Chapter 3

1765 Words
Isang pribadong eroplano mula pa sa Europa ang lumapag sa paliparan ng Manila International Airport bandang alas nuebe ng umaga. Isang malaking balita sa mundo ng business world. Nakarating sa kanila ang nalalapit na pagsasara ng halos lahat ng naiwan at natirirang mga minahan ng yumaong si Alejandro, ama ni Giovanni na nasa iba't-ibang mga bansa. Marami ang nagulat nang maisipan nitong tumalon sa ibang negosyo ngunit hindi naman nalalayo sa dati nito na mga minahan. Hindi na nga lang mga mamahaling bato ang kaniyang hanap kundi mineral na ginagawang bakal at sa Pilipinas pa nito napiling magbungkal. Hindi nakarating sa mga negosyante ang personal na dahilan ni Giovanni kung bakit sa Pilipinas. He doesn't want them to know he has soft spot when it comes to family topic. Ginawa niya iyon dahil pinakiusapan din sa kaniya ng kaniyang butihing butler na tulungan ang kanilang mga empleyadong matatanggalan ng trabaho and even it's too risky for him because everytime he thinks about a young child away from his father, he suddenly feel a aching in his heart at ayaw na ayaw niya ng ganoong pakiramdam dahil minsan na rin siyang nanggaling roon. Sa paghinto ng eroplano at pagbukas ng pinto, mukha agad ni Giovanni ang tumambad. Nakasuot ng pares ng mamahaling suit na nagmula pa sa pinakasikat na brand ng luxury suits sa buong mundo. Pinarisan niya ito ng kaniyang paboritong itim na leather shoes na may kakaibang disensyo na kaniyang pinasadyang ipinagawa. Halos makapagsasalamin ang sinuman sa kintab ng kaniyang suot na iyon. Pababa pa lamang ang hagdan kaya hindi pa siya nakababa at habang naghihintay ay sinipat niya muna ang kaniyang suot na gold-plated na relo upang tignan kung ano na bang oras. Nang magpalit na ang ilaw na nasa kaniyang ulunan mula sa pula papuntang berde ay saka lang siya tuluyang humakbang palabas. Malakas na hangin ang sa kaniya ay agad na humampas. Damang-dama niya sa kaniyang balat ang init ng sikat ng araw kahit ganoon kaaga. Ginulo ng malakas na hangin ang kaniyang naka-brush up na itim na itim na buhok na bahagya niyang ikinairita. Hinawi niya ito't inayos bago bumaba. Every steps and movements of his body shows great power. Kilala siya ng marami bilang isang bilyonaryong bachelor na mahirap kalabanin pagdating sa larangan ng pagnenegosyo. He already tasted defeat as a young businessman when his father died. They fooled him by using his emotions and situation para makuha ang kanilang nais sa kaniya. Pangayayaring hindi na niya hahayaang mangyari pa. Pinag-aralan niya nang husto ang mga istratihiya pagdating sa negosyo. Hanggang sinarili na niya ang lahat ng kanilang namimina na mamahaling bato at pinalago nang husto ang jewelry business ng kan'yang ama na hindi naman nito natutukan noong siya'y buhay pa dahil mas nasa tuon ang atensyon niya sa kaniyang minahan. Binulsa ni Giovanni ang dalawa niyang kamay sa habang pababa. Hindi man lamang nito tinitignan ang kaniyang hinahakbangan na para bang alam na alam ang kaniyang aapakan.Nasisilaw ang mga mata sa matinding sikat ng araw. Ang mata niyang may kakaibang kulay na hazel kung kanilang tawagin. Matabang na kulay berde at may nagkalat na dilaw sa bandang gitna. Maraming nagagandahan sa kan'yang mata ngunit marami rin ang hindi naglalakas-loob na siya'y titigan ng diretso lalo na ang kaniyang mga empleyadong takot mawalan bigla ng trabaho. Nakatatakot rin kasi kung tumingin ang binata. Madalas nakakunot ang noo nito, seryoso at ni minsan ay wala pang nakakikitang mga empleyado niya na ngumiti ang bilyonaryo. Kung mayroon mang nakakagawang hindi siya katakutan, iyon ay ang kaniyang animnapu't walong taong gulang na butler lamang. Butler ngunit sa kaniya ay higit pa sa butler si Amir. Higit pa rin sa kaibigan na kaniyang ginagalang at hinahayaan niyang magpasermon sa matanda at nakikinig kung siya ay kaniyang papayuhan. Dahil nasisilaw, bahagyang siningkit ni Giovanni ang kaniyang mga mata. Kunot ang noo gaya nang madalas niyang ekspresyon at kung paano nila siya nakikita. Nakasunod lang si Amir dala ang di kalakihang suitcase na may laman lamang na laptop at ilang mga importanteng dokumento. Tinanong niya ang binata kung saan ba niya gustong dumiretso. "I want to go home and rest for some time. I'm so exhausted. Just tell William we need him tomorrow early," kaniya namang tugon at bahagya pang humawak sa kaniyang batok na nangalay. Tinutukoy niya ang pilotong inirekomenda sa kaniya ng isa sa kaniyang mga empleyado na pinsan daw nito. Mahaba ang biyahe ngunit hindi siya nakakuha ng sapat na tulog. Pati batok niya ay sumakit at gusto niyang mahiga upang maunat ang likod nang husto. Hindi rin kasi siya komportableng matulog sa umaandar na eroplano. "Okay, sasabihin ko na lang sa driver," anang butler at hindi na nagtanong pagkatapos. Kitang-kiya sa mukha ng matanda ang mga taong nagdaan. Maliit pa si Giovanni nang umalis sila sa Pilipinas. Natutuwa ang puso niya nang mga oras na iyon dahil nakabalik na sila at muling nakatatapak sa lupang kaniyang sinilangan. Hindi niya nga lang alam kung pati ang alaga niyang si Giovanni ay natutuwa rin gaya niya sapagkat ang binata ay napakaraming mga di magagandang alaalang naiwan sa bansa. Sa pagbaba nila, isang itim namang limousine ang huminto sa kanilang harapan. Isang lalaki ang patakbong bumaba mula sa harapan at pinagbuksan sila ng pinto sa pinakalikuran. Inalis na ni Gio ang kamay sa kaniyang bulsa at pumasok na. Naupo sa sulok. Sunod namang pumasok si Amir na naupo sa tapat ng inupuan ng binata. Maingat na sinara ng lalaki sa labas ang pinto at muli itong tumakbo upang salubungin ng isang lalaking pababa ng eroplano na may dalang mga maleta. Mga bagahe nina Gio at Amir. Kaunti lang ang dalang damit ni Gio at hindi halos napuno ang maleta niya dahil may mga bagong pares ng suit ang kaniyang binili at ipadadala na lamang sa kaniyang mansion. Ang maleta ni Amir ang punong-puno. Kung ano-ano ang isinaksak niya sa loob kahalo ng mga damit niya. Kung ano-anong bagay na binili niya at balak ibigay sa kaniyang mga kamag-anakan. Nang maipasok na ng lalaki ang mga maleta sa compartment ay sumakay na siyang muli. Pinindot ni Amir ang isang buton sa kaniyang tabi at sinabi sa drayber na sa mansion sila didiretso. Umabante na ang limousine matapos makuha ang utos na iyon. Umayos na ng pagkakaupo si Gio, sinandal ang kaniyang likod at naghanap ng komportableng posisyon. Bahagya niya pang inihiga ang sinasandalan at nang makuha ang nais na baba, ang buton ay kaniya nang pinakawalan. Sinubukan niyang umidlip ngunit hindi niya makuhang makatulog. Init na init siya sa suot niya at pinagpapawisan na rin kahit malakas naman ang aircon sa loob. Nasa kalagitnaan sila ng biyahe nang muli siyang dumilat. Hinubad ang suot na coat at basta na lamang nilapag sa tabi, binuksan ang ilang mga butones ng kaniyang suot na longsleeve polo na kulay maroon at saka sumandal muli. Nagtatakang pinasadahan siya ng tingin ng matandang butler. "Ayos ka lang ba Gio?" di na niya napigil na mag-usisa. "Yes, I'm fine," pagsisinungaling nito. Init na init pa rin siya kahit halos maghubad na. Ang aircon naman ang napagdiskitahan niyang