Kabanata 19

1356 Words
Sinubukang hagilapin ni Eros ang nilalang na tumakbo. Ginamit niya ang kan'yang taglay na kapangyarihan upang matunton kung saang eksaktong direksyon ito nagtungo. Mabilis ang pagkilos ng nilalang. Tumatakbo ngunit sa mga bakas na naiiwan sa kaniyang tinapakan ay napakalayo sa isa't-isa at hindi bakas ng mga paa ng isang gaya ng kaniya. Hindi tuloy mawari ni Eros kung pagtakbo o pagtalon ang ginagawa ng kaniyang hinahabol dahil sa layo ng mga agwat at dahil nasa kagubatan sila at tahanan pa ni Eros, kabisado niya ang mga pasikot-sikot. Kasalukuyan na silang papunta sa direksyon king nasaan ang ilog kaya napagdesisyunan niyang salubungin na lamang ito roon mismo. Bigla na lamang siyang nabalot ng mapulang usok at naglaho matapos. Napunta siya sa lugar kung saan balak niyang abangan ang hinahabol na nilalang. Namutol siya ng banging at itinali sa dalawang puno kung saan tantiya niya roon ito daraan. Isandaang porsiyento siyang nakatitiyak na kaniya itong mahaharang. Maya-maya nga ay nakarinig na siya ng kaluskos na palapit sa kaniyang direksyon. Nagkubli siya agad at naghanda. Ilang segundo pa'y kitang-kita na niya ang mabilis na pagtumba ng isang nilalang na nakasuot ng maduming tela na ginawang baluti sa buo niyang katawan. Matapos matalisod sa baging na hinarang ni Eros sa daraanan nito, sa mababaw na ilog ang bagsak ng nilalang. May tumilapon na bagay sa may damuhan ngunit hindi na niya iyon binigyan ng pansin dahil ang nilalang ang kan'yang unang nilapitan. "Sino ka?" tanong niya rito at itinutok ang kaniyang kamay na may apoy at handa itong patamaan kung ito'y manlalaban. Gulat na gulat ang basang nilalang nang marinig ang nagsalita. Nanatili siyang nakayuko, ikinukubli ang kaniyang mukha. "Sumagot ka!" Utos ni Eros sa kaniya ngunit imbes na sumagot, tumayo ang nilalang upang siya'y harapin kahit nangangatog ang tuhod. Sa kaniyang pagharap at tindig ay nahulog ang baluti nito sa tubig dahilan para malantad ang kaniyang itsura. Nanlaki ang mga mata ni Eros dala ng pagkasindak nang makita ang kabuuan ng nilalang na kaniyang hinabol. Hindi niya akalain na may gamit pala itong saklay kaya ibang mga bakas ang kaniyang iniiwan sa kaniyang dinaanan. Gawa lamang sa biniyak na kawayan ang kaniyang kakaibang saklay dahil hindi pantay. Nakatitindig naman ang nilalang sa harap niya at kaya naman bumalanse. Sadyang may kaiklian lamang ang mga binti nito na tila may mali sa unang tingin dahil bahagyang baluktot ang nasa kanan. Sa unang tingin, para itong nakaluhod, ngunit hindi dahil iyon na ang kaniyang taas. Nagmukha lamang itong matangkad dahil sa saklay na tila naging dugtong ng kaniyang mga binti na nakadagdag ng kaniyang taas, ngunit hindi pa roon natatapos pagka't anv itsura nito'y labis na nakakikilabot. Hindi nakakikilabot dahil nakadidiri ang anyo, kinilabutan siya dahil iyon ang unang beses na nakakita siya ng nilalang na ganoon ang itsura. "Sin-a-anong nilalang ka?" naguguluhang tanong ni Eros sa kaniya. Ang kilabot na iyon ay panandalian lamang sapagka't napalitan agad ito ng awa para sa nilalang. Sa ayos nito'y mukha itong naglakbay ng napakalayo at kung saan-saan na nakarating. Madungis at mukhang walang sapat na nutrisyon sa katawan dahil sa nipis ng pangangatawan. Nakayuko ito ngunit kapansin-pansin ang mukhang halos gabungo na lamang at mukhang wala itong sapat na kakayahang lumaban. Nang magtama ang kanilang tingin, takot ang emosyong nabakasas sa mga mata nitong malalim. Hindi niya matantya kung ilang taong gulang na ito dahil maliit lamang ito at kung anyo ibabase, mukhang hindi lalagpas sa walo. Hindi lalagpas ng apat na talampakan kung nakatindig nang tuwid at ang mukha ay maliit. Hindi ito kagaya nila. Oo't may wangis ito ng isang Celestial ngunit ang kalahati ng mukha nito'y mabalahibo. Maging ang mga kamay at paa nito'y may mga balahibong makapal at ang mga kuko'y medyo malalaki ang hugis at mahahaba, halatang matagal ng hindi napuputulan at sa maduming lugar naninirahan. Hindi niya rin masabi kung ano ang kasarian. Mahaba na kulay itim ang kulutang buhok nito na hanggang balikat at hindi pantay-pantay ang pagkakatubo maging kung paano binawasan. Mukha ring napakalagkit ng bawat hibla, nagkadikit-dikit, buhol at itsura pa lamang ay mukhang may amoy na. Pinatay ni Eros nang apoy sa kaniyang kamay nang mapagtantong mukhang hindi ito lalaban. Malakas lang ang presensiyang taglay nito, ngunit ang anyo ay hindi pangbasag-ulo. Nilapitan siya ni Eros at sinubukang kausapin, tinanong kung anong ngalan, taga-saan, saang lugar nanggaling at kung paano siya sa kanila nakarating. Sa dami niyang itinanong, wala ni isa roon ang sinagot ng bata. Nang napagod si Eros sa katatanong, nagpasya siyang sumuko na lang. Sa hinuha niya ay takot sa kaniya ang nilalang o di kaya'y sa pagsasalita ay wala itong kakayahan. Napansin din ni Eros ang mga malalaking pilat mula sa matagal ng sugat sa iba't-ibang parte ng katawan ng bata. Bukod sa mga 'yon, may mga sugat din ito na mistulang galing sa pagmamaltrato. Malalaki kasi at mukhang nabugbog, habang ang iba na maliliit ay tila galing sa gasgas mula sa kung saan. "Halika, sumama ka na lamang sa akin." Yaya ni Eros sa nilalang na hindi pa rin umimik. Nag-angat ito ng ulo at tumingala upang tingnan ang nagsalita. Bakas ni Eros ang pagdadalawang-isip sa bata. "Hindi ako masamang nilalang, hindi kita sasaktan. May kasama rin akong bata—apo ko sa aking pamangkin na babalikan natin sa kubo kung saan tayo kanina galing," ani Eros upang makuha ang loob nito. Hindi ito sumagot, ni hindi tumango upang ipakita ang pagsang-ayon. Lumingon siya sa may damuhan kung saan may tumilapon nang siya'y matalisod sa baging na iniharang. Tila nakuha ni Eros ang nais niyang ipahiwatig doon at tinungo niya ang direksyon. Hindi siya natatakot kung sakaling atakihin siya nito, ngunit hindi maalis sa isip ni Eros ang posibilidad na baka magtangka itong tumakas at hindi na niya malalaman pa kung sino ito, bakit ganoon ang itsura at kung paano napadpad sa lugar nila. Pinuntahan ni Eros ang damuhan na tinitingnan ng nilalang. Hinagilap kung ano ang tumilapon roon. Agad naman niyang nakita dahil hindi naman ito maliit lang na bagay. Kapares iyon ng saklay na nakalubog sa tubig ngunit ang nasa damuhan ay may nakataling maliit na lalagyan at may iba't-ibang klase ng dahon at sanga ng mga halaman. Batid niyang pwedeng gamiting lunas at laman tiyan kapag nginuya ang mga 'yon. Mabibigay ng sapat na enerhiya at protina na sa dami ay sapat na sa maghapon. Dinampot niya ng saklay. Pinagmasdan at napatanong sa sarili kung paano ito nakatakbo nang mabilis gayong iyon ang kaniyang gamit. Inabot niya sa bata. Laking-gulat niya ng tumayo na ito. Nakita niyang maikli ngang talaga ang mga biyas nito. Hindi lang ang kanan na una niyang nakita. Kinuha ng nilalang ang ng saklay at mabilis na tinungtungan. Inangat ng bahagya at pinatulo ang pumasok na tubig sa loob. Habang pinagmamasdan niya ang bata ay roon niya din napagtanto ang silbi ng putol na kawayan na iyon. Sa tulong ng suot nitong mahabang tela na naitatago nito ang kan'yang kakaiba at maliit na pangangatawan. Para lamang siyang normal na Celestial sa tindig nito at taas na humigit-kumulang limang talampakan. H'wag lamang nila makikita sa kalahating pisngi nito dahil tiyak na magdudulot ito ng kaguluhan. Pwede naman niya itong hayaan na lamang kung tutuusin at kung magkikita silang muli at pagtatangkaan siya nitong gawan ng masama, hindi siya magdadalawang isip na hulihin ito't ikulong lalo pa't isa itong estranghero at hindi nagsasalita. Pumasok sa isip ni Eros na maaring saktan ito ng ibang makakakita sa kan'ya. Hindi lang saktan, maari rin nila itong paslangin dahil sa kaniyang kakaibang itsura lalo na kung mga kawal sa palasyo ang una niyang nakaengkwentro. Bigla tuloy siyang nangamba. "Hindi ko alam kung sino at ano ka, ngunit maari kang sumama sa'kin. Maari kitang bigyan ng masarap na makakain at maayos na matutuluyan. Iyon ay kung gusto mo lamang. Hindi mo kailangang sumagot, sumunod ka na lamang sa akin kung nais mo o kung hindi naman ay malaya kang makaaalis at hindi na kita hahabulin, ngunit ipapaalala ko lang— bilang babala na rin, kapag nakita ka ng ibang mga Celestial ay maari ka nilang saktan." Karagdagang salita ni Eros sa kaniya upang kumbinsihin na sumama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD