James's Point of View Papunta na kami sa entrada ng Water Valley para dalhin ang sako-sakong mga arina't mga galon ng langis. Mabilis ang takbo ng dalawang kabayong may hila ng sinasakyan naming karwahe. Masakit sa balat ang hangin na humahampas sa balat ko sa mukha at nakapupuwing ang maliliit na insektong nasasalubong namin sa daan. Ang karwahe ay halos paliparin ni Adrian. Bawat paghampas niya sa dalawang kaawa-awang mga kabayo ay napapahiyaw ang mga ito. Halatang nasasaktan sa bawat palo niya sa kanilang puwetan. Ako ang napapangiwi at naaawa sa kanila, ngunit wala akong magawa dahil nagmamadali talaga kami nang mga oras na iyon dahil malapit na rin ang mga sasalakay na kawal ng mga Rock Valley. Kailangan namin silang maunahan upang hindi nila kami makita sa aming balak gawin, dahil