LUCAS POV:
Nasa loob na kami ng bahay nila Ayvee at kaharap naman namin ang mommy niya. Nasa labas ang mga tauhan namin at nakapalibot sa kanilang bahay at si Gascon naman ay nakasandal sa pintuan. Nakayuko lang ako pero ramdam ko ang mga titig ng mommy ni Ayvee sa’kin. Tahimik lang kami at hindi ko magawang mag-angat nang tingin dahil ang totoo niyan ay takot akong humarap sa kaniya gayong nalaman na niya ang totoo at wala akong magagawa kun’di ang umamin.
“Totoo bang ikinasal na kayo ng anak ko?” Dahan-dahan akong nag-angat ng aking mukha at marahang tumango sa kaniya.
Sinulyapan ko si Ayvee na nasa tabi ng kaniyang ina at nakatitig ito sa’kin. Napalunok ako at nagbaba ng aking tingin at pinagsiklop ko ang aking mga kamay. Mas nakakatakot makaharap ang mommy niya kumpara sa mga kalaban namin kanina.
“P-pasensya na po kayo may dahilan po kasi kung bakit hindi ko pa nasabi sa inyo,” hinging paumanhin ko sa kaniya.
“Hindi iyan ang napag-usapan namin ng iyong ina.” Muli akong nag-angat ng aking tingin at nangunot bigla ang aking noo.
Takang-taka ring nakatitig si Ayvee sa kaniya at umiwas naman ang mommy niya nang tingin. Magsasalita sana ako ng may kumatok at si Gascon ang nagbukas nito. Nagulat ako nang makita ko si mama at kaagad siyang lumapit sa mommy ni Ayvee.
“Amalia anong nangyari? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” Papalit-palit ang tingin ko sa kanila at ganoon din si Ayvee.
“Ma, magkakilala kayo?” takang tanong ko kay mama.
Hindi kaagad nakapagsalita si mama at tumingin pa muna ito kay Ayvee. Hinawakan ni mama ang kamay ng mommy ni Ayvee at malungkot siyang ngumiti rito na tila maluluha na.
“Matalik ko siyang kaibigan,” tipid nitong sagot.
Sa aking pagkagulat ay napasandal na lang ako at nagpakawala nang buntong hininga. Nakatingin lang ako sa kanila at si Ayvee naman ay halatang hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
“Paano kayo naging magkaibigan?” tanong ko kay mama.
“Magkaibigan na kami simula pa noong college at___” Hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sasabihin at pansin ko ang pagtulo ng kaniyang mga luha. “Patawarin mo ako Amalia dahil itinago ko sa’yo ang totoo. Gusto ko ring maprotektahan ang anak mo kung magiging parte siya ng pamilya namin.” Kinuha niya ang kaniyang kamay na hawak ni mama at bahagya siyang humarap dito.
“Protektehan? Nasa bingit nang kamatayan ang anak ko kanina, Divina. Ayokong ma-involve siya sa inyo at hindi ko na hahayaan pang masaktan ng kung sino ang anak ko,” lumuluha nitong turan sa aking ina. “Pumayag akong bilhin niyo ang bahay na ito at sabi kong babayaran kita kapag nakaluwag-luwag na ako pero hindi ko sinabing magpakasal ang anak ko sa isang Montealegre!” Napapikit na lang ako at naitukod ko na lang ang isang palad ko sa aking noo.
Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang pagka-ayaw niya sa pamilya namin. Ang tingin ng karamihan sa’min ay isang mamamatay tao at pumapatay kami ng mga inosente. Iyon ang akala nila.
“I’m sorry po, pero asawa ko na po siya.” Napatingin sila sa’kin at nakipagtitigan naman ako sa mommy ni Ayvee. “I like her. I’ll do everything for her kahit buhay ko pa ang maging kapalit”
“Ano, papatay ka rin ba? Ganiyan ba ang basehan mo para protektahan ang anak ko ang pagiging mamamatay tao?!”
“Amalia!” awat ni mama sa kaniya.
Muli akong napayuko at inisip ang mga sinabi niya. Sino nga ba ang gustong mapahamak ang sarili niyang anak? Oo, mamamatay tao ako dahil ako mismo ang kumitil kay Jea kaya tama lang ang sinabi niya. Iyon din ang dahilan kung bakit ayokong humawak ng baril dahil ayokong maulit ang nangyari noon.
“Poprotektahan ko po ang asawa ko sa abot ng makakaya ko. Gusto ko lang na magtiwala kayo sa’kin.” Hindi niya ako sinagot at tumingin lang sa ibang direksyon.
“Amalia, bigyan mo nang pagkakataon ang anak ko. Iyong mga anak ko, hindi sila tulad nang iniisip mo,” mahinahong paliwanag naman ni mama.
“Babayaran kita Divina. Kapag naibenta ko na ang ibang lupain ko rito. At kapag nangyari ‘yon gusto kong hiwalayan na ng anak mo ang anak ko”
“Amalia__” Hindi na niya hinintay pang magsalita si mama at tumalikod na rin siya. Bago pa sumunod si Ayvee sa kaniya ay muli itong nagsalita pero hindi ito lumingon. “Sumama ka na sa kaniya Cassandra at huwag mo akong pupuntahan dito hangga’t hindi pa kayo hiwalay.” Pagkasabi niyang iyon ay umalis na rin siya.
Kita ko ang pangingilid ng mga luha ni Ayvee habang nakatanaw siya sa kaniyang ina at tumayo naman ako para daluhan siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at doon na lamang siya napaiyak. Wala akong magawa kun’di ang aluin siya at niyakap na lang siya.
Umalis na kami at tahimik lang naming tinatahak ang daan papunta sa mansyon. Panaka-naka ko lang siyang sinusulyapan at nakatingin siya sa labas ng bintana. Medyo maulan dito ngayon kaya mabagal lang ang takbo namin dahil na rin sa maputik ang aming dinaraanan.
“May sasabihin pala ako sa’yo.” Humigpit ang kapit ko sa manibela at hindi ko siya tinapunan nang tingin. “Lucas, iyong__”
“Don’t say it,” putol ko sa kaniyang sasabihin.
Alam ko na kung ano ang sasabihin niya at ayokong marinig kung ano man ‘yon. Hindi ko siya isusuko kahit na ano mang mangyari gayong alam na ni Don Manolo na siya ang asawa ko. Ayos lang na ibato sa’kin ang masasakit na salita pero huwag lang nilang gagalawin ang asawa ko.
“Kung ano man ‘yang nararamdaman mo puwede bang__” Mahigpit kong inapakan ang preno at mataman siyang pinagmasdan.
“I told you don’t say it.” Tumulo ang luha niya sa kaniyang pisngi at pupunasan ko sana ito nang iiwas niya ang kaniyang mukha.
Sumandal ako at mas lalo pang bumuhos ang ulan. Nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa kawalan na parang wala sa kaniyang sarili. Bahagya pa akong humarap sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mukha at iniharap sa’kin. Walang emosyon ang kaniyang mga mata at halatang wala pa itong tulog.
“I want you to trust me Ayvee.” Tinanggal niya ang mga kamay ko at umiwas sa’kin nang tingin.
“I don’t give you a chance.” Natigagal ako at hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. “Iyon ang gusto kong sabihin sa’yo.” Matapang niya akong binalingan at hindi man lang siya kumurap nang titigan ako. “My body is yours. You can do whatever you want to my body pero hindi ko magagawang mahalin ka”
“Do you mean it?” Huminga siya nang malalim at marahang tumango. “Is it because of your mom?” Umiling siya. “E ano? Dahil ba kay Calixto?”
“What? Anong kinalaman niya rito?”
“Kay Rupert ba?” Hindi siya sumagot at napangisi na lang ako. Umiling-iling pa siya at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. “Then why?!” Hindi ko na napigilang sigawan siya at napahilot na lang ako sa aking sentido.
Alam ko namang mommy niya ang dahilan kung bakit siya ganito. Gusto ko si Ayvee pero hindi ko masabi kung pagmamahal na ba ang nararamdaman ko para sa kaniya. Aminin ko man sa hindi pero siya ang kahinaan ko. Kapag may nangyaring masama sa kaniya kailanman ay hindi ko na kayang patawarin ang sarili ko.
“Hindi kita kayang mahalin dahil mag-asawa lang tayo sa papel. Pero kaya kong ibigay ang katawan ko sa’yo. Iyon naman ang napagkasunduan natin at hindi ang__” Hindi ko na siya pinatapos pa sa kaniyang sasabihin nang sakupin ko ang mga labi niya.
Hinawakan ko siya sa batok at mas lalo ko pang idiniin ang mga labi ko at pinasok ko ang dila ko sa kaniyang bibig at narinig ko ang munti niyang ungol. Dumako ang halik ko sa kaniyang leeg at ipinasok ko ang isang palad ko sa kaniyang blouse. Hinawi ko pa ang suot niyang bra at nilaro-laro ang n*****s niya.
Hindi pa ako nakuntento nang hubarin ko na ang damit niya at mabilis ko namang tinanggal ang bra niya. Salitan kong dinilaan ang magkabilang dibdib niya at pagkuwan ay mariin itong sinipsip na parang isang sanggol na gutom na gutom. Umalis ako sa puwesto ko at umibabaw sa kaniya at ibinaba ko naman ang upuan niya. I lick all over her body and I leave some marks on them. Ibinaba ko ang suot niyang pantalon at kasunod naman noon ang kulay itim niyang panty. Muli ko siyang hinalikan sa mga labi at nilaro ko naman ng aking hintuturo ang kaniyang hiwa. Medyo basa-basa na ito kaya naman pinasok ko na ito sa butas at napahiwalay ang labi niya sa’kin at humigpit ang kapit niya sa aking braso.
Kinalas ko ang sinturon ko at ibinaba lang ito nang bahagya. Tinaas ko ang isang hita niya at pinatong ito sa dashboard at sinimulan kong itutok ang kahabaan ko sa kaniyang butas. Walang buwelo ko itong sinagad hanggang loob at hindi ungol kun’di sigaw ang lumabas sa kaniyang bibig. Binaon ko pa itong maigi at mahigpit ang hawak ko sa kaniyang baywang. Dahil sa masikip dito sa sasakyan ay nagtyaga akong bilisan ang paggalaw ko at binaon ko pa ito ng todo hanggang sa lumakas ang bawat pag-ungol niya.
“Aaah! L-lucas sandali nasasaktan ako!” Hindi ko siya pinakinggan at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong pag-ulos sa kaniyang ibabaw.
Dumapa pa ako at sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang leeg at doon ay para iyong isang masarap na putahe at kinagat-kagat ko pa sa sobrang gigil ko. Naging mabilis ang pagbayo ko sa kaniya at hindi ko ininda ang mga pakiusap niya sa’kin at mas naging agresibo ako ngayon.
Nang maramdaman ko na ang kiliti ay saka lang ako tumigil at hingal na hingal naman ako. Nakasubsob ako sa kaniyang leeg at pumikit. Napadilat lang ako nang marinig ko ang paghikbi niya kaya lumayo ako sa kaniya. Nakatagilid ang ulo niya at mariin pa nitong kinagat ang ibabang labi nito. Hinugot ko na ang sandata ko at umupo sa driver seat. Dinampot ko ang mga damit ko at nagbihis na ako at siya naman ay hindi pa rin gumagalaw sa puwesto niya. Huminga pa ako nang malalim at inabot pa sa kaniya ang mga damit niya at doon lang siya tumayo.
Pagkarating namin sa mansyon ay hindi na gaano malakas ang ulan nauna na akong bumaba at kinuha sa likod ng sasakyan ang itim na payong at inabot ito sa kaniya pagkababa naman niya. Tinalikuran ko na siya at nagtungo na sa loob at hindi ko na siya nilingon pa.
“O anak bakit ngayon ka lang? Nasaan si Ayvee?” Salubong ni mama pagkapasok ko sa loob.
Nilagpasan ko lang siya at muli niya akong tinawag pero hindi ko na siya pinansin. Nang nasa kuwarto na ako ay hinubad ko ang suot kong pang-itaas at hinagis lang ito sa kung saan. Galit ako sa aking sarili dahil nagawa kong saktan si Ayvee.
Kaagad akong nagtungo sa banyo at binuksan ang shower kahit na hindi ko pa nahuhubad ang pantalon ko. Hinayaan ko lang bumagsak ang tubig sa aking katawan at itinukod ko ang isang palad ko sa pader. She doesn’t give me a chance. At kailanman wala na akong pag-asa pa. Kaya ko namang patunayan sa mommy niya na mali ang iniisip niya sa pamilya namin at hindi kami ganoong klase ng tao. But she doesn’t give me a chance to prove that.
Saktong paglabas ko ng banyo ay papasok naman sa loob si Ayvee. Nagkatinginan kami at nahinto ako sa pagpupunas ko ng aking buhok. Umiwas ako s kaniya at kumuha ng damit sa walk-in closet. Hindi ko siya pinansin at dere-deretso lang akong lumabas ng kuwarto.
Ipinagtanong ko naman si mama sa mga kasambahay namin at naroon daw siya sa library. Nagtungo ako roon at hindi na ako kumatok pa at deretsong pumasok sa loob. Hindi siya nagulat at alam na niya siguro na pupuntahan ko siya rito. Nakaupo siya sa kaniyang swivel chair at tinitingnan ang isang litrato. Nakatayo lang ako sa kaniyang harapan at saka niya ibinaba sa lamesa ang picture na hawak niya.
“She’s my college bestfriend, Lucas,” wika niya nang nakayuko. “Nagkahiwalay kami sa ‘di inaasahang pagkakataon. Pero ng muli kaming nagkita ay hindi na katulad ng dati. Naging mailap siya at napangasawa nga niya si Jed. Parati ko siyang inaalok nang tulong pero palagi rin niya akong tinatanggihan. Nakiusap siya sa’kin na huwag ipaalam ang tungkol sa’min. Kaya noong nalaman ko na binebenta ng asawa niya ang bahay nila ay ako na ang bumili noon at sinabi ko ‘yon sa kaniya,” mahabang paliwanag niya at nanginginig ang boses niya habang sinasabi ‘yon.
“Bakit naisipan mong ipakasal ako sa kaniya?” Wala akong narinig na anumang salita sa kaniya at napahawak na lang ako sa aking batok. “Ma, just tell me the truth,” pakiusap ko sa kaniya.
“Gusto kong protektahan mo siya, Lucas. Kahit hindi para kay Ayvee, kahit kay Amalia na lang.” Nagsalubong ang kilay ko sa labis na pagtataka at nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha.
“Ma, anong tinatago mo?” Napapikit siya at naitiklop niya ang kaniyang mga labi. Muli niya akong tiningnan at ang tingin niya ay tila nakikiusap. “Ma! Just tell me what’s going on?!” Nahampas ko ang lamesa niya kaya napapitlag siya sa gulat. Huminga pa ako nang malalim at inilagay ko ang mga kamay ko sa aking baywang. “Kung hindi mo sasabihin puwes ako ang mag-iimbestiga.”
Tinalikuran ko siya at napahinto lang ako sa aking paghakbang nang tawagin niya ‘ko.
“Huwag mo siyang iwan Lucas.” Nakuyom ko ang aking kamao at tuluyan nang lumabas.
Nagtungo ako sa hideout nitong mansyon at naabutan ko roon sina Erick at Julius. Nakatali ang lalaking nahuli kong nagtangka nang masama kina Ayvee at duguan ang mukha. Kumuha ako ng upuan at umupo sa kaniyang harapan.
“Patayin mo na ‘ko,” nanghihinang sabi pa nito.
“At bakit ko gagawin ‘yon? Ireregalo pa kita sa amo mo at malamang sila na ang gagawa no’n sa’yo.” Pagak pa siyang tumawa at dumura ng dugo.
“Bantayan mong maigi ang asawa mo dahil baka isang araw maabutan mo na lang siya na isang malamig na bangkay.”
Nagpantig ang tainga ko at kinuha ko ang metal ring na nakapatong sa lamesa at pinagsusuntok siya. Inawat lang ako ng dalawa at ibinato ko naman ito sa kung saan.
“Sisiguraduhin kong hindi sila makakalapit sa asawa ko dahil kapag nangyari ‘yon ililibing ko sila ng buhay.” Umalis na ako roon at tiningnan ko ang kamao ko na nagkaroon ng kaunting sugat.
Nasa tapat na ako ng kuwarto namin at nakatayo lang ako roon. Ilang minuto pa ay pinihit ko ang seradura at marahang binuksan ang pinto. Nakahiga na si Ayvee at himbing nang natutulog. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa gilid nito. Pinagmamasdan ko siya habang natutulog at dumako ang tingin ko sa kaniyang leeg. Hinawi ko ito at bahagya lang siyang gumalaw. Kita ko ang bakat ng kagat ko sa kaniya at nagkaroon pa ito ng sugat. Napatalikod na lang ako sa kaniya at ang dalawang siko ko ay naitukod ko sa aking mga binti at nakahawak sa aking ulo.
“I’m sorry Ayvee. But, should I kill your stepmother?”