Nagulat ang mga kawal ng Water Valley sa biglaang pagliyab ng kaniyang dalawa pang tulay na gawa bato. Hindi nila alam kung sino ang may gawa ngunit ang kanilang hari na nasa palasyo at tanaw ang nangyayari sa baba ay may hinala na kung sino. “Napakatigas talaga ng ulo ng batang iyon,” galit niyang usal, ngunit naroon ang pa rin ang pag-aalala para sa kaniyang nag-iisang anak. Ang kaniyang kanang-kamay na nasa kaniya lamang tabi ay nakangisi naman at tila ba gustong-gusto ang nangyayari. “Kanino pa ba magmamana?” kaniyang mahinang bulong habang nakangisi at sa kaniyang isip ay lumitaw ang isang imahe ng babae na kasalukuyang nakakulong sa Devlin kasama ang magkasintahang lumabag sa patakaran ng kanilang mundo na magmahal ng taga-ibang bayan. Sa kaniyang pag-isip ay may bigla siyang n