Kabanata 9

1482 Words
Magdamag na nagbantay si Eros at siniguro ang kaligtasan ng apong si Rio. Ni hindi siya natulog o umidlip man lamang para matiyak na may kasama ang bata at kaniyang nababntayan. Sa kabila nito ay tumambad pa rin sa kanila ang nakagugulat na kapaligiran. Naiwan nasa silid si Rio kasama ang alagang si Milky at lumabas lamang sandali si Raven para magdilig ng mga halaman, ngunit ang nadatnan niya'y mga sira-sirang bakod at mga tanim niyang animo'y dinaan ng napakalakas na bagyo. Tinawag niya ang asawa at kaniyang tiyuhin upang ipakita ang nangyari sa labas. Agad din naman silang pinapasok sa loob ng bahay ni Eros at doon sila nag-usap tatlo sa pangambang baka may panganib na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan. Laking pagtataka ni Eros dahil wala naman siyang nadinig na kahit anong ingay sa magdamag niyang pagbabantay. "Wala talaga—tahimik kagabi noong natutulog kayo. Sinilip ko pa nga sa labas pero wala naman akong nakitang kahit anong nilalang o kahit ligaw na hayop man lamang na pwedeng gumawa niyon ay wala akong naramdaman," ani Eros sa dalawa. "Hindi po kaya iyong aninong pumasok dito kagabi ang may gawa?" tanong ni Lala kay Eros. "Hindi natin masasabi pero maaari. Pwede ring iba," sagot naman niya. "Paanong iba Tiyo?" biglang singit ni Raven na tahimik lang na nakikinig at nag-iisip kanina. "Mukhang nagtawag ng mga kasama ang isang iyon. Bigla na lamang dumami ang mga enerhiyang pumalibot rito sa bahay kagabi ngunit wala naman ang nagtangkang pumasok," salaysay ni Eros. "Pero Tiyo malaki po ang kutob ko na may kinalaman ang paglaki ng umbok sa likod ni Rio sa mga nangyayari. Ang biglang paglaki at pagpapakita ng nilalang, nangyari po sa loob ng bente kwatro oras lang," konklusyon ni Lala. Malalim na napaisip sina Raven at Eros matapos madinig ang mga sinabi ni Lala. "Sa totoo lang ay maaring tama ka," pagsang-ayon ni Eros matapos analisahin at pagtagpi-tagpiin ang mga obserbasyon niya na siyang ikinagulat naman ng mag-asawa "Sa pagbabantay ko kagabi ay inobserbahan kong maigi ang lahat. Ang aninong biglang nagpakita kagabi ay maaring naakit sa enerhiyang mayroon ang anak ninyo. Batid kong nararamdaman n'yo rin at sa lakas ng enerhiya ay nagawa nitong makarating sa malalayong parte ng ating mundo at nakatawid maging sa mundo ng mga patay. Ang aninong iyon ay hindi anumang nagbabalat-kayong nilalang kundi kaluluwa. Oo, mga dating nilalang sila ngunit ang bigla na lamang nagpakita ay isang matagal nang panahong pumanaw base sa hina ng liwanag na taglay nila," mahabang paliwanag ni Eros. "Naguguluhan pa rin po ako. Ano pong kailangan nila kay Rio? Ano po ba talaga ang umbok na nasa likod niya at bakit ang lakas ng nararamdaman nating kapangyarihan mula sa kan'ya simula pa po kahapon?" sunod-sunod na tanong ni Lala. Bakas na ang pag-aalala sa kaniya at naguguluhan nang talaga sa mga nangyayari. "Hindi ko pa masasagot ang lahat ng mga iyan pero may mga posibleng kasagutan na akong naitala at mga pruweba na lang ang kulang para malaman natin kung alin ang tama at mali sa mga iyon," mabilis na sagot ni Eros. "Nababahala po ako tiyo para kay Rio lalo na't wala tayong malawak na kaalaman sa mga nangyayari ngayon. Hindi po natin alam ang mga kaya nilang gawin o kung pwede silang makapanakit. Kung sakali ay ano pong gagawin natin? Paano po natin puprotektahan si Rio?" "Ano ka ba naman, huwag ka nga maisip ng negatibo," Suway ni Raven kay Lala na natataranta na sa sitwasyon nila. Nilapitan niya rin ito at inakbayan upang ipadama na hindi siya nag-iisa at wala siyang dapat ikabahala. Hindi naman siya ganoon noong dalaga pa siya. Pagdating lang talaga sa anak nila ay tila hirap siyang mapakalma ang sarili dahil ayaw niyang malagay sa panganib ang anak. "Tama si Raven. Huwag kang maisip ng negatibo. Sa ngayon ang maari nating gawin ay pag-aralan ang mga nilalang na gustong lumapit sa kanya, pag-aralan ang sitwasyon upang alam natin ang dapat gawin. Maghahanap rin ako ng mga impormasyon mula sa mga kakilala ko, baka sakaling may maitulong sila para lubos nating maintindihan ang nangyayari ngayon," wika ni Eros. "Ano naman po ang dapat naming gawin Tiyo?" Tanong ni Lala na pilit nang pinakakalma na ang sarili para sa kaniyang anak. "Mabuti siguro huwag niyong iwanang mag-isa si Rio lalo na kapag madilim na ang paligid. Sa ngayon kasi'y wala akong nararamdamang kakaibang enerhiya na umaaligid. Baka nagtatago lamang ang mga iyon sa tabi-tabi at naghihintay ng tamang pagkakataon upang may gawin muli," tugon ni Eros. Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagpaalam na si Eros na pansamantala munang aalis upang maghanap ng mga impormasyon ngunit palabas pa lamang siya ng pinto ay bigla namang nagsisisigaw si Rio mula sa silid kung saan nila iniwan itong natutulog. Napatakbo silang tatlo kung nasaan ito at laking gulat nila sa nadatnan. "M-Mama!! A-Ang sakit po!" malakas nitong sigaw. Nag-iba ang tono ng boses nito at hindi na natinis. Hindi magawang makalapit ni Lala sa gulat at hindi alam kung ano ba dapat ang reaksyong niyang ipakita. Nag-iba ang anyo ni Rio. Biglang itong tumanda, nadagdagan ang edad nito at ngayon ay isang binata ang kanilang nakikita. Ang anak niyang hanggang bewang niya lamang noon ay mukhang mas matangkad na sa kan'ya ngayon. Bukod pa doon ay napunit na ang pantulog nitong suot at halos hubo na ito sa kanilang harapan kundi lang dahil sa kumot. Maging si Eros at Raven ay mistulang naestatwa rin sa kanilang kinatatayuan. Naunang nahimasmasan si Eros at nilapitan niya ito't binalot nang husto upang ang kahubdan nito ay matakpan. "L-Lolo—," pabulong na lamang na usal ni Rio na hirap na hirap ang itsura dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Napakalakas ng enerhiyang nararamdaman ng tatlo sa loob ng silid. Ramdam din nila ang pagdagundong ng kanilang inaapakang sahig. "Kaya mo yan, Rio. Kontrolin mo ang enerhiyang nasa loob ng katawan mo," pakiusap ni Eros sa kaniyang apo. Awang-awa siya pagka't nahihirapan ito. Sunod na dinaluhan ni Raven ang anak. Hindi pa rin ito makapaniwalang anak niya ang nasa harap. Si Lala nama'y nakatingin lamang sa kanilang tatlo, halos matumba na ito at nanlalambot ang tuhod. Mabuti na lamang ay nagawa niyang makakapit sa pintuan upang hindi matumba nang tuluyan. Kitang-kita ng kan'yang mga mata ang ginintuang enerhiyang pumapalibot sa anak. Animo'y apoy na naglalagablab at galit na galit. Ang umbok sa likod ng anak ay naglaho na, ngunit nag-iwan ng kapalit. Isang pakpak. Pakpak na gaya sa mga paru-paro, sa mga Legendary Fairy. Ang kaibahan lamang, ang sukat, mga detalye at kulay na bukod tangi sa lahat sapagka't ang pakpak niya'y kulay ginto at kumikinang. "Lala!" Malakas na tawag ni Eros sa babaeng natulala. Nagulat pa siya sa biglang pagtawag nito sa kaniya at parang bigla siyang nagising mula sa pagkatulala. "P-Po?" Sabay lapit sa kanila. "Subukan mong gamitin ang kapangyarihan mo. Pakalmahin mo ang anak mo. Hindi niya makontrol ang kapangyarihan niya," utos ni Eros na alalang-ala na sa kalagayan ni Rio. Sumunod siya agad at sinubukan ang makakaya, ngunit walang pagbabagong nangyari. Ilang beses niyang sinubukan ngunit wala talaga, kagaya ng nangyari noong nilagnat ito. Hindi tumatalab ang kapangyarihang mayron siya kay Rio. Ilang minuto rin niyang sinubukan. Pagod na at nanghihina na rin dahil sa dami ng nagamit niyang kapangyarihan, ngunit ayaw niyang tigilan. "Kaya mo pa?" nababahala ng tanong ni Eros kay Lala. Hindi ito sumagot, nagpatuloy lang sa ginagawa. "Ako naman, susubukan ko," Presinta ni Raven bigla at tinabig niya ang kamay ng kaniyang asawa na halos wala ng kulay ang kapangyarihang lumalabas sa kamay ni Lala. Bahagya niya pa sanang susubukan ngunit pinigilan na siya ni Raven. Hindi na siya umangal pa at hinayaan na ito. Lumabas ang berdeng kapangyarihan ni Raven mula sa kan'yang mga kamay at binalot ang buong katawan ng anak. Naramdaman niyang hindi pa sapat ang nilabas niyang kapangyarihan para mabalot ang buong katawan nito kaya dinagdagan niya pa ito. Sabay nanlaki ang mga nina Lala at Eros. Dahil hindi lamang berdeng kapangyarihan ang nakikita nilang kinokontrol ni Raven gamit ang mga kamay niya. Laking pagtataka nila nang biglang huminahon ang nag-aalab na enerhiya ni Rio matapos siyang balutin ni Raven ng kapangyarihan niya. Gulat na gulat si Eros habang sinasaksihan ang ginagawa ni Raven. Lalo na nang nahinto ang pagyanig mula sa inaapakan nilang sahig. Malinaw ring nakita ni Lala ang lahat. Ang mabilis na paghinahon ng malakas na enerhiya ni Rio pati na rin ang naghalong berde at ang ginintuang kapangyarihan na kapareho ng pumapalibot sa kanilang anak ay bigla nilang bumalik sa loob ng katawan ng bata nang mabilis. Naiwang nakaawang ang bibig ni Lala sa labis na gulat sa nasaksihan. Siya na hirap na hirap, ang asawa niya ay nagawa nang kay bilis. "P-Papaano mo nagawa 'yon? A-At paanong—," "Hindi ko rin alam," putol ni Raven sa kaniyang mga katanungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD