Ito na! Ito na talaga ang pinakaunang araw sa trabaho ni Lilith sa kompanya ng mga Jha. Kagabi pa siya naghalungkat ng isusuot dahil ayaw niya namang magmukhang kaawa-awa. Naghanap siy ng damit na presentable kung tignan at komportable. Naghanap siya sa mga lumang damit na nasa mga kahon. May ilan pa kasi siyang mga bestida roon na magaganda pa. Kaya lang ay puro pantalon na ang nakita niyang talaga at wala ng mga bestida. Naisuot na niya ang isang nakatabi nang araw na iyon at wala ng iba pa. Mga blusa pa iyon na bigay ng Tiyahin. Ang ilan pa nga'y sa Tiyahin niya mismo na ipinasa lamang sa kaniya. Mga blusang galing pa sa Japan at mamahalin. Sinusuot niya ang mga iyon kapag magsisimba sila at karamihan ay mga puting blusa na iba-iba ang mga disenyo't itsura. Matagal na rin na hindi n