sunod. Sinagad ang lakas at itinutok sa kaniyang direksyon. "D***! I can't believe it's going to be this hot in here," naiiritang usal ni Giovanni at muling sumandal. "Nagtaka ka pa, Pilipinas ito. Anong bago sa init?" sagot ng kaniyang butler na hindi alam kung matatawa na lang sa alaga niyang Nagrereklamo sa mainit na panahon. Gusto yatang maglublob sa yelo. Palibhasa sanay na ang katawan sa malamig na panahon. Mainit din naman kapag summer season na roon parang hindi niya alam, kinakabahan lang ang kaniyang alaga kaya ganoon na lang kung pagpawisan. Marunong itong magtagalog ngunit sanay na Inglis ang ginagamit niya sa araw-araw. Hindi naman siya ginaya ni Amir at panay pa rin ang pagsasalita sa Filipino dahil ayaw niyang malimutan ng alaga niya ang lenguwahe ng kaniyang ina. "Yeah, like we're back in hell," halos pabulong lang na sabi ng binata. "This is heaven for me. Masaya akong makabalik muli at mabisita ang mga kapatid ko't pamangkin. May dala akong mga pasalubong, ipapadala ko na lamang sa kanila kung hindi ako makakauwi agad sa probinsya namin," may galak na saad ni Amir. Malinaw na narinig ng binata ang balak ng matanda. Bigla siyang nakadama ng inggit. Siya kasi ay wala namang kamag-anak na malalapit sa kaniya. May mga pinsan siya ngunit hindi naman sila magkakasundo noon pa. Wala siyang puwedeng bisitahin bukod sa puntod ng kaniyang ina na balak niyang puntahan matapos makapagpahinga. Hindi naman kalayuan kung saan ito nakalibing at kahit gabi kung kaniyang nanaisin ay maari niya itong puntahan mag-isa. "I'm happy for you," usal ni Gio at sa pagkakataong iyon, ang matanda naman ang nalungkot para sa kaniyang alaga. Nabakas niya ang lungkot sa boses nito. Awtomatikong nabura ang ngiti sa mga labi niya dahil doon. Nilingon niya ito at nakitang nakapikit na ito at mukhang nabawasan na ang nararamdaman init dahil tutok na tutok na at nakasagad pa ang aircon sa mukha at itaas na katawan niya. Nakaidlip siya sandali. Naalimpungatan kaya nagising. Sa kaniyang pagdilat ay nakita niya ang napakaraming mga sasakyang nakapalibot sa kanila. Hindi rin umuusad ang mga ito. Naipit na sila sa traffic. Ilang minuto na silang naroon bago nagising si Giovanni. Tinignan niya ang oras sa kaniyang suot na relo at tinanong sa kaniyang butler kung nasaan na sila. Tumaas ang dugo niya agad nang malaman kung nasaan na sila na dapat ay malapit na sana sila sa kanilang destinasyon. May diin na pinindot ni Giovanni ang isang buton sa kaniyang tabi at mula roon ay kinausap niya ang nagmamaneho. Sinabihan ito na maghanap ng ibang ruta at kung hindi ay kakaltasan niya ito ng suweldo kada minutong nasasayang sa oras nila. Matatas pang magtagalog si Giovanni kahit ilang taon siya sa Europa. Kaya iyon ang ginamit niyang lengguwahe upang maintindihan nang malinaw ng driver na nasa harapan nila. Dali-dali naman nitong sinunod sa takot na mabawasan ang sasahurin. Panay ang busina ng nasa likuran sa harapan nila. Naghanap ng puwedeng magamit na ruta upang makaalis sa traffic na iyon. Tumagal pa ng ilang minuto bago sila nakaalis dahil may mga motoristang ayaw magbigay ng espasyo upang makalabas ang mahabang sasakyan nila..Bawat minutong dumaan ay labis ang kabang nararamdaman ng pobreng driver dahil natakot sa sinabi ng binata. Halos kalahating oras ang nasayang nila sa traffic, bagay na kinainis ng binata. Pagbaba sa sasakyan ay dumiretso siya agad sa kaniyang silid at sinabi kay Amir na ayaw niyang magpaistorbo ngunit imbes na sa kaniyang silid, sa kuwarto ng magulang niya siya nagpunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD