Irene Nang maramdaman kong tuluyan nang bumuti ang aking pakiramdam, wala akong sinayang na sandali upang tumulong sa mga alagad ng batas sa paghahanap sa aking fiancé. Ako muna ang namahala sa trabaho ni Third at pinahigpit ko ang security sa mansion. Mahirap na dahil baka bumalik si Clara at ang anak at nanay ko naman ang kanyang bawian. Ngunit sa patuloy naming paghahanap, ni isang clue ay wala kaming nakita, hanggang sa isang araw na tumawag sa akin ang pulis. Kasalukuyan akong nasa aming bahay at nag-aayos ng sarili dahil handa na akong muling umalis at tumulong sa paghahanap kay Third. Kinuha ko ang cell phone sa aking bulsa at sinagot ang tawag na iyon. "H-Hello?" nauutal ko pang pagsagot. "Hello, Ms. Irene. Huwag po sana kayong mabibigla sa sasabihin ko." Sa mga salitang

