James Point of View Agad akong nag-panic nang bigla na lamang akong umangat mula sa lupa. Hindi ko alam kung paano o kung sino ang nagpalutang sa akin upang iligtas mula sa pag-atakeng iyon ng lalaking taga-Rock Valley pero laking pasasalamat ko na rin. Hindi ko nga lang alam paano ako bababa. Sa tantiya ko ay nasa mga sampung talampakan ang taas ko mula sa lupa at habang tumitingin ako sa ibababa ay nalulula ako. Pero seryoso—paano ako bababa? Wala pang isang segundo mula nang tanungin ko iyan sa sarili ko, bigla akong bumagsak sa lupa. Wala man lang warning. Basta nahulog na lang ako at plakdang-plakda ang pagmumukha sa lupa. Hindi ko nakapaghanda sa aking pagbagsak kaya na-flat ako padapa. Ang sakit sa ilong at parteng dibdib. Hindi ko alam kung may nakakita ng nangyaring iyon. Mad