Alagang-alaga si Felicity ng kanyang ina at hindi ito umalis sa tabi ng anak. Panay sermon din nito dahil natatakot na maulit pa ang nangyari. Panay lang naman siya sagot ng opo at nangakong mag-iingat pa ng husto sa susunod. Gusto niyang sabihin sa ina na si Pretzel ang nagbigay ng juice sa kanya sa pag-aakalang walang halong alak ngunit hindi naman nila akalain na meron. Hindi naman nito kasalanan. Wala rin naman siyang magagawa kung magrereklamo dahil siya lang naman ang nagkaproblema dahil sa ginawa nila at batid niyang katuwaan lamang iyon kaya ipagpapaliban niya na lamang ang nangyari. Laking pasasalamat niya rin dahil naroon ang kanyang kapatid nang mga oras na iyon at sinundan siya, hindi niya pa natanong kung bakit at paano niya nalaman na kailangan niya ng tulong. Naguguluhan