Chapter 7

1423 Words
Pasado ala sais ng umaga nang kumatok si Amir sa silid ni Giovanni. Nadatnan niyang gising na ito. Hindi na siya nakatulog pa matapos matulog nang dumating sila at dahil malayo ang agwat ng oras sa pinanggalingan niyang bansa ay naninibago pa siya sa pagkakaiba. Matapos niyang manghingi ng hapunan ay inasikaso naman niya ang ilang mga dokumento na kailangan niyang aprobahan at pirmahan. Hindi na siya nakatulog pa matapos at nanatiling gising hanggang umaga. Nauuna ng walong oras ang Pilipinas. Ala sais ng umaga sa Pilipinas ngunit sa London ay alas diyes naman ng gabi. Iyon ang araw na kaniyang itinakda upang puntahan ang probinsya ng Zambales kung saan nakabili siya ng malaking parte ng isang bundok na siyang kanilang miminahin sa lalong madaling panahon. Gagamitin ang pribadong chopper na kaniyang pagmamay-ari at ipapamaneho sa isang pilotong kaka-hire niya lamang sa trabaho na si William. Limang taon na raw ito sa kaniyang propesyon at mga private plane ang kaniyang pangunahing mga sasakyang panghimpapawid na pinapalipad. Nakagamit na rin daw siya ng chopper kaya walang dapat ipangamba si Giovanni sa kaniya. Nagbibihis na siya nang katukin siya ni Amir. Pinapasok niya ito. Kasalukuyan siyang nagbubutones ng kaniyang long sleeve polo na kulay asul. Nakakulay abuhin na pants, brown na balat na sapatos at itinerno niya sa kan'yang sinturon. Wala na siyang balak mag-coat pa dahil tiyak na magiging mainit nanaman ang araw. Sapat na ang ganoong ayos sa kaniya. Lalapag sila sa probinsya dahil may meeting siya sa hapon. Pag-uusapan ang bayad niya sa buwis at sa kung paano niya ibibigay sa kanila ang kabuuang halaga ng bundok. Napapangisi na lang siya dahil hindi makapaghintay si Mayor. Mukhang gipit at kailangan ang malaking halaga sa lalong madaling panahon. "Papunta na raw si William," anusyo ni Amir pagpasok niya sa pinto ng silid ng binata. "At what time?" tanong ni Giovanni habang sinisipat ang sarili sa salamin kung presentable na ba ang kaniyang itsura. "In 30 minutes nandito na siya," sagot ng butler. Napagawi sa kaniya ang tingin ng binata at ito ang sunod niyang tanong. "Is that the precise calculation?" seryoso niyang tanong sa butler. Ayaw niya kasing naghihintay kaya gusto niya ay eksakto ang pagkakula ng oras para hindi sayang ang kaniyang oras at para na rin hindi siya umasa na sa ganoong oras nga darating ang inaasahan nila. "In an hour? Or maybe less," pagtatama ni Amir. Inalis na niya ang tingin sa matanda. Tingin din naman niya ay isang oras bago dumating ang piloto nila. Sa traffic sa Maynila, asahan na ang maipit sa trapiko at ma-late sa mga appointment. "Handa na nga pala ang agahan," pag-iiba ni Amir ng usapan. "Okay, bababa na rin ako," wika niya habang inaayos ang sleeve ng kaniyang suot na polo. Bumaba na si Amir para roon na lamang hintahin ang binata sa ibaba. Maging siya ay hindi makatulog nang nagdaang gabi dahil naninibago rin sa oras ngunit dahil may edad na ay hindi naman na niya kailangan pang matulog ng mahaba-haba. Sapat na ang dalawa o tatlo at kung minsan kahit isa lang ay may lakas na siya para sa maghapon. Nauna na siyang nag-agahan kay Giovanni. Nagpagawa lang siya ng sandwich at nagpa-brew ng kape. Iyon naman ang madalas niyang agahan at kahit si Giovanni ay nakikigaya rin minsan ngunit nagpahanda siya ng agahan talaga para sa binata nang umagang iyon. Tipikal na almusal ng pinoy na tiyak na magugustuhan ng kan'yang alaga. Nang nasa Europa kasi sila ay nagtatanong ito ng mga pagkaing pinoy kaya naman nagpabili siya ng kung ano-anong pagkain na hinahanap nito sa London na hirap silang maghanap ng mabibilhan. Mayroon naman silang nakukuha ngunit iba ang lasa. Ilan sa mga hanap niya ay mga frozen foods ng isang sikat na brand sa Pilipinas. Hilig ng ina niya ang mga iyon noon dahil madaling iluto sa agahan. Naging hilig niya rin noong siya bata. Nagpaluto rin siya ng Sunnyside up, naroon ang skinless chicken longganisa, tocino at ang ang sinangag na gusto-gusto niya. Iyong walang lahok na bawang o sibuyas. Basta lang kanin na may kaunti lang mantika at sinangag sa kawali. Iyon amoy ang natostang kanin at may crunch kapag kinakain. Iyan ang hilig niya na ilan lang ang nakakaalam. Sino ba ang mag-aakala na ang isang bilyonaryong gaya niya ay kumakain ng mga ganoon? Wala siguro ngunit iyan ang totoo. Laki sa hirap kasi ang kaniyang ina na siyang nag-impluwensya sa kaniya ng mga pagkaing lokal. Ina na niyang napakamasiyahin at punong-puno ng enerhiya araw-araw bago siya nagkasakit at nawala. Naalala ni Amir sa bawat sulok ng bahay kakulitan ng ginang. Ang malambing nitong boses at halakhak na kahit sino ay madadala. Kaya nang mamatay ang ginang ay nakulob sa kadiliman ang buong mansion ng Romanov at ngayong nakabalik na sila ay ganoon pa rin ang pakiramdam. Parang may ulap na madilim at napakababa. Nasa buong paligid ng mansion na nabibigay ng kaunting kabigatan sa pakiramdam. Madalas niya nga dinadalangin na sana ang mapangasawa ng kaniyang alaga ay ganoon din sa ginang nang maalis na ang mga ulap na naroon sa mansion at mapalitan ng saya. Kaya lang nasa edad tatlumpu't apat na sa Giovanni at mailap pa sa mga babae. Hindi na siya aasaha ngunit huwag lang sanang tumanda itong binata at maging mag-isa habang buhay. Bumaba na si Giovanni. Nakaayos na ang buhok nito na kanina nang umakyat siya ay gulo-gulo pa. Naka-brushed up nanaman gaya nang lagi nitong ayos at nangingintab dahil sa nilagay niyang wax. Bago ito nag-umpisang kumain ay tinitigan niya muna ang mga nakahain ilang segundo. Pansin ni Amir na sinisinghot niya ang amoy ng pagkain bago ito nagsandok ng sinangag. Tinusok niya ng tinidor ang isang skinless chicken longganisa at diretsong isinubo at kinagatan. Habang ngumunguya ay nakatingin siya kay Amir at medyo napapapikit dahil nanunuot ang lasa. Tama ang timpla na kaniyang hinahanap matagal na at sumasabog sa loob ng kaniyang bibig bawat nguya ang flavor na halatang kinalkula nang mahusay ang bawat sangkap upang mapalabas ang ganoong lasa. Silang dalawa lamang ang nasa komedor nang sandaling iyon. Ayaw kasi ng binata na may mga taong nakamasid kapag kumakain siya. Si Amir lang ang nais niyang naroon na ayaw naman siyang sabayan sa pagkain. Sunod-sunod na ang subo ni Giovanni. Halos ayaw na niyang tigilan. Lihim namang natutuwa si Amir sa nakikita dahil magana ito. "Not going to join me?" patanong na yaya ni Gio sa matandang butler ngunit gaya nang madalas humindi nanaman ito. Gusto niya kasing manatiling professional sa kaniyang trabaho kaya kahit na napakalapit nila nang sobra sa isa't-isa ay ayaw niyang umalis sa pagiging loyal butler ng nag-iisang Romanov. Nakakain, nakapagpahinga na rin at sipilyo si Gio ngunit wala pa ang kanilang piloto. Wala pa namang isang oras. Trenta minuto pa lamang halos ang nagdaan. 7:15 ito dumating. Late na iyon sa binata at ayaw na ayaw niya pa man din sa mga taong late kung dumating. Nasa sala sila at naghihintay. Nakaupo si Gio sa isang pang-isahang upuan habang nakatayo naman sa kaniyang tabi ang matandang butler. Tanaw nila ang kasambahay at ang lalaking naka-pilot uniform na naglalakad palapit. Nilingon ni Gio ang matanda. Napansin iyon ni Amir kaya agad siyang nagsalita. "Yeah, I know pero wala pa namang isang oras mula nang sabihin kong isang oras," pagrarason niya habang sinisipat ang rolex na relo na suot. Regalo ni Giovanni iyon sa kaniya noong 50th birthday niya. Taun-taon naman ay mayroon, huwag niyo na usisain dahil baka malula lang kayo. "Are you kidding me?" taas ang kilay na tanong nito sa butler habang nakalingon pa rin dito. "No, but it's true. I told you one hour remember? He still have five minutes remaining to be late," natatawang pagtatanggol ng butler sa pilotong muntik ng talagang ma-late sa unang araw nito sa trabaho. "Don't use that on me, please," awat niya sa matanda na medyo naiirita na. "I'm just kidding," mabilis niyang bawi. Pikon kasi talaga. Mabilis mapikon at mairita sa maliliit na bagay. Nangako si Amir na pagsasabi ang piloto kaya nanahimik na rin si Gio. Tiwala naman siyang gagawin niya ang sinabi. Tumayo na siya at naglakad palabas. Sinalubong na nila ang piloto. "Good morning, sir!" magalang nitong bati. Sinabayan ng pagyuko upang itago ang hiya at pagkailang. Iyon pa lamang kasi ang unang pagkakataong nakaharap niya ang kaniyang bagong amo at sa ang awrang dala ni Giovanni ay nakakapangliit kumpara ng kaniya. Sumunod na siya at naglakad sila hanggang sa helipad. Naroon na ang makintab na helicopter. Sumakay na silang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD