Clara "Malakas ang pagkakatama ng kanyang ulo dahil sa aksidente, ito marahil ang dahilan kung bakit nawala ang ibang bahagi ng alaala niya. Hindi ko masisigurado kung hanggang kailan babalik ito. Maaaring hindi na o maaaring bumalik pagkalipas ng ilang araw o buwan. Ang pasiyente na lang ang makapagsasabi ng lahat." Ito ang mga bagay na sinabibsa akin ng doktor. Kung sa bagay, mas maayos na rin ito dahil pumapabor ang lahat at naaayon sa nais ko. Binaling ko ang tingin kay Third. Simula nang siya ay magising, madalas na siyang nakatulala at walang ibang ginawa kung hindi ang tumingin sa bintana. Marahil ay naguguluhan pa rin siya sa mga bagay-bagay. Muli akong bumalik ng tingin sa doktor at ngumiti. "Maraming salamat sa paliwanag, Doc," wika ko. Matapos iyon ay lumabas na rin siya m

