Nahihimbing pa sa pagtulog si Felix ngunit may isang istorbong pumasok na lamang bigla sa kanyang silid para mambulahaw. Hindi niya alam kung paano ito nakapasok gayong ni-lock niya ang pinto kagabi bago siya humiga sa kanyang kama. Panay ang pagyugyog nito nang pagkalakas-lakas dahilan para magising ang kanyang diwa. Maganda pa naman sana ang kanyang panaginip ngunit nang magising ay biglang hindi na niya maalala ang nakita. Nakatulog siya ng nakadapa at nakaharap ang ulo sa kanan kaya hindi niya kita kung sino ang lapastangang pumutol ng magandang panaginip niyang iyon. Hanggang sa... "Kuya! We need to talk! Get up faster!" Matinis na sigaw ng pumasok sa silid. Patuloy pa rin sa pagyugyog nito sa katawan niya habang nagsasalita at hawak nito ang magkabilang balikat ng kanyang kaka