang patayin!” sigaw ko habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha ko” Pero kahit na anong gawin kong pagmamakaawa sa kaniya ay hindi niya ako pinakinggan at pinaharurot na niya ang kaniyang sasakyan kasama ang mga kapatid niya. Napaluhod na lang ako sa lupa at hindi magkamayaw sa aking pag-iyak. Pilit ko mang itinatatak sa isipan ko na hindi niya kayang gawin ‘yon ay parang sarili ko lang ang niloloko ko. Dahil sa sobrang pagod ko ay nakatulog na lang ako sa sahig ng kuwarto habang naghihintay ako nang pagdating niya. Mabigat ang mga mata kong iminulat ito at napatingin ako sa labas ng bintana. Madilim pa rin at mukhang mahaba ang gabi ngayon. Bumangon ako at nakaramdam ako ng kirot sa aking sentido kaya napahilot ako at mahinang bumuga sa hangin. Lumabas ako ng kuwarto para kumuha ng tubig at bababa na sana ako sa hagdanan nang makita ko naman si Lucas na papaakyat. Huminto siya sa harapan ko at nagulat ako nang makita ang puting damit niyang may mga bahid ng dugo. “So, you killed?” mangiyak-ngiyak kong tanong sa kaniya. “Yes,” mabilis naman niyang sagot sa’kin. “How about him? You killed him?” tukoy ko kay Rupert. Hindi siya nagsalita at umirap lang sa’kin. Lalagpasan na sana niya ako nang mahigpit ko siyang hinawakan sa kaniyang braso. Tiningala ko siya pero hindi niya ako tinapunan nang tingin. Humarap pa ako sa kaniya at tinitigan lang niya ako na parang wala lang sa kaniya ang tanong ko. “So, totoo ngang pumapatay ka? Bakit? Bakit kailangan mong gawin ito?! Napaka sama mo!” garalgal kong saad sa kaniya pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya sa’kin. “Ano naman kung pinatay ko sila? Ano naman sa’yo kung pinatay ko ang kasintahan mo?” Napanganga na lang ako sa kaniya at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. “Kung wala ka nang sasabihin pa maiwan na kita” Tumalikod na siya pero pinagsusuntok ko siya sa kaniyang likod. Galit na galit ako sa kaniya. Hindi siya ang Lucas na nakilala ko. Ayokong maniwala pero totoo ang lahat ng ito. Humarap siya sa’kin at hinuli ang mga kamay ko. Tinitigan ko siya ng masama at ipinako niya pa ako sa pader habang hawak niya pa rin ang dalawang kamay ko. “I killed them because of you!” Natigilan ako sa sinabi niya at pansin ko ang tumulong luha sa kaniyang mga mata. “Ayoko nang maulit ang nakaraan at pagsisihan ko ito sa bandang huli na wala akong nagawa. Nawala sa’kin ang pinakamamahal ko noon dahil sa katangahan ko at ayoko nang mangyari pa ‘yon! I killed them because I have to, Ayvee.” Binitawan na niya ako at mabilis naman niya akong tinalikuran. Naiwan naman akong nakatulala at hindi maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. May minahal pa pala siya noon at parang may kung anong tumusok sa puso ko. Kita ko sa mga mata niya ang galit at pagmamahal niya sa taong tinutukoy niya. Nang magliwanag na ay kaagad kong inayos ang mga gamit ko sa maleta. Balak ko na munang umuwi ng Manila dahil kung sa bahay namin ako uuwi ay tiyak na hindi rin ako tatanggapin ni mommy. May konting ipon naman ako at maghahanap ako ng matutuluyan ko roon at maghahanap ng trabaho. Ayokong manatili rito dahil nasasaktan ako sa ginagawa ni Lucas. Sana lang ay hindi totoo ang lahat ng ito at sana ay isa lang itong masamang panaginip. Pero hindi, dahil nararamdaman ko pa rin ang sakit dito sa puso ko. Pinatay niya si Rupert na walang kalaban-laban at hindi man lang niya tinanong sa’kin ang dahilan nang pagkikita namin. Hila-hila ko ang maleta ko at papalabas na ako ng kuwarto. Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad kong nabungaran si Trevor na nakasandal sa tapat ng kuwarto namin. Nakahalukipkip siya at deretso lang ang tingin sa’kin. Umayos siya ng kaniyang tindig at namulsa siya at bahagya pang lumapit sa akin. “So, you’re leaving huh?” Tumingin pa siya sa maleta ko at muli akong binalingan. “You didn’t even know what’s going on.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “I told you that he is now a f*****g monster and it is because of you. Pinatay niya lahat ‘yong mga lalaking nagtangkang saktan ka. He laid a finger to you at ayaw niya ‘yon.” Naikuyom ko ang isang palad ko at matamang nakatingin sa kaniya. “Nagulat nga kaming lahat nang marunong na siyang humawak ng baril,” natatawa niya pang sabi. “We have no idea that he is a snipper. Takot siyang humawak ng baril noon dahil ayaw niyang matulad sa mga kapatid namin. Pero noong nangyari ang hindi namin inaasahan namatay ang babaeng unang minahal ni Lucas. He always blames himself every single day. Ayaw na niyang mangayari pa ‘yon kaya siya nangkaganiyan.” Hindi ko na napigilan pang mapahagulgol at naitakip ko na lang ang dalawang palad ko sa akung mukha. Dahil sa’kin kaya niya nagawang pumatay. Hindi ko kayang dahil sa’kin ay binubuwis niya ang buhay niya. “S-si Rupert, why did he kill him?” Tumaas ang kilay niya at taka niya akong pinagmasdan. “Ha? Hindi naman niya pinatay ‘yon. Saka bakit naman niya gagawin ‘yon? Pinalayas lang niya ng Quezon ‘yon at hindi na niya hinayaan pang manatili pa rito.” Nagulat ako sa sinabi niya at kaagad kong pinunasan ang mga luha ko. “Pero ang sabi niya kasi__” “Na pinatay niya ang ex mo?” Pagak pa siyang tumawa. “Nagseselos lang ang asawa mo pero hindi niya kayang pumatay ng inosente kahit na gusto na niyang ilibing ng buhay ‘yon” “Where is he?” Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa’kin. “Trevor, nasa’n si Lucas?” Napayuko siya at mahinang bumuntong hininga. “Does he hurt you?” Napaawang ang mga labi ko sa tanong niyang iyon. Naalala kong bigla ang nangyari sa’min ni Lucas at takot na takot ako sa kaniya nang makita ang galit sa mukha niya. “I think I know the answer” Binitiwan ko ang maleta ko at hinawakan siya sa braso. “Where is he, Trevor?” “At the underground.” Sandali niya akong pinagmasdan at kita ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang itsura. “He’s hurting himself.” Napabitaw ako sa braso niya at hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. “A-anong ibig mong sabihin?” “See it for yourself” Sinamahan naman niya ako sa underground kung saan ay nakapasok na rin ako at nakita ang mga iba’t-ibang klase ng mga baril nila rito. Pumasok kami sa isang kuwarto at habang papalapit kami sa kinaroroonan niya ay nanginginig ang aking mga kamay. Nasa unahan si Trevor at nasa likod naman niya ako. Napahinto siya sa kaniyang paglalakad at humarap pa sa’kin. “He’s here.” Umalis siya sa aking harapan at natigagal ako sa aking nakikita. Nakaluhod siya at puro dugo ang kaniyang katawan. May bahid din ng dugo ang kamao niya at para bang pagod na pagod siya dahil sa kaniyang itsura. Napaluha na lang ako at nakaramdam ng awa sa kaniya. “He’s hurting himself dahil daw sinaktan ka niya kaya doble ang sakit na pinaranas niya sa sarili niya.” Napailing ako sa sinabi niya at kaagad na nilapitan si Lucas. Marahan kong inangat ang mukha niya at idinilat niya pa nang bahagya ang mga mata niya. Napahagulgol na lang ako nang titigan niya ako at sandali pa siyang ngumiti sa’kin. “Y-you f-found me,” hirap niyang wika sa’kin. “I’m sorry, bakit mo ba kasi sinasasktan ang sarili mo?!” sigaw ko sa kaniya. “Bakit mo hinayaang magalit ako sa’yo?” umiiyak kong turan sa kaniya. Hinaplos niya ang pisngi ko at kahit na may dugo iyon ay balewala lang sa’kin. Pinunasan niya ang mga luha ko at pagkuwa’y niyakap ko na lang siya. “You’re not supposed to be here,” hirap niyang sabi sa’kin. “Ano bang sinasabi mo? Kailangan mo pang magpaliwanag sa’kin para mas maintindihan kita. Maniniwala ako sa’yo kung ano man ang dahilan mo dahil asawa kita!” “I’m sorry Ayvee, I promise that I won’t kill. Please stay with me.” Tanging tango lang ang isinagot ko sa kaniya at maya-maya pa ay nagulat na lang ako nang mawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD