Bumalik si Maverick sa opisina niya na medyo lutang ang isip. Bigla siyang nakonsensiya sa sinabi niya kanina sa harapan pa mismo ni Lilith sa kaniyang ama. Aminado siyang nabigla siya sa inanunsyo nito na gagawin niyang Assistant si Lilith. Noon niya pa kasi ayaw ng assistant dahil hindi naman niya kailangan. Napagtanto lamang niyang may nasabi siyang mali nang mapansin niya ang mabilis na paglaho ng ngiti ni Lilith habang nagsasalita ang kaniyang ama. Ilang beses na nga niyang sinabi sa sarili na napakabobo niyang tao. Hindi nag-iisip at dire-diretso ang bunganga. Napakabaliw niya para isipin na janitor ang naglinis sa opisina na takot nga halos pumasok doon dahil baka may hindi raw siya maibalik sa dating ayos sa daming gamit ng binata roon. Kaya maraming gamit ay dahil doon din siy

