Chapter 4

1714 Words
Plano sanang matulog ni Giovanni sa kaniyang silid pagdating nila ngunit sa ibang silid siya napunta. Nang madaanan niya ang dating kwarto ng kaniyang mga magulang ay para bang tinawag siya ng kung sino upang pumasok sa loob. Sarado ang pinto ngunit sinubukan niya buksan ang siradura at nagkataon naman na naiwang bukas iyon dahil nilinisan ng mga kasambahay nang nakaraang araw. Umingit ang pinto sa kaniyang pagtulak at nang masilip ang loob, nakaramdam siya bigla ng pagbigat ng kaniyang dibdib sa kaniya pa lamang pagsilip. Napansin niyang walang nagbago sa loob. Ganoon pa rin ang itsura kung ano ang nasa kaniyang alaala. Maging ang mga gamit sa ibaba na nadaanan niya. Naroon pa rin ang mga furniture nila na gawa sa Sandalwood at pinagmamalaking sofa set ng kaniyang ama noon na gawa sa African Blackwood. Buong akala niya noon ay pinakialaman na nila lalo na ng madrasta na may pagkaloka-loka. Gusto ring angkinin ang mansion na pagmamay-ari at regalo ng Don noon sa kaniyang asawa. Halos magdadalawampu’t apat na taon din siya sa Europa at ang makitang muli ang silid sa ganoong ayos ay bahagyang nagpabilib sa kaniya. Mula sa kama, ang kahoy na aparador, ang malaking salamin na paborito ng kaniyang ina, lahat ng kagamitan ay kompleto pa rin at wala ni isa man ang ginalaw o nawala. Puno pa rin ng mga kagamitan, but he felt the room empty. Gaya na lamang kung paano niya ilarawan ang kaniyang sarili, an empty vessel mula nang mamatay ang kaniyang ina at nang iwan siya ng kaniyang ama at pumanaw ito ay isa na lamang siyang wasak na lalagyan. Panandaliang umingay ang buhay niya dahil sa masdrastang iniwan nito na walang ginawa kundi mag-ingay sa tuwing pupuntahan siya noon at mangulit sa mana nila. Nakawiwindang ang ingay ng bunganga. Lalo na nang mga panahong iyon ay gusto niya lang ng katahimikan at mapag-isa habang nagluluksa. Tumahimik lang ang buhay niya nang umalis siya at ang pagbalik muli sa bansa ay hindi niya sigurado kung babalikan din siya nito. Mula kasi nang makuha nito ang namana niya sa Don ay namalagi na sa Pilipinas ang mag-ina at wala na siyang balita sa kanila. Wala naman talaga siyang planong bumalik pa. Kung hindi lang nakiusap si Amir at kinalabit ang puso niya ay hindi na sana siya muli pang aapak sa Pilipinas. Dalawampu’t apat na taon, matagal nang panahon para maghilom ngunit kailanman ay hindi makalilimutan ni Giovanni. Hindi niya kailanman kakalimutan ang kaniyang mapagmahal at mabait na ina. Walang araw na hindi niya hinihiling na sana ay muling silang magkita. Mayakap itong muli, mahalikan sa pisngi at marinig ang malamig nitong boses sa tuwing kakantahan siya. May mga bagay na alam niyang ang ina niya lang ang nakapagparamdam sa kaniya at kahit saan niya hanapin ay hindi niya makita. He has everything, but there are pieces of him missing. Bukod sa empty, broken at missing na hindi alam ng marami. Inikot ni Giovanni saglit ang silid. Bawat sulok ay may mga naalala siya. Ang kamang naroon kung saan ilang buwan ding nakaratay ang kaniyang ina. Ang bintana kung saan madalas itong nakatanaw nang malayo sa tuwing madadatnan niya. May mga boses siyang naririnig mula sa likod ng kaniyang tainga. Ang halakhak ng kaniyang ina at ama sa tuwing may ginagawa siyang katuwa-tuwa at mistulang nakikita niya rin ang masasayang mukha nila noong mga panahong pinapanood nila siya. Masasayang alaala na nasundan ng mga sandali kung saan wala siyang ginawa kundi tumangis nang mamatay ang kaniyang ina. Pilit niyang winaglit iyon sa isip upang maalis ang kirot na bigla na lamang niyang naramdaman sa tapat ng kaniyang puso. Nakita niya ang isang frame kung saan may litrato ng tatlong tao. Siya, at ang ama't ina niya. Masasaya abg mga mukha, pare-parehong nakangiti. Tatlong taon pa lamang siya sa litratong at kaarawan niya pa iyon. Binaba niya na niya kung saan niya kinuha. Dinampot niyang sunod ang litrato ng kaniyang ama't ina noong kasal ng dalawa. Hinaplos niya ang salamin ng frame sa tapat ng mukha mismo ng dalawa. "I miss you both," usal ng binata. Naupo siya sa kama at doon tinignan maigi ang litrato. Mula sa labas ay nakamasid ang butler niya. Sinisilip ang binata mula roon dahil galing siya sa silid nito ngunit wala siya roon. Ibibigay lamang niya sana ang maleta nito. Mabuti na lang at naisip niya sa kabilang hagdan dumaan. Nakita niyang bukas ang silid ng mga namayapa niyang mga amo at doon din niya nakita si Giovanni. Hindi niya mapigilang maawa sa kaniyang alaga. Tumanda lang ito ngunit ang puso nito ay nanatiling bata. Ibang katauhan ang inihaharap sa mga tao ngunit kapag mag-isa na ay daig pa nito ang isang musmos na takot at nakakulong sa isang maliit na kahon at hirap kumawala dahil sa pagkakagapos. Saksi siya sa paglaki nito. Mula nang isilang, ang una nitong pag-iyak. pagtawa at paghakbang. Kung tutuusin nga ay mas madalas pa silang magkasama kumpara sa Don. Hindi na niya inistorbo ito at iniwan na roon. Sa kabilang hagdan na siya bumalik upang hindi siya nito makita. Naisip ni Amir na bumaba na at kausapin muna ang mga kasambahay at iba pang tauhan na pinadala ng agency ng kaniyang kakilala. Wala na ang mga dati nilang mga tauhan at kasambahay, nagsialisan na dahil hindi kaya ang kasungitan ng kanilang amo. Kaunting kibot nagagalit kaya ang mga isinama sa Europa noon ay nagpasya ring umuwi kahit hindi pa tapos ang kontrata nila. Pagod siya at gusto na niyang magpahinga ngunit mas mainam nang alam nila ang mga ayaw ng kanilang amo upang hindi sila maalisan ng trabaho agad kung sakali mang may magawa silang di nito gusto. Pumunta siya sa kusina at pinatawag ang lahat. Ang driver ng limousine ay agad lumapit sa kaniya upang humingi ng paumanhin. Natakot na baka bawasan talaga ang sahod niya ngunit nang sabihin ni Amir na hindi naman niya gagawin dahil siya naman ang maghahawak ng payroll nila ay roon lang ito nakahinga nang maluwag. Lahat sila ay tahimik na nakinig. Inisa-isa ni Gregory ang mga dapat at hindi nila dapat gawin lalo na kung ang kanilang among masungit ay nasa paligid. Ayaw na ayaw kasi ni Gio ng maingay. Ayaw niya ng mga madaldal. Madali siyang mainis sa mga taong walang ginawa kundi ibuka ang bunganga at mas ayaw na ayaw niya na pinag-uusapan siya. Sinabihan niya sila na huwag magpapatugtog ng malakas o kung nasa bulsa nila ang kanilang cellphone ay i-silent mode na lang at i-on ang vibration. Sa paglilinis naman, dapat siguruhin nilang malinis lagi at walang makikita ang amo nila na alikabok. Laging magbulsa ng pamunas at punasan agad ang makitang dumi sa paligid. Inulit din ni Amir na sabihin sa kanila na kapag naglilinis sila ay huwag nilang baguhin ang mga ayos ng mga kasangkapan. Hindi na niya sinabi ang dahilan sa kanila kung bakit ayaw ni Giovanni iyon. Wala rin namang nag-usisa. Binigyan niya ng trabaho ang bawat isa. Nag-assign ng mga duty at lugar na kanilang imementina. Para hindi rin magulo at magtulakan ang mga ito sa mga trabaho. Lima kasi ang katulong, bukod pa ang dalawang tagaluto, tatlong boy na all-around ang trabaho, dalawang hardinero at dalawang driver. Wala namang nagreklamo sa sa kanila. Nangako ang mga ito na pagbubutihin ang trabaho. Bago niya sila iwan ay nag-utos siya na magluto ng masarap para sa kanilang amo. Maghanda rin ng dessert at mas mainam kung macaroni salad at ilagay sa freezer at hayaang magyelo. Iyon kasi ang hilig ni Giovanni kahit nang nasa Europa siya. Kahit pa malamig ang panahon ay iyon ang kinakain niya. Tumalima na ang lahat at nagkaniya-kaniya na sila ng kilos habang si Amir ay naisip balikan ang binata sa silid kung saan niya nakita ito. Nakita niyang nakahiga sa kama ang binata at mahimbing na itong natutulog katabi ang picture frame ng kaniyang mga magulang. Pumasok siya sa loob. Baka kasi madaganan ang picture frame at mabasag. Masugat pa ito kapag nagkataon. Inalis na niya roon at binalik sa dapat nitong kalagyan. Pawisan na si Giovanni dahil sa init ngunit mukhang hindi nito alintana dahil sa pagod. Binuksan ni Amir ang aircon sa loob at sinara ang lahat ng mga bintana. Lumabas na siya matapos at sinara ang pinto upang hindi maistorbo ang kaniyang pagtulog. NAGISING si Giovanni hapon na. Madilim na sa loob ng silid kahit bandang alas tres pa lamang. Nakasara kasi ang mga bintana at nakababa ang mga makakapal kurtina sa silid. Tinignan niya ang oras sa suot niyang relo. Nagliliwanag ang mga numero at kamay ng relo kaya naman kita niya ang oras mula roon. Alas tres kinse pa lamang. Nakaramdam siya ng gutom kaya naisipan na niyang bumangon at hanapin ang kaniyang butler. Isang kasambahay ang kaniyang nasalubong. "Nasaan si Amir?" tanong niya sa babae na kinagulat nito nang husto. Natakot sa malaki niyang boses at mukhang napakaseryoso. "Na-sa labas po, sir" nautal nitong sagot. "Call him," utos niya rito at binabaan ang boses dahil napansin niyang namutla ang kaniyang napagtanungan. "O-opo, sir," dali-daling sagot ng babae at agad kumilos. Umalis na rin si Giovanni at sa silid na niyang talaga ito pumanhik. Pagpasok sa loob at matapat sa malaking salami ay roon lang niya nakita ang kaniyang itsura. Bukas ang halos lahat ng mga butones ng suot niyang long sleeve polo. Dalawa na lang ang naiwang nakakabit. Magulo ang buhok at mapula ang parehong mga mata. Halatang kagigising lang ngunit kaniyang pagiging magandang lalaki ay kitang-kita. Tuluyan na niyang hinubad ang kaniyang suot. Inalis na rin ang situron at relong suot. Ipinatong niya muna sa ibabaw ng bed side table pareho at saka inalis ang suot sapatos, medyas at ang pantalon. Pumasok na siya sa banyo at binuksan ang tubig sa shower. Isinahod ang katawan at naginhawahan sa lamig ng tubig na lumalabas mula roon. Tumingala siya at itinapat naman ang mukha. Nakapikit ang mga mata habang bahagyang nakaawang ang mga labi. "Gio? Hinahanap mo raw ako?" katok ni Amir mula sa labas ng pinto ng banyo. Sinara muna si Giovanni ang shower upang sagutin ito. "I want to eat," aniya at muling pinihit ang knob ng shower upang ipagpatuloy na ang paliligo. "Okay, magpapahanda na ako sa baba," pagsunod naman ni Amir at lumabas na ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD