“Tara na para maabutan pa natin!” Hahanapin ko na sana si Adrian kaya lang binalikan na niya ako sa ilog. Pinamamadali para maabutan pa raw namin ang hindi ko alam kung ano. Dali-dali naman akong sumunod sa takot na baka ako ang iwan niya. Hindi ko na binitbit ang damit kong hinubad na napakadumi at punit-punit na rin naman. Wala ng magtatangkang kunin pa iyon at gamitin. Pwde pa kung gawing basahan ngunit kubg suotin ay duda na 'ko. Lakad at takbo ang ginawa ni Adrian kaya naman ginaya ko na siya para masabayan siya. May nadaanan kaming isang mababang puno na may mga sangkatutak na bunga. Binalikan ni Adrian at namitas. "Tulungan mo 'ko nang may mabaon tayo," wika niya kaya lumapit ako at tumulong na rin. Prutas na maliliit ang bunga. Parang ulap ang itsura ngunit kulay orange. Par