Nagpatuloy ang party at karamihan sa mga naroon ay nakainom na. Masaya naman ang lahat dahil sa muli nilang pagkikita-kita at sinusulit ang mga sandali dahil hindi nila alam kung kailan muling mauulit ang ganoong klaseng pagtitipon na higit limang taon din nilang hinintay. Maingat si Felicity sa mga inumin na nakahain at inahain nila. Napakaraming mga imported wine ngunit hindi niya matikman dahil sa takot. Si Pretzel naman ay panay ang paalala sa kaibigan at bago bigyan ito ng inumin ay tinatanong niya muna sa serbidor kung ano ang halo niyon. Ilang beses binalikan ni Logan si Pretzel upang yayain sumayaw, hindi naman niya tinatanggihan dahil iyon na rin ang nakita nilang paraan ni Felicity kung para makilala ito ng lubusan. Medyo nakainom na ito at namumula na rin bahagya ng pisngi at