Chapter 5

1641 Words
Third-person’s Point of View Isang mensahe ang natanggap ni Alessia mula sa kanilang coordinator bandang alas tres y medya ng hapon. Araw ng Sabado iyon at araw ng kaniyang pahinga ngunit dahil emergency meeting daw ay kailangan niyang pumunta. Siya pa naman din ang sekretarya kaya dapat ay naroon talaga siya. Ala singko pa naman ang meeting kaya hindi siya gaanong nagmadali sa ginagawa. Kasalukuyan kasi itong naglilinis sa inuupahan niyang apartment na nakagawian na niyang gawin isang beses sa isang linggo. Wala kasi siyang panahon tuwing weekdays dahil busy sa trabaho at sa pagpunta sa kung saan-saang events. Tuwing uuwi naman ay late na kaya, pagod na rin sa maghapon kaya halos pagtulog na lamang ang inuuwi niya. Mag-isa lamang siya roon at sa laki ng apartment na kaniyang lilinisan ay madalas inaabot siya ng ilang oras. Sa sobrang abala, nakaligtaan na niya ang kaniyang lakad. Nang makita ang oras sa bilog na wall clock ay nagulantang siya. Dali-dali tuloy siyang naligo at nag-ayos dahil alas kwatro na at kailangan niya pang bumiyahe ng humigit kumulang treinta minutos at hindi pa kasama ang oras ng paghihintay ng sasakyan. Naligo, nagbihis, nagsuklay at naglagay lamang ng manipis ng lip tint upang hindi naman siya mukha napakaputla. Pantalong maong, simpleng violet na blouse at nagsuot lang ng slippers. Kinuha ang bag at sinigurong naroon ang wallet, susi at ang kaniyang cellphone bago umalis. Tiniyak din niya na sarado ang pinto sa likod at ang kaniyang silid bago nanaog sa unang palapag ng kaniyang apartment. Iniwan na niyang bukas ang ilaw sa sala at sa may gate dahil tiyak niyang gagabihin nanaman siya sa pag-uwi. Naglakad na siya papunta sa kanto upang doon maghintay. Mabuti na lamang at may jeep agad na parating nang saktong dating niya. Puno ang jeep ngunit dahil may kapayatan naman siya ay napagkasya niya ang sarili sa maliit na espasyo anng magsiusog ang mga pasaherong nasa loob upang may naupuan siya. "Salamat po," nakangiti nitong sabi sa mga pasaherong nagbigay ng mauupuan. Masikip ngunit ayos lang dahil maya-maya rin naman ay may mga pasaherong mauunang bumaba at makakaupo rin siya ng maayos. Sa kabilang bayan pa kasi ang bahay na kaniyang pupuntahan. Halos magdadalawang taon na siyang miyembro ng grupo at isang tao mahigit na rin biglang kanilang sekretarya. Earth Warriors kung tawagin environmental movement na pinagtatrabahuhan niya. Niyaya lang siya noon ng kaibigan na sumama sa rally at doon niya nakilala ang grupong ito na labing limang taon na rin mula nang maitatag. Nakatutok sila sa mga environment issues gaya ng mga minahan na sumisira sa kalikasan, sa illegal na pagpuputol ng mga puno, sa mga pabrika na nagkakalat ng polusyon sa hangin at tubig na makasasama sa kalusugan. Aktibo rin sila sa mga rally sa mga lansangan upang iparating sa kinauukulan ang mga problema kapag hindi nila sila binibigyang pansin. Kadalasan kasi, kung sino pa ang mga kinauukulan at nasa mataas na kapangyarihan sila pa ang dahilan ng problema. Sila kasi ang nagbibigay ng permit sa mga negosyong masama ang epekto sa kalikasan ngunit minsan naman ay may mga ilegal din na kahit alam nilang bawal ay sumisige pa rin. Graduate ng Mass Communication si Alessia. Nakapagtapos sa tulong ng kaniyang kuya na isa ring aktibong public servant sa kanilang probinsya sa Zambales. Ngayon nga ay Bise Alkalde na ng bayan ng Sta Cruz ang kaniyang nakatatandang kapatid. Wala na silang mga magulang. Namatay ang kanilang ina limang taong gulang pa lamang si Alessia at tatlong taon pa lamang nakalilipas nang mamatay ang kanilang ama. Isang dayuhan sa bayan ng Sta Cruz ang kanilang ama na isang businessman habang guro naman noon ang ina nila na tubong Sta Cruz. Biyuda na nang makilala ang businessman na Hernandez at may anak na isa na noon ang guro, iyon ay si Kennedy na isa nang teenager noong mga panahong iyon. Kuwarenta na Ginang noon at singkwentay dos na ang businessman. Hindi na nga nila inasahan pang magkaanak ngunit nabiyayaan pa rin at iyon ay si Alessia. Dalawampu't tatlong taon na siya ngayon, ang kapatid niya naman ay nasa trentay singko. May pamilya na at may anak na ring dalawa na parehong babae si Kennedy. Habang si Alessia naman ay single at hindi pa ni minsan nagkaka-boyfriend. Naninirahan siya mag-isa dahil nahihiya siya sa asawa ng kaniyang kapatid kahit mabait naman ito sa kaniya at magkasundo sila. Mas pinili niyang magrenta ng apartment at mabuhay mag-isa dahil ayaw ng kuya niya ang ginagawa niyang pagsama-sama sa mga protesta at mga aktibidad ng grupong sinalihan niya. Masyado raw delikado at isa pang ayaw nito ay madalas siyang umuuwi nang malalim na ang gabi. Minsan na nilang pinag-awayan kaya naman bumukod na lamang siya upang hindi na sila mag-away at para hindi na rin siya makaistorbo sa kanila. Tinulungan siya ng kapatid na makatapos, sa tuition, renta at iba pang gastos noon. Nang umalis siya sa kanila ay hininto na rin ng kuya niya ang pagsuporta't pagbibigay ng allowance niya. Napilitan siyang magtrabaho habang nag-aaral at tinapos ang kurso sa sarili niyang sikap. Na-delay nga lang ang pagtatapos niya. Ang kursong kaya sanang tapusin ng tatlong taon ay natapos niya ng lima at kalahating taon. Nagkabati naman na sila ngunit may mga bagay talaga na hindi nila mapagkasunduan. May balak naman si Alessia na maghanap ng trabaho na konektado sa pinag-aralan niya iyon nga lang, nag-offer ang environmental movement ng trabaho sa kaniya. Hindi naman biro ang sahod kaya tinaggap na niya. Bukod pa rito, nagagawa niyang gawin ang malapit sa kaniyang puso. Dumating siya sa bahay ng kanilang coordinator pasado ala singko na. Labindalawang minuto na siyang late. Bukas ang gate kaya pumasok na siya sa bakuran at nadatnan ang ibang mga miyembro sa na nasa labas pa ng bahay at kaniya-kaniya sila ng kumpulan. “Nandito na pala si Alessia!” anunsiyo ng isang miyembro nang matanaw niyang parating. Palabas ito ng pinto nang siya'y masulyapan. “Good afternoon ma’am Pearl!” bati ni Alessia sa babaeng nakakita sa kaniya at nanatili pa ring nakatayo sa pinto nang makalapit siya. “Wala pa rin naman ang iba, paano tayo magsisimula?” tugon ng lalaking naglalakad palapit sa kanila na nasa loob ng bahay. “Sabagay, pero pwede naman na tayong magsimula at ulitin na lang natin sa kanila ang mga parteng hindi nila naabutan,” pagsang-ayon ng babaeng nasa pintuan. “Tara na pala at magsimula na tayo para maaga silang makauwi,” wika ng lalaki at tinalikuran na silang dalawa. Pinapasok na ni Pearl si Alessia at ang iba pa na nasa labas. Sumama na rin siya