Chapter 23

1435 Words

Hindi ko alam ang dapat na maramdaman nang mga sandaling ito. Nanginginig ang katawan ko. Kung hindi ako hinila ni Adrian sa braso ay baka nakatulala pa rin ako sa kinatatayuan ko magpahanggang ngayon at tinitignan lang ang mga naglalaban na taga-Rock Valley at kawal ng kanilang palasyo. Mabilis ang mga takbo namin. Naririnig ang mga sigaw mula sa pinanggalingan namin. Malalakas din ang mga hiyaw at pagdaing nila sa tuwing sila ay nasasaktan. Sa dinadaanan namin ay may ilang nakahandusay na katawan. May parte ng kanilang mga katawan na putol. May naghihingalo at naliligo ng kanilang dugo habang ang mga katawan ay putikan. Walang suot na armor ang karamihan sa mga sumugod na taga-Rock Valley. Hindi gaya ng lahat ng mga kawal ng palasyo na lahat sila ay kumpleto ang proteksyon sa katawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD