Third-Person's Point of View
Kinabukasan, nagising si Florentin nang mabigat ang pakiramdam. Naparami siya ng inom at hindi na maalala kung paano siya nakauwi ng kanilang bahay. Kailangan niya pang pumunta sa opisina. Isang inom lang ng gamot at isang tasang black coffee sa kaniya ang hangover na 'yon.
Akmang babangon na sana, ngunit biglang may yumapos sa kaniya mula sa likod. Mabilis ang mga braso nito at nahila sila pabalik sa kama. Nang matumba, mabilis itong pumaibabaw kay Florentin at binigyan ng mapanuksong ngiti.
"Where are you going? It's still early, darling," anito at inilapit ang mukha sa binata. "Give me another round, please," hirit ng babae na nakilala lamang ni Florentin ekslusibong bar kung saan siya naroon nang nagdaang gabi.
Gumapang ang kamay ng babae na nasa dibdib ni Florentin pababa sa kaniyang tiyan na agad namang hinawi ng binata dahil wala siya sa mood upang ito ay pagbigyan.
"N-no, you must leave now. I need to go to work today," pagtanggi ni Florentin. Sinubukan niyang itulak ito ngunit humawak sa kaniyang braso ang babae.
"No, give me one more," ulit nito na parang linta kung makakapit. Pinilit hilahin ni Florentin ang kaniyang braso ngunit nanlalaban ang babae.
Nalilis ang kumot na tanging tabing sa kanilang kahubdan at sa kaniyang pagbubuno, aksidenteng nasagi ng babae ang pribadong parte ng katawan ni Florentin dahilan para mapaungoy siya sa sakit.
"See? I know you like it." Nakangiting saad ng babae na kitang-kita sa mga mata ang paggising ng pagkauhaw sa kaniya.
Napapikit si Florentin at hindi agad nagsalita. Kinuha ng babae ang pagkakataong iyon upang tuksuhin qng binata. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ni Florentin at gamit ang hintuturo ay hinawi nito ang mahahabang pilik ng binata.
Hinayaan lamang siya ni Florentin dahil bahagya pa siyang nag-re-recover mula sa aksidenteng pagtuhod ng babae sa kaniyang ibaba. Nanghihina at wala pang sapat na lakas upang maitulak ito kaya hinayaan niya muna ang babae.
Nag-umpisang naglakbay ang kaniyang mga kamay at sinuri ang buong mukha ni Florentin na tila ba minemomorya ang bawat detalya. Hinipo ang mahahabang pilik, ang matangos nitong ilong baba sa kaniyang manipis at mapulang mga labi.
"I never thought I would see you face this close since I met you," usal ng babae habang nakatitig sa mga labi ni Florentin. "I'm sure you haven't remember that day anymore, but I do—vividly because you ignored me that day," kaniyang pagpapatuloy.
Kumunot ang noo ni Florentin at napadilat ng mga mata. Sa daming mga babaeng nakakasalamuha't nakikita niya, isa lamang si Hadie sa mga babaeng alam niyang nais lang ay makasama siya ng isang gabi.
Bumabalik na ang lakas ni Florentin ngunit nawala na sa isip niya ang itulak ito dahil sa mga narinig kay Hadie. Tinitigan siya si Florentin sa mga mata. Sinubukang alalahanin kung pamilyar ba sa kaniya ang mukha nito ngunit wala siyang maalala na nagkita na sila noon.
Sa isip niya, siguro ay dahil nabura na ang koloreteng nasa mukha nito at natural na ganda na lamang ang kaniyang nakikita. Aminado naman siyang maganda, makinis at kakaiba ang alindog nito, ngunit hindi ito ang klase ng babae na nais niya.
"I'm sorry, but I can't recall," paghingi ni Florentin ng pasens'ya.
Bakas sa mga mata ng babae ang pagkadismaya sa nakuhang sagot nito. Biglang naglaho ang ngiti sa kaniyang mga labi ngunit pinilit niting ngumiting muli.
"Doesn't matter," anang babae. Sinubukan niyang iwaglit iyon sa isip. Nagsimula na siyang kumilos upang makuha ang nais. She spreaded her legs on top of Florentin to trapped him under ngunit bago pa siya makaayos, itinulak na siya ni Florentin.
"N-no, I can't give you what you want right now." Mabilis ang kaniyang kilos. Nakawala siya at mabilis nakalayo kay Hadie.
"Tsk! To many excuses! You're the boss there anyway, they won't mind even you come to the office late," iritableng sigaw ni Hadie sa kaniya na lalo lamang nagpabawas ng interest ng binata dahil iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—isang demanding.
Hindi na sumagot pa si Florentin. Mabilis siyang nagpunta sa walk-in closet upang doon sandaling magtago habang binibigyan ng oras ang babae upang makapagbanyo muna bago umalis at gaya ng kaniyang inaasahan, sa banyo nga ito dumiretso matapos nagpapadyak ng mga paa na parang bata habang pinupulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig.
Iksaktong pagdaan ng ama ni Florentin sa harapan ng silid. Nadinig ni Don Florencio ang mga yabag ng paa ng babae dahil sa bigat ng bawat hakbang nito sa kanilang tablang sahig.
Nasa ikalawang palapag ang silid ni Florentin ng kanitang Spanish inspired na mansion. Kahoy ang sahig ng buong second at first floor na alaga sa floorwax at pinanatili ang kintab niyon.
Sandaling naghintay ang Don sa labas upang palabasin muna ang bisita ng kaniyang anak. Handa na siyang komprontahin ito dahil nag-uwi nanaman ng babae sa kanilang bahay.
"You will regret this, Florentin!" Sigaw ng babae bago umalis. Gigil na gigil sa binata na parang tigreng sasakmalin ang sinumang makasalubong.
Paglabas nito ay siya namang pagpasok ni Florentin sa banyo. Binuksan niya agad ang shower at hinayaan ang maligamgam na tubig na mahugasan ang anumang dumi at naiwang amoy ng babae.
Sa paglabas niya ng banyo, hindi niya inaasahang makikita ang kaniyang ama na masama ang tingin sa kaniya.
"Ano na naman ang pumasok sa utak mo at nag-uwi ka nanaman ng babaeng kung saan mo lang nakilala? Ibang mukha na naman ang nasalubong ko kanina bata ka!" bulyaw agad ng ginoo.
"Itatakwil talaga kita bilang anak, Florentin, hindi ka pa rin nagtitino! Jusmiyo kang bata ka!" hasik pa nito.
Sa lakas ng boses ng Don, naabot niyon ang mga tainga ng kanilang mga usiserang kasambahay kahit pa normal na para sa kanila ang ganoong eksena dahil tunay namang pasaway si Florentin bata pa lamang.
"Itigil mo nga 'yang pakikipaglaro sa kung sino-sinong mga babae. Sa tingin mo ikatutuwa ng ina mo sa pinaggagawa mo sa buhay? Kung buhay pa 'yon ngayon, siguradong padadapain ka sa sahig at hahambalusin ka sa p'wet. Mahiya ka naman sana. Dito pa sa pamamahay ko. Pinag-uusapan ka na ng mga kasambahay araw-araw sa ginagawa mo, Florentin! Hindi na ako magtataka kung isang raw mariring kong may kung anong sakit ka dahil sa ginagawa mong 'yan!" dugtong ng ginoo.
Napabuga na lamang si Florentin ng hangin matapos marinig ang maagang sermon ng kaniyang ama. Nagising na ang lahat ng selyula sa kaniyang buong katawan dahil dito.
Tiyak rin siyang pati mga langgam at surot sa kanilang bahay kung mayroon man ay mabubulabog din sa lakas ng boses nito. Mas lalo lamang sumakit ang kaniyang ulo matindi ang dalang hangover ng Don sa kaniyang sistema kaysa sa alak.
"Let them talk about me, Pa. Ayaw mo 'yon hindi sila ma-bo-bored dahil may pinag-uusapan sila," pamimilosopo ng loko dahilan para lalong umusok ang ilong ng Don sa galit sa anak.
Ilang taon na silang ganoon. Mula kolehiyo ay iba't-ibang mga babae ang kaniyang kasama't ipinakikilala sa ama. Noong una'y ayos pa sa Don dahil ganoon din naman siya noong nagbibinata ngunit ang anak niya'y napakalala pa sa malala.
"Ano ba talagang balak mo sa buhay, Florentin? Kung gan'yan lang din naman ang gagawin mo sa buhay mo, nagtrabaho ka na lang sana sa strip club at nagpaligaya ng kung sino-sinong mga babae. Hindi ako magtataka kung ganoong klaseng trabaho ang bagsak mo kung sakaling itakwil kita't palayasin sa pamamahay ko." May bahid na pananakot mula sa Ginoo ngunit hindi naman takot si Florentin dahil ilang ulit na rin niyang narinig iyon sa ama, hindi naman nito ginagawa.
"Hay naku, Pa... Kapag umalis ako, ma-mi-miss mo lang ako at pauuwiin. Alam kong hindi mo naman ako matitiis," saad ng binata at natigilan ang Don bigla dahil bahagyang naluha ang kaniyang mata sa narinig.
"Walang-hiya. . . ang hirap ng mababaw ang luha," bulong nito at nagbaling sa ibang direksyon upang hindi makita ng anak iyon.
"Ewan ko sa'yo! Magtino ka na nang hindi ko gawin," banta nito nang makahinga na nang malalim.
"Mabuti pa mag-asawa ka na, isang buwan na lang, Florentin, kwarenta ka na. Isipin mo sana na tumatanda ka na at kailangan mo ng asawang mag-aalaga sa'yo. Kailangan din natin ng magmamana ng mga negosyo natin. Gumawa ka ng maraming supling nang sa ganoon hindi mahirapan ang isa lang sa pag-handle ng lahat ng mayroon tayo," dire-diretso nitong sabi ng Don.
"Kailan ba birthday ko?" bigla niyang tanong ng loko. Napakunot ang noo ng Don nang mapatingin sa anak at napansin ni Florentin ang maraming kulubot sa mukha nito na para bang nang mga oras lamang na iyon niya napansin kahit sa iisang bubong naman sila nakatira.
"Ako ba'y pinagloloko mo? Pati birthday mo hindi mo alam. Sabagay, tuwing naghahanda ako para sa'yo, madalas ka ring wala. Hindi na nakapagtataka," may pagtatampong saad ng ginoo at tinalikuran na siya.
Paglabas ng Don, lumabas na rin si Florentin malakalipas ang ilamg minuto. Dumaan na lamang siya sa malapit na coffee shop upang bumili ng kape. Napaaga siya sa pagdating sa kaniyang opisina. Wala pa si Pedro kaya ilang minuto rin siyang nakatunganga at hindi alam kung paano sisimulan ang kaniyang araw.
Nang pumasok si Pedro sa opisina, bahagya pa itong nagulat nang makita siya roon at higit nang bigla siyang magtanong. "Kailan birthday ko, Pedro?"
"S-sir?"
"Kailan ang birthday ko kako. Alam mo ba?" ulit ni Florentin na halata sa mukha na wala siyang ideya kung kailan ba.