Chapter 8

1249 Words
Mula sa helipad ng mansion ng mga Romanov sa Bacoor, Cavite ay lumipad na ang puting helicopter lulan ang tatlo. Isang Eurocopter EC 155 na nasa hanay ng mga luxurious na sasakyang panghimpapawid na ang cabin space ay kayang mag-accommodate ng walo hanggang sampung katao. Ang sasakyang ito ay nagkakahalaga ng sampung milyong dolyar na ginawa pa sa bansang Russia. Maganda ang makina at mataas ang kalidad magmula sa turnilyong ginamit hanggang sa mga wires. Kung susumahin sa piso, ang halaga ay humigit kumulang na kalahating bilyon. Depende pa sa kung gaano kalaki ang palitan ng dolyar sa merkado. Sa labas pa lamang ay astig na kung tignan. Kulay puti ang malaking parte nito at may kaunting asul na siyang nagbigay ng kaunting detalye sa helicopter lalo na kung nasa malayo-kayong direksyon titignan. Labas pa lamang ay magara na at ano pa sa loob hindi ba? Sa loob ay balot ng leather ang mga upuan na kulay puti rin. Sulit ang halaga dahil komportable itong sakyan. Smooth ang takbo at hindi halos maririnig ang ingay na nililikha ng makina sa kapag nakasakay ka sa loob kaya hindi na kailangang magsuot pa ng kahit anong gear gaya ng earplugs o headset para protektahan ang iyong pandinig at para magkarinigan kayo ng kausap mo kung mag-uusap kayo sa loob. Iyon pa lamang ang unang pagkakataon nasasakyan ni Giovanni ang helicopter na iyon. Isa lamang ang helicopter sa mga bagong mga bagay na binili niya bago siya umuwi sa Pilipinas. Sa buong biyahe ay parehong nakatanaw sina Giovanni at Amir sa mga tanawin na nadadaanan nila. Si Amir ang aliw na aliw. Natutuwa siya sa mga bukirin na kulay luntian dahil panahon ng pagtatanim. Nagpaalala sa kaniya ng kaniyang kinalakihang probinsya kung saan pagtatanim din ang pangunahing kinabubuhay ng kaniyang pamilya roon. Naranasan niya ring magtanim noon ng palay at mais katulong ang kaniyang ama, ina at mga kapatid. Pumanaw na ang mga magulang niya kaya mga kapatid na lamang niya ang nagtatanim sa malaki nilang bukirin at ngayong nakabalik na sila ay nais niya silang bisitahin. May mga nadaanan silang mga ilog at dahil malapit sa dagat ang Zambales, tanaw rin nila ang malawak na karagatan mula sa himpapawid. Karagatan sa kaliwa na asul na asul habang sa kanan naman ay mga kabundukan, bukirin na kulay luntian. Nakarating si sa kanilang destinasyon makalipas ang mahigit apatnapung minuto. Paikot-ikot sila sa bundok na nabili ni Giovanni at nag-air inspection. "May mga bahay pala sa paanan ng bundok na ito," puna ni Amir habang nakatingin sa baba. Nakita rin ni Giovanni iyon. Isang bagay na medyo nagtaka siya dahil iba ang nabasa niya sa mga dokumento at sa mga ibinigay na litrato sa kaniya. Tiwala siya sa kaniyang mga inutusan na nagpunta mismo sa bundok upang bisitahin ito at tignan na rin ang paligid ng nasabing bundok. Now he knows. Kaya pala kinukutuban siya nang makausap niya ang isa niyang staff nang mag-video call sila. Napansin ni Amir na nakakunot ang noo ng kaniyang alaga at ang unti-unti nitong pagngisi. Nakaupo lamang kasi ito sa tapat ng kaniyang kinauupuan. Matapos ngumisi ay ilang beses din itong nagbuntong-hininga senyales na pinakakalma niya ang kaniyang sarili. Ramdam niyang hindi nito nagustuhan ang nakikita. Ganoon pa man din ang mga bagay na ayaw na ayaw niya. Iyon bang niloloko siya. Madaling umiimpis ang pisi niya sa mga taong sinusubukan siyang gulangan. Nagtataka na ang piloto na nasa harapan. Ang usapan ay ilang ikot lang sa bundok at nakailang ikot na sila. Hindi pa siya binibigyan ng order na umalis. Natatakot naman siyang magtanong dahil narinig niya sa kaniyang pinsan na empleyado rin ni Giovanni sa opisina niya sa Europa na siya ring nagrekomenda sa kaniya sa trabahong iyon na istrikto at mabilis magalit ang kaniyang magiging amo. May pupuntahan pa kasi itong meeting before lunch sa isang isla sa Candelaria. Isang isla iyon na kung tawagin nila ay Potipot Island. Sa liit at hugis nito ay parang ipot lang ng malaking ibon. Puti ang buhangin na makikita at malalakaran. Tinatawag ng mga tao na little Boracay ang isla na talaga namang maganda at maipagmamalaki ng lugar dahil isang tunay na tourist attraction. Pagmamay-ari ng isang mataas na opisyal ang islang iyon ngunit bukas sa publiko. Isinara nga lang sa araw na iyon upang maging pribado ang kanilang meeting dahil makakaharap niya ang may-ari at ilan pang mga ospisyal ng probinsya. "Take pictures before we go," utos ni Giovanni kay Amir. Agad niyang inutos sa piloto na muli silang umikot. Nilabas ng butler ang kaniyang dalang mamahaling tablet na kasingnipis lamang halos ng dalawang ipinagpatong na brown envelop at nanguha ng ilang litrato gaya ng utos sa kaniya. Matapos ang isa pang ikot na iyon ay dumiretso na sila sa sunod nilang pupuntahan kung saan kakaharapin niya naman sa isang meeting ang mga nais mangulang sa kaniya. Mula sa ibaba ay pinagmamasdan sila ng mga mamamayan na nakatira sa malapit sa bundok. Pre-parehong nagtataka kung bakit paikot-ikot ang puting helicopter na iyon sa kanilang bundok bago umalis. Naagaw ang atensyon nila dahil sa ingay na nililikha nito at kapansin-pansin din dahil sa taglay nitong kulay. “Hino kaya yati anaman? Nin asay bulan ot main anurin lulan pabalik-balik contamo," di mapigilang mag-usisa ng isang matandang guro na kasalukuyang nagdidilig ng kaniyang mga alagang orchids. Tinanong niya ang kaniyang anak na lalaki na kasalukuyang nagwawalis ng mga tuyong dahon kung sino naman daw kaya ang lulan ng helicopter. Noong isang buwan pa raw kasi may pabalik-balik sa bundok nilang iyon ng mga ganoong uri ng sasakyan. "Alano yarin anay nakahaliw nin bakil tamo," sagot ng anak niya na nahinto sa pagwawalis. Baka iyon na raw ang nakabili ng kanilang bundok. "Putog duman? Haywangko no tsimis bungat nin main anan nakahaliw," sagot naman ng kaniyang ina. Totoo raw ba? Akala niya raw ay tsismis lang ang balita na nasagap niya na may nakabili na nga ng kanilang bundok. "Putog kano! Todas yay baw bali tan taw tanom no yarion layna yarin bakil tamo," may galit sa boses na usal ng kaniyang anak. Totoo daw. Lagot ang mga bahay at mga tanim sa bukid kapag nagkataon. Nakarating na kasi sa kanila na bubungkalin ang bundok upang kunin ang mga mineral na nasa ilalim ng lupa. Marami raw nickel sa kanilang bundok at iyon ang kanilang kukunin. Napailing na lamang ang mag-ina. Pati sila ay lagot din kapag nagkataon. Mataas pa naman din ang bundok at tanaw mula roon sa kanila. Umalis na ang helicopter kani-kanina. Kung saan papunta ay hindi nila alam ngunit isa lang ang dasal ng dalawa. Sana ay hindi na bumalik kung sinuman sila. Walang maaring pag-landing-an sa isla kung saan magaganap ang meeting. Maliit kasi ang lugar at may mga puno ng niyog malapit sa pampang. Binigyan sila ng permisong maglanding sa kampo ng mga sandatahang lakas ng Pilipinas ilang kilometro lang ang layo mula sa isla. Mula roon ay sinundo sila ng isang sasakyan na ipinadala ng mayor ng bayang iyon. Naiwan na ang piloto mula roon. Bago iniwan ng dalawa si William ay binigyan siya ng pero ni Amir. Bahala na siya kung saan n'ya gustong tumambay at mananghalian dahil medyo matatagalan sila sa meeting na kanilang pupuntahan. Hindi na nabura ang kunot sa noo ni Giovanni. Sumakay sila ng speedboat papunta sa maliit na isla at hanggang sa makarating sila ay ganoon pa rin ang kaniyang itsura. Batid ni Amir ang dahilan at tiyak na may mangyayaring hindi kagandahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD