Kalahating minuto mahigit na silang nagbabyahe ngunit tahimik at walang kaimik-imik kanina pa si Felix. Seryoso lang, nakatingin lang ito sa daan at pasimple-simple lang na nililingon ang kanyang magandang pasahero. Ilang beses rin naman siyang nilingon ni Pretzel, nagtataka kung bakit sobrang tahimik nito. Inisip na lang niya na baka masakit talaga ang lalamunan o kaya naman di maganda ang tulog kaya wala sa mood makipagusap ang madaldal na baklang kaibigan. Pero dahil hindi mapakali si Pretzel sa tahimik na byahe nila ay kinulit niya ito. "Oi bakla bakit ang tahimik mo naman? Masakit ba masyado lalamunan mo?" Nag-aalalang tanong niya habang sinusundot ang braso nito. Kinilabutan naman si Felix sa ginagawa ng dalaga na para bang may kuryente sa dulo ng daliri nito at nakukuryente siya