CHAPTER 27

4467 Words
AYVEE’S POV: Inis akong umalis ng bahay at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Basta na lang dumating ang babaeng nagngangalang Giselle at ang masaklap pa noon ay matalik niya raw itong kaibigan. The hell I care! Pero hindi iyon ang sinasabi ng puso ko. Nagseselos na ba ko? Hindi ba’t ako na rin ang nagsabi sa kaniya na huwag siyang mahuhulog sa’kin dahil ayoko na ng commitment. Pero bakit gano’n? Nagagalit ako sa sarili ko dahil pilit ko siyang inilalayo sa’kin. Ayoko nang masaktan pa at ayoko nang ibigay pa ng buo ang tiwala ko. Pero hindi ko alam na aabot ako sa ganito na unti-unti kong kinakain ang mga sinabi ko sa kaniya. And yet I’m scared. May bahagi ng isipan ko ang tutol dahil sa nakita kong pagkatao niya. He’s a monster, a devil at tama nga yata ang sinabi ng kapatid niyang si Roco na mas malala pa siya kaysa kay Gascon. Pero mas nangingibabaw ang nararamdaman ko para sa kaniya. Napahinto ako sa aking paglalakad at tinanaw ang bahay namin. Napakalungkot na nito at hindi tulad noon na masigla ko pa itong pinagmamasdan dahil sa dami ng mga bulaklak sa paligid namin. Marahan akong naglakad papunta sa malawak naming hardin at huminto sa gitna noon. Nakatingin ako sa saradong pintuan namin at bigla kong naalala ang mga sinabi sa’kin ni mommy. Hindi ko maiwasang mapaluha at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Pakiramdam ko tuloy ay naging masama akong anak sa kaniya gayong hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo. I walked slowly to our front door. When I was about to knock she locked the door. It was my mom. Alam niya sigurong nandito ako at galit pa rin siya sa’kin ngayon. Wala akong alam kung anong meron sa kanilang dalawa ng mama ni Lucas at galit ito sa pamilya nila. Noon ko lang nalaman na matalik pala silang magkaibigan at nahihiya naman akong itanong iyon kay mama at hindi ko rin naman masisi si mommy kung bakit tutol siya na ang isang Montealegre ang napangasawa ko. Kita ko kung paano magparusa si Lucas at kung paano manlisik ang mga mata niya sa kaniyang mga kalaban na handa itong pumatay ano mang oras nito gustuhin. Nangilabot ako at natakot ako sa kaniya noong una at hindi ko akalain na makikita ko ang ganoong pagkatao niya. Pero noong nasa panganib ako ay bigla ko na lang naramdaman ang isang kakaibang pakiramdam na pinakaiiwasan ko. Hindi na ako nag-atubili pang kumatok at nagpakawala na lang ako ng mahinang pagbuga sa hangin. Nakayuko ako at parang tinutusok ang puso ko dahil ngayon lang kami nagkatampuhan ng ganito ni mommy. Napaluhod na lang ako sa harapan ng pintuan namin at unti-unting pumatak ang mga luha ko sa aking pisngi. “M-mommy, I’m sorry,” garalgal ang boses ko habang nakaluhod. Hindi kaagad ako makapagsalita at huminga muna ako ng malalim. “M-mommy, alam kong nagkamali ako pero hindi ako maglilihim sa’yo ngayon. Patawarin mo po ako dahil parang hindi ko na kayang humiwalay pa sa kaniya.” Suminghot pa ako at napayuko. “Alam kong masama ang tingin niyo kay Lucas pero naniniwala akong hindi siya masamang tao nagkasala man siya pero hindi siya masama.” Napatingala ako at nanatili pa ring sarado ang pintuan. Alam kong nakikinig siya at sana ay mapatawad niya ako. Hindi ko gustong maramdaman ito dahil ayoko nang maulit pa ang ginawang panloloko sa’kin ni Rupert. Tumayo na ako sa pagkakaluhod ko at pinunasan ko ang luha ko sa aking pisngi. Pinakatitigan ko pa ang saradong pintuan namin at saka naman ako tumalikod. Naglakad lang ako hanggang sa makarating sa kanto namin at hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ni Badiday na nakasakay sa tricycle. Huminto ito at kaagad namang bumaba si Badiday na may hawak pang malaking bag. “Hoy E.C! Nabingi ka na? Nagtawag-tawag ako sa imong selpon dili ka nagsagot,” tipid lang akong ngumiti sa kaniya. “Anong ginagawa mo dito? Galing ka ba sa balay nimo?” Tumango lang ako sa kaniya at umangkla pa ako sa braso niya. “Namiss kita Badiday! Bakit ngayon ka lang bumalik ulit?” Inihilig ko pa ang ulo ko sa kaniyang balikat. Nagpanggap akong masaya para kahit papaano ay maibsan ang sakit dito sa puso ko. Ayokong pati siya ay mag-alala dahil tiyak hindi niya ako tatantanan kapag nalaman niyang galit sa’kin si mommy. “Umuwi muna ako ng Manila para asikasuhin ang bahay ni ser dahil baka sesantihan na ako ng tuluyan ni ser dili ko na masilayan ang puno ng Balete niya.” Biglang nawala ang ngiti ko sa labi at humarap sa kaniya. “Tara Badiday magsaya tayo” “Ha? Saan naman tayo maglaog wala namang SM dito?” Hinila ko na lang si Badiday at pumara naman ako ng tricycle. Pumunta kami sa isa sa mga sikat na Coffee Shop dito sa bayan na karaniwang pinupuntahan lalo na ng mga estudyante. Naupo kami malapit sa bintana kung saan tanaw ang dagat mula rito. Nakahalumbaba akong nakatingin doon na para bang pinapawi noon ang mga isipin ko. Dumating na ang order namin at walang gana naman akong nakatitig doon. Naalala kong bigla ang babaeng si Giselle at humigpit ang hawak ko sa baso ko. Padabog akong napasandal sa upuan at malakas pa akong bumuga sa hangin na kaagad namang napansin ni Badiday. “Alam mo, kanina ka pa ganiyan. Huwag mong sabihing lablayp ang prublima nimo?” Mabilis akong napatingin sa kaniya at nagpakurap-kurap pa ako. Natigil siya sa pagsipsip ng Frappe na inorder niya at napanganga pa sa akin. “Hala may boypren ka na?!” “Wala!” Humalukipkip ako at tumingin muli sa malawak na dagat. Tiyak magugulat siya kapag sinabi ko sa kaniya na nag-asawa na ako at si Lucas ‘yon. Para naman akong maiiyak dahil sa inis. Bakit kasi nagmatigas pa ako at hindi ko na lang sinabi sa kaniya ang totoo? Nagpadala ako sa takot ko at hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Kapag ba pinagpatuloy ko itong nararamdaman ko sigurado ba akong hindi na mauulit ang kinatatakutan ko? Napatitig na lang ako sa kape ko at hinalo-halo na lang ito gamit ang straw. “Ano ba kasing prublima nimo at parang nilukot na papel ang mukha mo?” tanong niyang muli. “Ang sakit Badiday, bakit ba ako nasasaktan sa pinapakita niya sa’kin?” “Sino ba?” “Dapat nga matuwa ako kasi ayokong ma-involve kahit na kanino,” sabay hikbi ko naman. “May juwa ka na nga? Sinasabi ko na nga ba eh!” sabay pitik niya pa sa ere. “Kailan pa? Teka, malaki ba?” Tumango lang ako na parang wala ako sa aking sarili. “Mahaba?” Muli akong tumango habang nakatitig ako sa aking kape. “Mataba?” Tango ko ulit. “Ga-braso ba?” tango ko ulit. “Hindot ka! Nakalakad ka pa?! Giunsa ni pagkahitabo?” Nagulat ako sa kaniyang sinabi at doon lang ako parang natauhan. Napahawak pa ako sa aking ulo at mariing napapikit. Wala na. Wala na talaga akong maitatago sa babaeng ito. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan pero kailangan ko munang magsinungaling. “Ahhhm, h-hindi ko kasi alam kung mutual ‘yong feelings namin eh.” Napakagat pa ako sa aking labi at parang maluluha na naman ako. “Gaga ka! Sinabihan na kitang tikim-tikim muna nagseryoso ka na agad. Sabi ko landi-landi muna eh.” Napapikit na lang ako at kung hindi ko lang siya kaibigan ay kanina ko pa sinabunutan ang babaeng ito. “Nakow E.C! Ito ah huling payo ko na sa’yo ‘tong gaga ka! Ganito kasi gawin mo para mas lalo ka niyang mahalin sipsipin mo ‘yong ulo pababa hanggang etlog niya ewan ko lang kung hindi magtirik-tirik ‘yong mata niya.” Napamulagat ako sa kaniyang sinabi at nagpalinga-linga pa ako dahil baka may makarinig sa amin. “Badiday naman seryoso ako!” singhal ko pa sa kaniya dahil sa inis. “Seryoso din naman ako! Dili ka kasi marunong magsipsip. Higupin mo kasi pati chico niya!” Holy crap! Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang ganito? Kung puwede nga lang itong sakalin kanina ko pa siya sinakal! “Sino ba kasing malas na lalaki na ‘yan?” Sinamaan ko siya nang tingin at padabog kong inangat ang baso ko at sumipsip doon. Naglalakad-lakad muna kami at tumambay muna sa pantalan. Maraming kabataan ang nagpupunta rin dito at nagmistulang Luneta Park ito. Naupo kami at humarap naman kung saan papalubog ang araw. Pumikit ako at nilanghap ang simoy ng dagat at napangiti na lang ako. Kahit paano ay nawala ang mga dinadamdam ko at alam kong hindi rin magtatagal ay mapapatawad ako ni mommy at matatanggap niya kung ano man ang desisyon ko. Naghiwalay na kami ni Badiday at sa bahay na muna siya tutuloy at kaya rin daw siya umuwi rito ay nag-aalala rin daw siya kay mommy dahil nakuwento ko sa kaniya na hindi ako madalas makadalaw sa kaniya dahil sa trabaho ko sa mansyon ng mga Montealegre. Sana ay hindi muna mabanggit ni mommy sa kaniya ang tungkol sa amin ni Lucas dahil tiyak akong pati siya ay magtatampo sa’kin dahil inilihim ko ‘yon sa kaniya. Sasabihin ko rin naman sa kaniya kapag ayos na sa amin ang lahat at handa na rin akong kausapin si Lucas at sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Papasok na ako sa gate ng mansyon nang makarinig ako na tila nagtatawanan. Nanggagaling iyon sa likod ng hardin at na-estatwa ako nang makita kung sino ang naroon. Si Giselle katabi ang asawa ko at naririto rin ang dalawa niyang kapatid na si Roco at Gascon. Si mama naman ay tuwang-tuwa sa kinukuwento ni Giselle. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit dahil mukhang welcome na welcome siya rito at kasundo rin niya ang mga kapatid ni Lucas. Tatalikod na sana nang bigla akong tawagin ni mama at napatingin na rin silang lahat sa akin. Napalunok ako at nakayuko naman akong lumapit sa kanila. “Halika hija, dito ka sa tabi ko.” Tapik pa ni mama sa bakanteng upuan at marahan akong umupo sa tabi niya. Napasulyap pa ako kay Lucas at mataman siyang nakatitig sa akin. Napaiwas na lang ako nang tingin sa kaniya at ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod kahit na nakaupo naman ako. “Kilala mo na si Giselle hindi ba?” Tumango naman ako kay mama. “Birthday niya kasi ngayon at nagdala siya ng iba’t-ibang pagkain.” Tiningnan ko naman ang mga nakahain sa lamesa at mukhang masasarap nga. Mga pagkain dito sa Quezon ang siyang inihanda niya at masasabi kong napaka-simple lang noon. “Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap,” malamig ang boses na turan sa’kin ni Lucas. Magkatapat lang kami at nakakunot naman ang kaniyang noo. “Sa bayan. Nagkita kasi kami ni Badiday saka namasyal kami.” Hindi na siya sumagot at sumimsim siya ng alak na nasa bote. Napatingin ako kay Giselle at nangingiti naman niyang pinagmamasdan si Lucas sa kaniyang tabi. Naikuyom ko na lang ang palad ko na nasa aking hita at gusto ko namang buhusan ang babaeng ito. Ilang ulit ko bang sasabihin sa kaniya na ako ang asawa niya para tumigil na siya sa kakalandi sa asawa ko? Kapag nakikita ko siya naiirita ako at gusto ko siyang sabunutan hanggang sa makalbo siya. Narinig kong tumikhin si Gascon na nasa kabilang bahagi ni Lucas at makahulugan siyang nakatitig sa akin. Nagbaba ako nang tingin at kung hindi lang kabastusan sa kanila ay tumayo na ako para talikuran sila. Napatingin ako sa telepono ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at umiilaw ito hudyat na may tumatawag. Napangiti na lang ako dahil binigyan ako ng dahilan para makaalis dito. Si Calixto ang tumatawag kaya nagpaalam na muna ako sa kanila. “Hello Calixto napatawag ka?” sagot ko sa tawag niya pagkatayo ko sa aking kinauupuan. “Gusto lang kitang kumustahin A.C. Pinagalitan ka ba ni Sir Lucas?” may pag-aalalang wika niya. Gusto kong maglabas ng hinaing sa kaniya pero hindi puwede. Para na akong bombang sasabog dahil naipon na yata ang sama ng loob ko at iyon ay dahil sa’kin. Dahil sa katangahan ko kaya ako nagkakaganito ngayon. “Hindi naman Calixto. Huwag kang mag-alala ayos lang ako” “Sa susunod na linggo luluwas ulit ako at may sasabihin din ako sa’yo.” Napatango na lang ako na animo’y nakikita niya. Pagkatapos naming mag-usap ay ibinaba ko na ang tawag at wala na rin akong balak pa na bumaik doon. Pagpihit ko ay napatalon pa ako sa gulat nang makita kong nakatayo si Giselle at may hawak itong wine at dalawang wine glass. Itinaas pa niya ito at malapad na ngumiti. Niyaya niya ako sa veranda at magkatapat naman kaming nakaupo sa maliit na mesa. Sinalinan niya ng wine ang baso ko at ganoon din siya. Tiningnan niya ako at napairap na lang ako dahil parang nang-aasar pa ang mga tingin niyang iyon. “Hindi mo ba ako babatiin?” Unang salitang lumabas sa kaniya. “Why should I? We’re not close,” mataray na sagot ko sa kaniya. Pagak siyang tumawa na ikinakunot ng noo ko. Inisang lagok niya ang kaniyang alak at muli niya akong tinitigan. Inginuso niya pa ang alak ko at deretso ko rin itong ininom. Humalukipkip ako sa kaniya at hindi ako nagpatalo at ginantihan ko rin siya ng mga titig. “Bakit hindi mo sabihin sa kaniya na gusto mo siya?” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “Wala kang pakialam” “May pakialam ako kasi kaibigan ko siya.” Natigilan ako at nakagat ko ang ibabang labi ko. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso ko at kaagad ko ‘yong ininom. Napapikit pa ako ng sandaling gumuhit iyon sa aking dibdib. Naisuklay ko ang daliri ko sa mahabang buhok ko at sinamaan siya nang tingin. “Talaga? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa kaniya? Don’t you f*****g fool me dahil babae rin ako” Siya naman ang kumunot ang noo at maya-maya pa ay bigla siyang tumawa. Pinagtatawanan ako ng bruhang ito at kung wala lang kami sa mansyon ay tinulak ko na siya rito. “So, tama nga ako nagseselos ka nga,” nakangiti niya pang saad. “Wala akong gusto sa asawa mo at hindi ko siya type. Hindi ako mahilig sa pandesal,” ngumisi pa siya sa’kin at uminom naman siya ng alak. Hindi na ako umimik pa at tahimik naman kaming umiinom. Ewan ko ba kung bakit ginanahan akong mag-inom ngayon at nagpakuha pa ako ng alak nang maubos namin ang tatlong bote. Ramdam ko na ang pamumungay ng mga mata ko at bali-baliko na rin ang pagsasalita ko. Kung saan-saan na napupunta ang usapan namin ni Giselle at tawa naman kami nang tawa. Kung kanina ay inis na inis ako sa kaniya ngayon naman ay niyayakap-yakap ko na siya. “Shishel mamaya ka na umuwi inom pa tayo!” Nakahawak siya sa braso ko at inaalalayan naman niya akong makapasok sa loob. “Diyos ko naman Ayvee ang bigat mo! Kung alam ko lang na ganito ka malasing hindi na sana kita inaya pa nakakaloka ka!” Dinig kong reklamo niya. Iwinasiwas ko ang ang kamay ko at kamuntikan pa akong matumba nang harapin siya. Kahit namumungay na ang mga mata ko ay naaaninag ko pa rin siya at nakapamewang siya sa harapan ko. “Akala ko ba magkaibigan na tayo? Pero bakit sinisigawan mo ‘ko?” Napabuntong hininga siya at napalabi naman ako. “What’s going on here?” Napalingon kami pareho at kahit na nanlalabo na ang paningin ko ay kilala ko pa rin ang tindig niyang iyon. Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan sa pagkakataong ito. Namimiss ko na talaga siya, kahit na magkasama kami rito ay hindi naman kami nagpapansinan at dahil iyon sa sinabi ko sa kaniya. I didn’t mean to say that at natakot lang ako sa mga posibleng mangyari lalo pa’t tutol na kaagad si mommy sa kaniya. “Hay naku Lucas ikaw na nga ang bahala riyan sa asawa mo at uuwi na ako!” Lumapit pa sa akin si Giselle at bumulong. “Pagkakataon mo na bruha ka, magpagahasa ka na sa kaniya mamaya.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na rin siya. Naiwan naman kami ni Lucas at nasa ibaba na ang tingin ko. “Halika na ihahatid na kita sa kuwarto para makapagpahinga ka na.” Tumalikod na siya at maglalakad na sana siya palayo nang yakapin ko naman siya sa kaniyang likuran. Humigpit pa ang yakap ko at hindi ko na napigilan pang mapaiyak. “Galit ka ba sa’kin?” Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong nasaktan. “I’m sorry. I’m sorry kasi nagsinungaling ako sa’yo. Hindi ko na kaya Lucas nasasaktan na ‘ko.” Humagulgol na ako at tinanggal naman niya ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at inangat iyon. Patuloy ang pagluha ko at pinunasan naman niya iyon. “Hindi ako galit. At kahit kailan hindi ko magawang magalit sa’yo. Gusto ko lang hintayin ka na baka sakaling magbago pa ang nararamdaman mo para sa’kin. I know that I’m not a good guy to you and I won’t promise anything. Pero gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang.” Napahikbi ako at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. “Gusto mo pa rin naman ako ‘di ba?” Natanong ko na lang sa kaniya. Ngumiti siya sa’kin at mabilis niyang sinakop ang mga labi ko. Siniil niya ako nang halik at inilapit niya pa ako sa kaniya. Maya-maya pa’y binuhat na niya ako ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin. Hindi ko alam kung nasaan na kami at marahan na lang niya akong ibinaba sa malambot na kama. He kissed me passionately at hindi na ito tulad noong nangyari sa amin sa kotse. May ibayo siyang pag-iingat at ngayon ay ramdam na ramdam ko kung gaano kasarap at kalambot ang mga labi niya. Ipinasok niya ang isang kamay niya sa loob ng t-shirt ko at hinawi niya pa ang bra ko. Bahagya akong napaungol nang paglaruan ng kaniyang daliri ang n****e ko at dumako pa ang halik niya sa aking leeg. Hinubad na niya ang t-shirt ko at mabilis niyang tinanggal ang bra ko kaya naman bumungad ang mga dibdib ko sa kaniya. Matagal siyang nakatitig doon at medyo nahiya naman ako sa klase ng pagtitig niya. Tatakpan ko na sana ang sarili ko nang pigilan niya ako at sumilay ang ngiti niya sa mga labi. “I miss to touch you, my binibini. Two weeks akong nabakante kaya huwag kang magrereklamo kung hindi kita patulugin ngayong gabi,” mahinang bulong niya pero dinig ko ang bawat salita niya. Kahit nakakaramdam ako nang pagkahilo ay naaaninaw ko pa rin siya pati na rin ang kislap ng mga mata niya. Wala ako sa sarili kong napatango na lang sa kaniya at muli niyang sinakop ang mga labi ko. Hindi ko alam kung paano niya nahubad ang pantalon ko at napagtanto kong wala na rin akong panty at naibuka na niya ang mga hita ko. Pinatakan niya nang halik ang katawan ko pababa sa aking gitna. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya roon at napaangat pa ako ng aking balakang nang lumapat ang labi niya sa aking hiwa. Mariin kong nakagat ang labi ko at gusto ko siyang pagmasdan sa ginagawa niyang iyon pero nababaliw na ako ng sobra sa ginagawa niya sa’kin. Feeling ko tuloy ay inubos niya ang katas ko roon dahil sa sobrang tagal nang pagsisid niya. Sinipsip niya at ipinasok niya pa ang dalawang daliri niya roon at pinabilis niya pa ang paglabas-masok habang dinidilaan niya ang aking gitna. Nangisay ako nang bahagya ng may maramdaman akong lumabas na likido roon. Doon lamang siya napahinto at wala pa kami sa parteng mas masarap pero nanghihina na ako. Umibabaw na siya sa’kin at ikiniskis niya pa ang kahabaan niya sa namamasa kong p********e. Marahan niya pang ipinasok iyon sa loob at mariin akong napakapit sa kaniyang magkabilang braso. At nang maipasok na niya ito ay dahan-dahan siyang gumalaw na para bang ingat na ingat. Napapikit ako at naikawit ko na lang ang mga braso ko sa kaniyang leeg at ang mukha niya ay nakasubsob sa aking leeg. He lick me there, suck me like a vampire who wants my blood. Hindi pa siya nakuntento nang hugutin niya ang sandata niya at pinadapa niya pa ako. Ipinasok niyang muli ito at doon ay mabilis na siyang bumayo sa aking likod. Naririnig ko lang ang tanging paghampas ng katawan niya sa’kin dulot nang mabilis niyang pagbayo. “Aah..aaah…L-lucas!” Malakas na paghiyaw ko. Dumapa pa siya sa akin at hinalik-halikan ang likod ko habang patuloy pa rin siya sa mabilis niyang paggalaw. Humigpit pa ang pagkakahawak niya sa aking balikat at narinig ko pa ang munting ungol niya at maya-maya pa ay tumigil na rin siya. Kapwa kami hingal na hingal at nakadapa pa rin siya sa’kin at hindi niya pa hinuhugot ang sandata niya sa aking loob. “I want you to remember this Ayvee, you’re mine now. Ang kay Lucas ay kay Lucas lang. Hindi ako madamot pero pagdating sa’yo magdadamot ako.” I feel like I’m dreaming because I heared him whisper in my ear. Wala na akong nagawa pa nang umulit pa siya sa pag-angkin sa’kin at hindi lang isa o dalawa kun’di tatlong beses sa isang gabi. Marahan akong napamulat at napahawak ako sa aking ulo ng biglang kumirot ito. Napaungol ako dahil pagdilat ko ay medyo umiikot ang aking paningin. Shit! Anong nangyari? Si Giselle kaya? Wala na akong matandaan pa at ang tanging natatandaan ko na lang ay iyong ihahatid na niya ako sa kuwarto. Bakit naman kasi hindi niya ‘ko pinigilang mag-inom? Kainis! Akmang tatayo na ako ng may maramdaman akong mabigat sa tyan ko. Lumingon ako at namilog pa ang mga mata ko sa gulat. Napatutop ako ng aking bibig at pinagmasdan ang hubad niyang katawan. Natigagal ako at pinagmasdan siya habang natutulog. Napalunok ako ng mariin at tiningnan ko naman ang kabuuan ko at s**t! Wala akong matandaan. Nagpagahasa ba ako sa kaniya? Lintek! Bakit wala akong maalala? Ano ‘yon siya lang nasarapan? Biglang may sumagi sa isip ko at mariin ko pang kinagat ang ibabang labi ko. Natatandaan ko na. Hayop ‘tong lalaking ito manyakis talaga! Itaob-taob ba naman niya ‘ko sa kama at hindi makuntento sa isang posisyon lang. Mas nahilo pa yata ako sa pagbaligtad niya sa’kin kaysa sa alak na ininom ko. Matagal ko siyang tinitigan at marahan ko pang inangat ang kamay ko para haplusin ang mukha niya. Sa itsura niyang ito ay para siyang bata na natutulog lang at napaka inosente pero may tinatago palang hindi ko maipaliwanag. Nagmulat siya ng kaniyang mga mata at sa gulat ko ay bigla ko na lang siyang nasampal. Napahawak siya sa kaniyang mukha at masama niya akong tinitigan. “S-sorry, ikaw naman kasi bakit ka nanggugulat?” Sisi ko pa sa kaniya. “What did I do? Ikaw nga itong nanggising sa’kin tapos sasampalin mo na lang ako.” Hinimas niya pa ang pisngi niyang nasampal ko at napanguso pa siya. “S-sorry na” “Anong sorry? Panagutan mo ‘yong ginawa mo!” “H-ha? Paa__” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang pumaibabaw siya sa’kin at napasinghap pa ako sa ginawa niya. Pareho pa kaming walang saplot at bumaba ang tingin ko sa buhay na buhay niyang, meralco? s**t! Ang laki! Mamutok-mutok ang ugat. Bakit ngayon ko lang napansin na ganito pala kalaki at kaugat ‘yong kaniya? Kaya naman pala laway na laway si Badiday sa kaniya eh. “Ready?” Ngumisi pa siya sa’kin na ikinagulat ko. “Hoy teka lang! Porke malaki ‘yan bibigay na lang ako basta-basta sa’yo. Excuse me Mr. Montealegre___” “Kaya pala bumigay ka na kaagad kagabi.” Natahimik ako sa sinabi niya at ngumisi na naman siya. “Gusto mo na talaga ako?” Hindi kaagad ako nakasagot at nakatitig lang ako sa namumungay niyang mga mata. Umalon ang lalamunan niya at hinihintay naman niya ang aking sagot. “You’re willing to risk your life just for me?” Nakatitig ako sa kaniya at hinagkan niya pa ang noo ko. “I will,” tipid niyang sagot “Ayokong mamatay ka” “Hindi ako mamamatay. Ako ang papatay kapag may nanakit sa’yo” “Puwede bang huwag mo na silang labanan? Ayokong mapahamak ka. Baka kasi___” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at nagbaba na lang ako nang tingin. “Okay, if that’s what you want, my binibini.” Inangat niya ang baba ko at siniil niya ako ng matatamis na hallik. I can feel his hardness through my stomach and ready to get inside me. Pareho kaming natigilan nang may sunod-sunod na kumatok sa pintuan. Sabay pa kaming napatingin doon at sunod-sunod naman ang mura ni Lucas. “Who the f**k is that?! Ipapasok ko na kumatok ka pa!” Galit nitong turan. “Sir, dumating na po si Sir Trevor at hinahanap kayo!” Napatingin ako kay Lucas na halatang inis na inis. Hinila niya ang side drawer at may kinuha siya roon. Nanlaki ang mga mata ko na isang baril ‘yon. Mabilis siyang umalis sa ibabaw ko at bago pa siya makababa ng kama ay hinawakan ko siya sa kaniyang braso. “What are you doing?” Nakataas ang isang kilay kong sambit sa kaniya. “Pasasabugin ko lang ang bungo nang nang-istorbo sa’tin.” May halong inis pa nitong saad. Napaikot ang mata ko sa ere at hinawakan ang magkahilang pisngi niya. “Ready yourself later.” Lumapit pa ako sa tainga niya at bumulong. “I will eat you like a wild beast wet and wild.” Lumayo ako sa kaniya at tila nagulat siya sa sinabi ko. Nagpakurap-kurap pa siya at pansin ko ang paglunok niya. Gusto kong matawa sa itsura niyang iyon at hindi halos makapaniwala sa sinabi ko. Lintek kasi itong si Badiday kung anu-ano ang itinuturo sa’kin. “I like that.” Hinagkan niya pa ako sa mga labi bago siya nagtungo sa may pinto. Napakagat-labi na lang ako nang makita ko ang malapad na likod ng asawa ko at nakatapis lang ng tuwalya. Kahit siguro araw-arawin ko siya hinding-hindi ako magsasawa. May bahagi ng isipan ko ang kinatatakutan ko na baka ang kaligayahang ito ay panandalian lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD