Malakas na hangin, napakakapal na hamog at maulap na kalangitan ang sumalubong sa kanilang apat sa Windy Valley. May kadiliman ang paligid sa lupaing iyon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang buwan. Hindi rin makita ang kanilang daraanan dahil sa hamog na kay kapal at sa bawat hakbang nila ay niyayakap sila ng malamig na hangin na tagos sa kalamnan. Ganoon talaga ang klima sa lugar na iyon lalo na sa gabi kaya ang mga mamamayan ay nasa loob na ng kanilang bahay kapag lumubog na ang araw. Malayo sa kung ano ang lagay ng panahon sa buong maghapon. Kung madilim at may makapal na hamog sa gabi, sa buong maghapon naman ay napakaaliwalas ng paligid. May kalakasan pa rin ang hangin, ngunit hindi naman kasinglamig at hindi nakasasagabal sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi na bago