Third-person’s Point of View Sa magdamag ay abala pa rin ang mga nasa kaharian na Water Valley. Walang tulugan dahil sa dami nilang kailangang gamutin na mga sugatan na mga kawal. Hindi na muna nila ginalaw ang mga wala ng buhay at inuna ang mga maililigtas pa nila. Nagkalat din ang mga bangkay ng mga sumugod na mga taga-Rock Valley at pabalik na sa kanilang kaharian ang mga nakaligtas akay ang kanilang mga kasamahan na may mga sugat din at ang iba’y mga nag-aagawbuhay na. Saksi ang isang malaking ibon na kulay pula. Namasdan ng kaniyang mga mata ang lahat ng mga naganap mula sa ibaba ng kinaroroonan niyang puno. Nalulungkot siya sa daming buhay na nawala nang dahil sa kasamaan ng hari ng Rock Valley na si Ramsy. Batid niya na karamihan sa mga kawal ng kaharian na iyon ay sapilitan lama