Bago natulog si Simon ng gabing iyon ay nagpadala siya ng text message kay Catherine.
I’m really sorry kanina sa bus. I hope you were not offended. Ang tinutukoy ni Simon ay ang hindi niya napigilang pagbukol ng alaga niya sa ibaba. Hiyang hiya siya kay Catherine dahil napapakuskos ito sa bandang likuran ni Catherine. Pagkababa naman nila ng bus ay hindi na siya nakapagsalita dahil kasama nila sa Grace.
Nang mabasa ni Catherine ang message, gusto niyang matawa. Bakit ba siya nagsu-sorry. Wala naman siyang magagawa kung di niya napigil iyon, e may sarili naman talagang isip iyon, ah. Pero may kalakihan ha, hmm. Pilyang pilya si Catherine sa naiisip niya. Napapangiti pa siya habang naalala ang nakatukod na matigas na bagay sa likuran niya. Alam niya na si Simon iyon at hirap na itong magpigil. Yung mokong na yun, mukhang may HD pa sa akin, ah. Iyon ang naisip bigla ni Catherine na itext kay Simon.
Uy, tol! Wala iyon, hayaan mo na yun. Basta huwag kang mag-HD sa akin ha. Message Sent.
Beep! Tumunog naman ang cellphone ni Simon. Dali dali niya itong kinuha at binasa.
Huh? Ano yung HD? Sagot ni Simon sa text.
Natawa nang mag-isa sa kuwarto si Catherine. Naiiyak na siya sa kakatawa bago nagreply kay Simon.
Ano ka ba naman. HD as in hidden desire.
Napahampas sa sariling noo si Simon pagkabasa sa sagot ni Catherine. Huh? Hidden Desire? Lakas talaga ng dating ng babaeng iyon, oh. Kaya ko siya nagustuhan, eh. Pero paano ko ba sasabihin na tama siya, may hidden desire nga ako sa kaniya? Ahh...mabuti pa huwag ko nang sabihin. Kaibiganin ko na lang muna si Cath.
Ah, don’t worry. Wala naman akong HD sa iyo. (sinundan pa niya ito ng smiley emoji).
NAKALIPAS ANG MGA ARAW, seryosong nag-aral si Catherine. Kung minsan ay niyayaya siya ng tatlong kaibigan niya na tumambay pero tumatanggi siya. Bukod sa takot siya sa bunganga ng mga kuya niya, takot ding bumagsak si Catherine. May pangarap siya sa buhay, at iyon ay ang maging isang matagumpay na guro.
Isang gabi habang naghahapunan sila ay napaghuntahan nila ang anak ng kasosyo ng nanay nila sa palengke.
“Naku, yung anak ni Ester, kilala niyo ba yun?” Bungad ng nanay ni Catherine.
“Sinong Ester po nay?” Tanong ni Alex.
“Si Ester ba, yung kasosyo ko dun sa pwesto ko sa palengke.”
“Ah iyon. O bakit ano po ang nangyari sa anak niya?”
“Ayun! Nagpabuntis!”
“Ho?!” Si Catherine naman ang sumagot na gulat na gulat. E papano, kilala niya yung si Jasmin. Napakatahimik na babae. Mahinhin. Madalas niyang makita na tumutulong iyon sa mama niya kapag walang pasok.
“At kawawa pa dahil hindi naman pakakasalan nung lalaki. Ayun, umalis na din at iniwan na si Jasmin.”
‘Tsk. Kawawa naman.” Sagot ni Catherine.
“Naku e bakit naman magiging kawawa? Ginusto naman niya iyon.” Sabat naman ni Alwyn.
“Oy, ikaw nga Alwyn umayos ka ha.” Saway ng nanay nila dito. “Baka mamaya mambuntis ka din ng nobya at iwanan mo din saka mo sasabihin na ginusto naman niya. Tandaan mo, hindi nabubuo iyon kundi nagustuhan ng isang babae at isang lalaki.”
“Oh, na-high blood naman agad si nanay, kuwentuhan lang naman po ito, nay.” Alo ni Alvin sa nanay nila.
“Basta ako, ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo, huwag na huwag kayong mang-bubuntis lang. Kapag nag-uwi kayo ng babae dito at sasabihin niyo sa akin na buntis, wala nang tanong tanong pa, ipapakasal ko kayo.”
“Nay naman, bata pa po kami. Wala pang handang mag-asawa sa amin.” Sagot ni Alex.
“Puwes, kung ganun ay magsitino kayo ha.”
“Oo naman, nay.” Sumang-ayon na silang lahat.
Nabaling naman ang atensyon ng nanay nila kay Catherine.
“E ikaw ba Catherine, may nobyo ka na ba?”
“Ho? Wala ho nay.”
“E bakit may nakapagsabi sa akin na kapitbahay, may naghatid daw na lalaki sa ‘yo nung kelan lang.”
Biglang naalala ni Catherine si Simon nang umuwi sila galing sa birthday ni Jerry. Pinagpawisan si Catherine at hindi alam ano ang isasagot. Nag-alibi na lang siya.
“Naku kilala po ninyo ang pamilya nila. Pinsan po siya ni Grace kaya parang magkapatid lang din ang turingan namin. Ihinatid lang niya ako kasi nakainom po kami galing sa birthday ng isang ka-batch namin.”
“Siguraduhin mo Cath ha. Kung manliligaw sa iyo yun, kailangang dumaan kamo siya sa amin.” Banta naman ni Alwyn, ang pinakamasungit na kuya.
Kahit naman hindi nanliligaw si Simon sa kaniya ay para siyang nakaramdam ng pangamba para sa buhay nito. Naku mabuti na lang magkaibigan lang kami, kung hindi, naku...kawawa naman iyon sa mga kuya ko.
At dahil usapang pagbubuntis ang topic, biglang naalala ni Catherine ang mga kaibigan niya. Kumusta na kaya sila? Wala pa kayang nabubuntis sa kanila? Hmm... Tatlong buwan na kaming naka-enrol ah. Naku, dalawang buwan na lang, mukhang matatalo ako, ah.
Para namang dininig ng Diyos ang tanong ni Catherine. Biglang may kumatok sa pintuan nila at sabay sabay silang napatingin dito.
“Ako na ang magbubukas.” Tumayo si Alvin.
Ang bumungad sa kaniya ay isang dalaga na pamilyar sa kaniya. Maputla ito at tingin ni Alvin ay umiiyak.
“Ah, miss...pamilyar ka sa kin. Ano’ng kailangan mo?”
“Kaibigan po ako ni Catherine. Andiyan po ba siya?”
“Ano’ng pangalan mo?”
“Melanie po.”
“Halika pasok ka, Melanie.”
Habang papasok sila ay sumisigaw si Alvin.
“Catherine! Hinahanap ka ni Melanie!”
Nagulat si Catherine. Ha? Si Melanie? Bakit kaya? Nakaramdam bigla ng kabog sa dibdib si Catherine. Mabilis siyang tumayo para puntahan si Melanie.
Pagkakita ni Melanie sa kaniya ay agad itong yumakap kay Catherine. Si Alvin ay nakatayo lang sa tabi nila.
“Cath!” Pagyakap ni Melanie dito ay sabay napahagulgol na.
“Oh, bakit? May nangyari bang masama Melanie?” Tanong naman ni Catherine habang hagod hagod sa likod si Melanie.
Nag-angat ng ulo si Melanie bago sumagot. Hilam na hilam na sa luha ang mga mata niya.
“Buntis ako! Buntis ako Cath! Tapos ayaw akong panagutan ng boyfriend ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Catherine. Hindi malaman kung ano ang sasbaihin kay Melanie. Kinabig na lang niya ito at muling niyakap.
“Anong gagawin ko Cath?” Tanong ni Melanie sa pagitan ng mga paghikbi niya.
“Kailangan sabihin mo sa parents mo.”
“Ayoko, ayoko Cath! Gugulpihin nila ako.”
“Ano ka ba naman. May baby ka sa sinapupunan mo...paano ka nila gugulpihin?”
“Maniwala ka Cath, sasaktan nila ako!”
“Sige ganito na lang, antayin mo ako. Magbibihis lang ako. Sasamahan kita sa inyo.”
Wala nang nagawa si Melanie dahil kumalas na agad si Catherine sa pagkakayakap nila at mabilis na tumalikod papunta sa kuwarto niya.
Si Catherine naman, habang nagbibihis sa kuwarto, ay hindi maiwasan na mapangiti.
Hmm...panalo ako sa pustahan. Humanda sa akin yang si Simon. Humanda ka din sa akin Grace, mahal ko.