Kabanata 13

1463 Words
Lala's Point of View "Hindi ko alam, Lala. Baka naman may lunas para kay Rio. Umaasa akong mayroon," ani Raven habang nakayuko ang ulo at tila gulong-g**o ang isip. Sumagi na rin sa isip ko iyon at maging ito, "P-Paano kung wala?" tanong ko sa kaniya. Bahagya siyang nag-angat ng kaniyang ulo ngunit hindi pa rin tumingin sa akin. "Paano kung habang-buhay na siyang mayroong pakpak at hindi na siya bumalik sa tunay niyang edad, Raven?" dugtong ko at binabasa lamang ang kaniyang mga reaksyon sa mukha at base sa mga 'yon, mukhang ayaw niyang tignan ang mga anggulo na iyon. "Ayaw kong mag-isip ng anumang negatibo." Sa wakas, nagawa na rin niyang magsalita. Akala ko kakausapin ko na lang ang sarili ko dahil kanina niya pa ako hindi sinasagot. "Bakit ayaw mo? Hinahabol ng mga nilalang na hindi natin alam ang motibo si Rio. Isang panganib ang naghihintay sa sakaling tumapak siya sa labas. Pwede nila siyang kunin sa atin, Raven. Ni hindi niya nga magawang sumilip sa bintana para makasinghot ng sariwang hangin o maarawan dahil sa nangyayari ngayon. Subukan mong tignan ang ibang anggulo nang maintindihan mo ako. Tanggapin na lang natin—," "Hindi, Lala!" Pareho kaming natigilan dahil sa ginagawa niyang pagsigaw. Bigla na lamang sumikip ng dibdib ko. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nasigawan ako ni Raven mula nang ikinasal kami. Nasesermunan niya ako minsan, ngunit ang masigawanan, hindi. "Pasensya na, nadala lang ako," hingi niya agad ng tawad sa akin. "Ang alam ko naman," tugon ko dahil iyon naman ang totoo. Hindi ganoong klase si Raven. "Ang lahat ng nangyayari'y may dahilan. Kagaya ng dahilan kung bakit pinupuntahan ng mga kaluluwang-ligaw si Rio. Kung anuman ang mga 'yon, nararapat lang na paghandaan natin ang araw na 'yon," dugtong ko matapos. "Siguro nga," aniya ngunit mukhang hindi pa rin siya sang-ayon sa akin. "Naiintindihan ko naman na nag-aalala ka kaligtasan ng anak natin pero sa panahon ngayon, pag-iintindi ang kailangan nating gawin, mahabang pasensiya. Walang dahilan para magalit ka o ako at maghanap ng pwedeng sisihin sa mga ito," Umiwas siya ng tingin. "Anong problema?" Biglang sulpot ni Tatay Eros kung nasaan kami ni Raven matapos marinig ang tila pagtatalo naming mag-asawa sa kusina. "Wala po, tiyo." Si Raven ang sumagot na medyo nagulat sa pagdating nito. "Sigurado kayo?" paniniguro niya at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Raven. "O-Opo," sabay naming sagot upang hindi niya siya mag-alala. Ilang saglit pa siyang nanatili upang palatitigan kami at nang maramdaman na walang magsasalita sa amin upang ibahagi ang pinagtatalunan namin ay nagpasya siyang bumalik na sa silid. Nagpaalam na siya at akmang aalis ngunit bigla ko siyang tinawag. Bagay na ikinagitla ko rin. "Ano 'yon, Lala?" tanong niya nang nakapihit nang muli sa aming direksyon. Bigla naman akong nag-alangang magsalita. Napatingin muna kay Raven at naghintay kung pipigilan niya ba ako o ano. "Mukhang may problema nga rito. Ano ba 'yon?" usisa nang wala agad makuhang sagot sa akin. Wala akong nakitang pagtutol kay Raven nang pagkakataong 'yon. Kaya naman, sinalaysay ko ang mga nasa isip ko kay Tatay Eros. Tahimik naman itong nakinig at nang matapos ay sandaling katahimikan ang namagitan sa aming tatlo, tila ipinapasok muna ni tatay Eros sa kaniyang utak ang lahat ng narinig at kahit walang nagsasalita ay patango-tango siya ng kaniyang ulo na tila inaanalisa sa kaniyang isip ang bawat salitang narinig niya mula sa akin. "Sang-ayon naman ako sa ideya mo," kan'yang saad maya-maya. Isang munting ngiti ang gumuhit sa mga labi ko na animo'y nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Si Raven naman ay hindi maiguhit ang ekpresyon sa mukha. Halatang mayroong pagtutol sa plano kong ipasailalim sa pagsasanay si Rio sa lalong madaling panahon. Para sa anak din namin ito. Mahirap na kasi. Hindi natin alam kung kailan may darating na mas matinding panganib. Paano na lang kung wala kami sa tabi niya? O kaya naman kapag maraming mga kalaban at hindi namin lahat kaya? Parami pa naman din nang parami ang mga kaluluwa at mga nilalang na hindi pa namin alam ang mga kakayahan. "Kailan siya magsisimula?" Nahinto ako sa paglilitanya sa isip ko nang magtanong si Tatay Eros. Napadiretso ng tindig si Raven nang mga sandaling 'yon at binigyan ako ng makahulugang tingin kaya hindi ko agad nasagot ang katanungan. Tila nabasa naman ni Tatay Eros sa pananahimik naming mag-asawa kung sino ang hindi sang-ayon sa ideyang iyon, kaya naman niyaya niya si Raven sandali na kausapin sa sala at iniwan akong mag-isa sa kusina. Nang balikan nila akong dalawa ay laking pagtataka ko sa mga ekspresyon sa kanilang mukha, ngunit isa lamang naman ang nais kung malaman. "A-Ayos na?" tanong ko at bago sila sabay tumango ay nagtinginan muna ang mga 'to. Umalis na si Tatay Eros matapos maresolba ang pinagtatalunan namin ni Raven. Nang magpapahinga na kami ay hindi niya ako pinapansin. Natulog siyang nakatagilid sa kabilang parte ng higaan, kung saan nakatalikod siya sa akin. Hindi ko alam kung nagtatampo lang ba siya o galit sa akin. "Raven?" Nang hindi ako makatiis ay tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi ako sinagot. Alam kong hindi pa siya tulog. Humiga lang ngunit pinakikiramdaman niya ang paligid. Tinawag ko ulit. Sumagot pero hindi naman maayos. "Galit ka ba sa'kin?" tanong ko na halos pabulong lang ngunit dahil malapit naman kami sa isa't-isa, sapat para marinig niya. Bigla siyang napaharap sa gawi ko at patagilid na tinitigan ang mga mata ko nang diretso. "Hindi ako galit," maya-maya ay sagot nito. "Kung hindi ka galit, bakit hindi mo ako pinapansin? Mukhang ayaw mo akong kausapin," tanong ko na medyo may hinanakit na alam kong mararamdaman niya sa bawat salitang namutawi sa aking bibig. Nasasaktan kasi ako na bigla niya akong tintrato nang ganito. Ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng tampuhan at sa sitwasyon, pakiramdam ko mali ako ng desisyon para salungatin niya nang ganoon. Naramdaman kong maluha-luha na ang mga mata ko at bago pa maiyak ay pumihit na ako para hindi sa kaniya ipakita—na hindi ko nagawa dahil bigla niyang hinawakan ang braso ko para hindi ako makapihit pakabili, bagkus ay hinila niya ako palapit sa kaniya at kinulong sa kaniyang mga bisig. "Hindi ako galit, nahihiya lang ako sa'yo dahil ako ang may mali kanina. Nakakahiya rin na si tiyo pa ang nagpaliwanag sa akin at nang mag-usap kami ay roon lang nabuksan ang isip ko," aniya nang yakap na niya 'ko. Bahagya ko siyang tinulak palayo para matignan ko ang mukha niya. Inangat ko ang ulo ko upang makita at sa mga mata niya, nakita kong totoo ang sinabi niya. "B-Bakit ka nahihiya sa akin?" usisa ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman ito. Muli niya akong hinila palapit kaya napunta sa bandang balikat niya ang leeg ko. "E kasi kanina parang hindi ako ang ama sa atinh dalawa. Parang ako pa 'yong takot na maaring masaktan si Rio sa pagsasanay tapos ikaw parang wala lang," "Loko." Hindi ko alam kung maaawa ba ako o tatawan ko na siya. "Sorry naman kung naging mala-tatay ako," "Sira! Anong sorry?" Bigla niya akong inilayo nang mabilis. Parang naalog tuloy ang utak ko. Medyo masakit din sa leeg ano. "Aray naman!" pagrereklamo ko at nataunan siya sa ginawa at siya naman nag-sorry. "Pero teka, Raven, palit na lang kaya tayo. Ako na lang tatay tapos ikaw nanay tapos kung sakaliman na magkakaanak tayo ulit, ikaw na ang magbubuntis—Aray!" Hindi ko na natapos ang naisip kong kalokohan. Bigla niya kasi akong pinitik sa noo. Akmang uulitin niya pa sana kaso tinakpan ko na ang noo kong nasaktan. "Sige ulitin mo kakagatin kita," banta ko sa kan'ya at bigla itong natawa. "Ano ka aso?" tanong niya nang nakangisi malapit sa mukha ko. "Ano ka rin at namimitik ka ng noo? Mapanakit ka!" balik ko sa kaniya. "Kasalanan mo kasi, kung ano-anong sinasabi mo. Mamaya marinig ka ng Bathalang Neto at pagbigyan ang hiling mo," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Oo nga pala— Mabilis akong nagtikom ng bibig. Sinara nang husto na akala mo'y matandang walang ngipin. Nang makita ni Raven at pinagtawanan ako. Matapos ng tawa niya ay bigla naman nanahimik. Akala ko may naramdaman siyang masamang presensya kaya pinakiramdaman ko rin ang paligid. Mayroon nga di kalayuan sa aming bahay. "Mukhang epektibo ang nilagay ni Tatay Eros," untag ko. "Nga pala, aalis kami ni tiyo mamayang madaling araw. May kukunin lang kami sa kubo niya," paalam niya sa akin. "Basta mag-ingat kayo," "Siyempre naman," anito. Inalis niya ang kamay kong nakatakip sa aking noo. Akala ko pipitikin na naman, dinampi niya ang labi niya sa mismong parteng pinitik niya at pagkatapos ay mas hinila niya ako palapit at niyakap nang mahigpit. Mukhang makapagpapahinga kami ngayon, bukas kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD