Ala singko ng hapon nang pauwiin ni Rowena si Lilith. Tinawagan niya ito bago mag-ala singko at sinabing puwede na siyang umuwi. Nasa meeting daw kasi ang kaniyang mister at si Mav nang mga oras na iyon at huwag na niyang hintayin ang mga ito. Sinunod niya naman ang sinabi ng Ginang. Paglabas niya sa kitchen dala ang isang paper bag na may ensaymada na kaniyang iuuwi. Nakasabay niya ang ibang mga empleyado na palabas na sa building at halos lahat sila ay nakangiting binati siya. Lahat yata sila'y nakatikim ng niluto niya, kung mayroon mang hindi iyon ay hindi pumunta sa pantry nang coffee break. "Bye Miss Lilith, ingat sa pag-uwi!" sigaw ni Karen sa dalaga nang makita n'ya itong pasakay sa kaniyang scooter. Papasok naman sa isang kotse kasama ang ibang mga empleyado para mag-carpool.