sa loob. Marami silang miyembro sa iba’t-ibang parte ng bansa. Mayroon pang nasa abroad at nagpapaabot na lamang ng tulong panagdag sa kanilang pundo at pinagpapasuweldo sa mga tauhan nila gaya ni Alessia. Nagsiupo na ang lahat bukod sa dalawang nanatiling nakatayo sa harapan. Ang kanilang presidente na anak ng founder ng grupo na Pearl, ang babae kanina sa may pintuan at ang coordinator na asawa naman nito. Naghanda sila ng powerpoint upang ipakita ang mga nakalap nilang impormasyon at nag-umpisa na silang dalawa na magpaliwanag. Isang minahan daw ang balak buksan sa kanilang kabundukan. Nagkasundo na raw sa presyo at may permit to operate na rin ito galing sa kapitolyo at sa kanilang munisipyo. Bukod sa kanilang bundok ay may iba pa raw bundok itong binili at ayon sa kanilang source Giovanni Romanov daw ang ngalan ng negosyante. Hindi lang ang bundok sa Sta Cruz ang kaniyang nabili, mayroon pa siyang balak bilhin sa parte ng Sierra Madre. Iyon pa naman din ang bundok na humaharang sa malalakas na bagyo at kapag iyon nawala ay malaking problema. Nakababahala ang maaring maidulot ng minahan sa mga karatig na bayan lalong-lalo na sa mga nakatira sa mismong paanan ng bundok kapag dumating na ang tag-ulan. Isa pang maaaring maapektuhan ay ang mga bukirin na malapit sa bundok na kanilang bubungkalin. Ikinagulat ni Alessia ang balitang iyon dahil Vice Mayor ang kuya niya sa nasabing bayan. Hindi alam ng grupo nila iyon at wala siyang balak na pagsabihan. Higit dalawang oras tumagal ang meeting. Mag-ra-rally daw sila kung sakaling simulan ang minahan at hindi sila papaburan ng munisipyo sa kanilang petisyon. Bubulabugin nila ang Mayor na ayon sa source ay ang mismong nagprisinta ng kanilang bundok sa negosyante upang magamit ang perang napagbentahan sa development ng kanilang bayan. Parang hindi naman alam ng mga tao kung saan talaga mapupunta ang bayad. Pagkatapos ng meeting nilang iyon ay agad niyang tinawagan ang kaniyang nakatatandang kapatid upang alamin mismo sa kaniya kung totoo ba ang balitang iyon. Nakailang ring na ang cellphone ng Bise ngunit hindi naman nito sinasagot. Nang mapagod si Alessia ay huminto na rin siya at nagpasyang umuwi. Muli niyang tinawagan ang kapatid nang makarating na siya sa kaniyang apartment ngunit gaya kanina ay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya na labis niyang ipinagtataka. Samantala, sa bahay ng kan'yang kapatid ay tinitignan lamang ni Kennedy ang screen ng kaniyang cellphone habang tumutunog ito. Ayaw niyang sagutin dahil alam na niya kung anong itatanong ni Alessia sa kaniya. “Sino ‘yan? Bakit ayaw mong sagutin?” tanong ng kaniyang misis na si Trixia nang pumasok ito sa kanilang silid at nang marinig ang nag-ri-ring ng cellphone ng kaniyang asawa. “Si Ali,” sagot niya. “O kapatid mo pala ang tumatawag, bakit hindi sinasagot?” laking pagtataka ng kaniyang misis. Napahilamos na lamang ng mukha si Kennedy sa labis na prustrasyon nang mga oras na iyon. “Nabalitaan na niya siguro,” anito. “Ang alin? Ang minahan ba?” tanong ni Trixia na naguguluhan sa kung ano ba ang tinutukoy ng mister niya. Tumango si Kennedy at natigilan naman ang misis niya roon. “Sabi ko naman sa iyo magiging problema ang pagpirma mo,” usal ni Trixia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD